Chapter 7

1827 Words
"Grabe, gurl! Nakakaloka pala iyan! So ano? Maganda ba talaga sa the US of A?" Bahagyang natawa na lang si Ivory sa tanong ng kaibigan. Sumandal siya sa sofa at ipinatong din ang dalawang mga paa roon. "Hmm oo. Pero hindi ko naman kasi talaga nalibot. Alam mo naman kung anong pinunta ko roon di ba?" sabi niya rito. "Hmm sa bagay… pero ito na friend, so jontis ka na?" hindi napigilang tanong nito. Napanguso si Ivory at bumuntong-hininga. "Hmm. Ganoon na nga, Jas. Nitong mga nakaraang araw nga madalas akong nahihilo tapos suka nang suka. Grabe ganito pala pag buntis, ano? Para kang may sakit. Pag gabi naman okay ako. Pero pag sa umaga grabe talaga, Jas. Noong isang araw pa nga dinala ako sa hospital, e," kwento niya. "Ano?!" Bahagyang nailayo ni Ivory ang kanyang cellphone nang sumigaw si Jasmin sa kabila. "Ba't di mo sinabi sa akin?! Tsaka ba't ka dinala?! Ikawng babaita ka, naglilihim ka na sa akin ha?!Hoy!" Napangiwi na lang siya sa ka-OA-han ng kaibigan. "Tumigil ka nga! Ang OA, Jasmin ha," sita niya. "Anong OA?! Na -ospital ka na at lahat girl tapos hindi ko pa alam! Nag-aalala ako syempre!" balik naman ng kaibigan niya. Lihim siyang napangiti at bumuntong-hininga na lang. "Relax kasi muna, pwede? Ito na, magkukwento na," sabi niya pa. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan sa kabila. Bahagya siyang natawa at umayos ng upo. Tuluyan na nga siyang humiga sa sofa at saka sinimulan ang pagkukwento sa kaibigan. "Kasi di ba nga, nagsusuka ako at lahat. E noong kauuwi namin parang naghalo halo na yata iyong puyat ko sa biyahe tapos iyong morning sickness ko pa kaya ayun halos isubsob ko na iyong mukha ko sa bowl. Ewan ko basta ang bigat ng ulo ko ng mga panahong iyon, e. Tapos ayun naabutan ako ni sir sa banyo na nagsusuka. Kinabahan yata siya kaya dinala ako agad sa hospital. Di ko na rin masyadong naalala kasi nahimatay ako pagkatapos. Pero sabi ng doktor okay lang naman daw ako. Baka raw hindi lang sanay iyong katawan. Sinuwero lang naman nila ako tapos pinauwi na rin. Ngayon medyo okay na rin naman ako. Sorry na di kita na-contact agad. E halos ilang araw din kasi akong naka-bedrest lang. Sorry na, Jasmin." Lumabi siya na para bang nakikita ng kaibigan. Narinig niya na naman ang pagbuntong-hininga ni Jasmin sa kabila. "Hay nako, sa susunod, ha? Magtext ka naman. Nag-aalala ako sa'yo kasi talaga." Napangiti siya at tumagilid. Nakaharap na siya ngayon sa TV na hindi naman naka-on. "Oo na. Huwag kang mag-alala, magcha-chat na tayo," sabi niya pa. "Aba'y dapat lang no! Miss na kaya kita!" hirit ni Jasmin. Natawa siya. "Sus! Miss din kita! Kumusta nga pala ang trabaho mo? Nakalipat ka na ba ng titirhan?" pag-iiba niya sa usapan. "Hmm, okay naman. Mababait naman sila rito. Tsaka iyong bago kong tirahan malapit na malapit lang dito sa opisina. Alam mo ba? Nakita ko noong isang araw si Sir Xamuel! Nako, girl! Ang gwapo pala talaga ni sir! Palagi mong nakakasama iyon di ba? Grabe ang pogi!" Agad na kumunot ang kanyang noo sa sinabi ng kaibigan. Napailing na lang siya. "Basta talaga gwapo ang bilis mo," sabi niya rito. Tumawa lang si Jasmin. "Pero seryoso, te. Anong ganap niyo diyan? Kwento naman!" kulit pa nito. Nagsalubong ulit ang kilay ni Ivory. Bumalik sa kanya ang naging reaksyon ni Xamuel noong dinala siya sa hospital tapos iyong mga nagiging kilos nito sa mga nagdaang araw. "Hmm. Okay naman si sir na. Medyo hindi na ako natatakot sa kanya. Tsaka mabait naman pala talaga siya at…maalagain." Halos naging bulong ang huling salitang kanyang binitiwan. "Uyy, ano ito? Parang may nasi-sense ako sa boses mo ha!" agad na sambit ni Jasmin sa kabila. Mas kumunot ang noo ni Ivory bago bumangon. Nag-indian sit siya sa couch. "Anong pinagsasabi mo?" tanong niya rito. "Asus, Ivory! Iyong boses mo may kakaiba!" "Kakaiba? Kinukwento ko lang naman sa'yo si Sir Xamuel. Ewan ko basta parang ang weird niya talaga. Bumait, e. Tapos sobra kung mag-alala. Siguro kasi anak nga niya itong dinadala ko. Baka dahil lang sa pagiging ama niya ito. Peroo ang weird talaga ni Sir. Hindi ako sanay na inaalagaan niya kahit na sabihin nating dahil ito sa anak niya," pagpatuloy niya. Tumahimik ang kabilang linya. Hinintay niya pa kung may sasabihin ito pero wala naman. "Hello? Jas? Hoy, nandiyan ka pa ba?" tanong niya rito. "Jasmin!" Kunot noong tinanggal niya ang telepono at tiningnan. Hindi pa naman putol. Binalik niya iyon sa kanyang tenga. "Jas!" "Uyy! Ikaw ha! Kakaiba na yan talaga! Crush mo si Sir Xamuel, no?!" Agad na nanlaki ang mga mata ni Ivory. "Ano?! Hoy! Tumigil ka nga! Anong crush! Hindi, no!" "Ay sus, Ivory!" "Baliw, hindi nga!" "K. Fine! Sige na nga, kailangan ko nang umalis. Tapos na break ko. Siguraduhin mo lang diyan, Ivs ha? Nako! Baka kamo magka-love life ka rin bukod sa sweldo mo!" Malakas na tumawa si Jasmin. Napailing na lang si Ivory at tinapos na ang tawag. Kahit kailan talaga si Jasmin. Bumuntong-hininga siya at inilagay ang kanyang cellphone sa center table bago ni on ang TV. Manonood na lang siya kaysa isipin ang mga sinasabi ni Jasmin sa kanya. Kung ano ano naman kasi ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Maghapong nanood na lamang ng TV si Ivory. Iyon lang naman yata kasi ang ginagawa niya nitong mga nakaraang araw. Kung minsan naman ay nakikipag-kwentuhan siya kay Sally tapoa sabay silang manonood ng teleserye sa TV. Nahahawa na nga yata siya kay Sally sa pagiging teleserye-adik. "Ay nako! Maiwan na muna kita diyan, Ivory! Magsasaing pa pala ako! Nako, muntik ko nang makalimutan!" Natawa si Ivory nang nagmamadaling umalis si Sally. "Tulungan ko na po kayo?" tanong niya pero nilingon lang siya nito at inilingan. "Manood ka na lang diyan. Darating mamaya si Sir Xamuel," sabi nito at nagtuloy tuloy sa kusina. Naiwan siya roon na nanonood lang. Sumandal siya sa likod ng sofa at nanatili ang mga mata sa telebisyon. Napatingin pa siya sa wall clock ng sala. Mag-aalas singko na. Paniguradong parating na si Xamuel ngayon. Umayos siya ng upo nang naisip iyon. Ewan ba niya, hindi niya alam kung paano kumilos oag nandiyan ang lalaki. Na-a-awkward pa rin talaga siya sa lalaki. Dumating ang hapunan. Bahagyang napaigtad si Ivory nang marinig ang pagbusina ng sasakyan ni Xamuel. . "Good evening po, sir." Agad siyang tumaho at binati ito. "Good evening, Ivory. Have you eaten?" tanong nito. "Uhm nagluluto pa po si Ate Sally," sagot niya. Tumango naman si Xamuel. Napayuko si Ivory. Binalot sila ng katahimikan. "Ahh, upo po kayo, sir!" biglang sabi niya nang mapagtantong pareho pala silang nakatayo. Tipid siyang ngumiti rito. Hindi niya talaga alam kung paano ito kakausapin kaya mabuti na lang at may TV sila. Tahimik na lang siyang nanonood. Mukhang nanonood lang din naman si Xamuel. Bahagya pa siyang nahiya dahil baka hindi nito gusto ang pinapanood niya. Replay kasi iyon ng mga teleserye sa Jeepney TV. Lumunok siya at binalingan ito. "Uhh sir, gusti niyo po ilipat ko ang channel?" kagat labing tanong niya. Bumaling si Xamuel sa kanya. "No, it's fine. You can watch whatever you want, Ivory." Tipid siya nitong nginitian. Napadiin ang pagkakagat niya sa kanyang labi at mahinang napatango na lang. Parang hindi pa rin siya makapaniwalang nginitian siya ni Xamuel. 'Ay, ano ba iyan, Ivory!' Kung hindi dahil sa ingay ng TV, malamang ay may mga kuliglig nang tumunog sa buong sala. "O, halina kayong dalawa habang mainit pa itong tinola." Dinig ni Ivory na sabi ni Sally. Agad na sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng tinolang niluto ni Sally. Bigla tuloyng kumalam ang kanyang tiyan. Tumayo na siya at pinatay ang TV. "Tayo na po, sir," yaya niya sa lalaki at nauna nang pumunta sa kusina. Umupo siya sa tabi ni Sally habang si Xamuel naman ay nasa tapat nila. "Nako, tikman niyo ito. Humigop kayo ng sabaw," sabi ni Sally at sinalinan sila ng tig iisang isda. Ramdam ni Ivory ang paglalaway ng kanyang mga bagang. Gutom na gutom na siya! "Kain nang kain, Ivory," sabi pa ni Sally. Tipid lang siyang ngumiti at tumango. Gaya nang naunang dinner ni Xamuel ay tahimik lang ulit silang kumakain. Paminsan-minsan ay kinakausap ni Sally ang alaga. Laking pasalamat na lang talaga ni Ivory at kasama niya si Sally nang sa ganoon ay hindi naman sila nagmumukhang tanga sa sobrang tahimik. *** "Hayy." Pabagsak na napaupo si Ivory sa sofa at napahawak sa kanyang tiyan. Busog na busog siya. Naparami ang kain niya ng tinola ni Sally. Naipikit niya pa ang kanyang mga mata at napatingala. Dinamdam niya talaga ang pagkabusog. Napaigtad lang siya nang biglang lumundo ang sofang inuupuan. Agad siyang napadilat at napaayos nang upo. "Ay, sir," bulalas niya nang makita sa tabi si Xamuel. Nag-iwas agad siya ng tingin. "It's fine, Ivory. Mukhang busog na busog ka,a." Biglang nag-init ang mukha ni Ivory nang marinig iyon. Tipid siyang ngumiti rito. "Medyo po, ang sarap po kasi…" Napakamot siya sa kanyang ulo. Napangisi si Xamuel. "That's good. Dapat kumain ka nang kumain." Tumango siya rito, hindi pa rin nakatingin. Bumuntong-hininga siya at pumidpid sa gilid ng sofa. Busy sa cellphone ang katabi niya kaya in-on na lang niya ang TV. Awkward na naman kasi. Panay ang sulyap niya sa lalaki pero nanatili labg itong naka-dekwatro at tutok sa cellphone. Naisip niya tuloy kung anong oras kaya ito aalis. Di naman niya pwedeng tanungin kasi ang bastos naman niya roon di ba. "Ivory…" "P-Po?" Nilingon niya ito. Bahagya pa siyang napaatras nang makitang nakatitig pala ito sa kanya. Pinaglapat niya ang mga labi. Bumuntong-hining naman si Xamuel at tiningnan siyang maigi. "Starting tonight, I'll be spending dinner here. I want to check on you everyday." Tumango tango si Ivory. "W-Wala pong problema, sir." Tumayo si Xamuel at tinanguan siya. "Okay, I'll get going already. You take care of yourself, Ivory," sabi nito. Ngumiti siya at tinanguan ito. Ang akala niya ay aalis na ito kaya laking gulat niya na lang nang bigla itong lumuhod at dumukwang sa kanyang tiyan. Gulat na gulat si Ivory nang halikan nito ang kanyang tiyan. Napalunok pa siya at napakurap kurap ang mga mata. Tumayo si Xamuel. "Goodnight, Ivory," sabi nito bago tumalikod. Hindi agad nakasagot si Ivory at napatitig lang sa likod nito. "G-Goodnight p-po," nasabi niya na lang na hindi niya alam kung narinig ba nito. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang maisara na nito ang pinto ng bahay. "Hala ka, Ivory," naibulalas niya na lang. 'Kung bakit kasi ang hilig manggulat ni sir?' Ay ewan!' Mariin niyang ipinilig ang ulo at napasandal na lang sa likod ng sofa. Mukhang kailangan niya nang sanayin ang sarili sa mga ganoong gestures ng boss niya at nang hindi na siya maging mukhang tanga. Napahawak siya sa kanyang tiyan. 'Hilig manggulat ng daddy, mo. Wala man lang pasabing hahalikan ka. Hay!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD