Sa trabaho, wala siya sa sarili. Nakailang mali pa nga siya at napagsabihan siya ng head nurse nila dahil iyon sa kakaisip niya kay Gael. Sa sitwasyong tila hindi niya matatakasan mula kay Gael, pati tuloy trabaho niya naaapektuhan na rin. Umakyat siya sa rooftop para makalanghap ng sariwang hangin. Kakatapos lang siyang sermon-an ng head nurse nila. Ikalawang araw pa lang niya sa trabaho, ang dami na niyang palpak. Puro sermon na ang inabot niya. “Nakainis! Hindi ako makapag-focus,” inis na sabi niya habang naglakad-lakad sa malawak na rooftop ng building kung saan mga nagtataasan ding mga building ang matatanaw niya. Ang halos lahat ng mga nagtataasang building na nakikita niya ay pagmamay-ari ng mga Saavedra. “Hey,” nagulat siya nang may marinig na tinig sa may likuran. Tiningnan

