Weekend came. Maagang nagising si Ivory. Balak niya kasing ituloy ang paglalakad lakad. Tiningnan niya ang wall clock ng kanyang kwarto at alas sais na ng umaga. Naaamoy na rin niya ang nilulutong breakfast ni Sally. Alam kasi nitong maaga siyang gumigising para maglakad lakad kaya maaga rin itong nagluluto. Nagbihis na siya ng pang-workout kahit na hindi naman siya magwo-workout. Mamaya pagkatapos niyang kumain pa siya maliligo. Itinali niya lang ng ponytail ang kanyang buhok tsaka bumaba na. Nakangiti niyang binabagtas ang hagdan pababa pero agad ding nawala ang kanyang ngiti nang makita niya kung sino ang nakaupo sa sofa ng sala. "Sir X-Xamuel…" halos malagutan siya ng hininga sa gulat. Nakaupo si Xamuel sa sofa habang seryosong nakatingin sa hawak nitong cellphone. Bahagya ito