Gael-40

1292 Words

Matapos ang duty niya at nakapag-time out na, wala pa rin si Gael. Marahil nasa meeting pa ito. Sinabihan naman siya nitong maghintay sa opisina nito. “Uuwi ka na ba, Anya?” tanong ni Camille nang makasabay ito palabas ng locker room. “Oo. Uuwi na rin ako,” nakangiting sagot niya. Sakto namang pasok ni Pamela. Huminto ito sa tapat nila. Tiningnan siya at ngumisi. Isa si Pamela sa naka-attend ng party kagabi, kasama ang ilang mga nasa mataas na posisyong nurses. “The lucky girl,” tuya nito at pa-iling-iling na nagtuloy sa pagpasok sa locker room. “Problema niya?” natatakang tanong ni Camille. “Huwag mo na lang pansinin,” sagot niya. Alam naman niyang kaya siya tinatawag na “lucky girl” ni Pamela ay dahil kay Gael. Pagdating sa lobby, agad nang nagpaalam si Camille. Hinihintay na kasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD