Matapos ang insidenteng iyon sa rooftop, ay ilang araw niyang hindi nakikita si Gael. Hindi rin ito pumupunta sa bahay nila para guluhin at kulitin siya sa pagpapakasal rito. Nais naman niyang ipagpasalamat ang hindi nila pagkikita, pero ramdam niya ang pagka-miss kay Gael. Namimiss niya ang pasulpot nito sa kung saan at paghatid nito sa kanya sa trabaho. Day off siya kaya makikipagkita siya sa kaibigang si Jessa. Nais sana niyang sabihin sa kaibigan ang problema. Alam niyang maaaring hindi maniwala si Jessa sa umpisa, dahil totoo namang hindi kapani-paniwala ang sitwasyon niya at ni Gael. Baka pagtawanan pa siya ng kaibigan dahil hindi basta-basta ang isang Gael Saavedra. “Ano ba? May kausap ba ako o ano?” sita ni Jessa na nagpagulat sa kanya. Kanina pa kasi niya iniisip kung sasabihi

