Buong biyahe silang walang kibuan ni Gael. Natatakot s'yang matanong sa nakikita n'yang galit kay Gael. Napapansin din n'ya na halos ibuhos ni Gael ang galit sa pagmamaneho. Pagdating sa bahay sabay na silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. "Gael gusto mo bang kumain?' Tanong n'ya ng makapasok na sila sa loob. Hindi pa kasi sila kumakain nito, agad kasing nasira ang mood ni Gael. "Busog ako, ikaw na lang ang kumain," tugon nito at naglakad patungong library. Nagkibit balikat lang s'ya, habang sinusundan ng tingin ang asawa. Mukhang hindi talaga nagustuhan ni Gael ang nangyari kanina. Sino ba ang Giovanni na 'yon? at bakit kailangan itong mabigyan ng malaking share sa kompanya ng mga Saavedra? Tanong n'ya sa sarili at nagtuloy sa kusina. Nagugutom s'ya kaya gagawa na la