Jian's Point Of View* Damn, hindi ako makatulog! Paano ba ito! Akala ko makakatulog lang ako pag malalaman ko ang katotohanan eh ano ito? Nagpa ikot ikot na ako sa higaan ko. Ang tanda ko na at malapit ng mawala ang edad ko sa Kalendaryo pero nakakaramdam pa din ako ng ganito! At wala na hindi talaga ako makakatulog. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni One kaya agad akong umupo sa kinahihigaan ko at ang puso ko ang bilis. Agad ko iyong sinagot. "Hello?" "Tulog ka na ba?" "G-gising pa, bakit?" "May ginagawa ka ba ngayon?" "Ah wala. Di ako makatulog." "Nasa labas ako ng pinto mo." Napatingin ako sa pintuan at agad ako nagpanik. Anong ginagawa niya sa labas ng pinto ko? "Ha? Ah teka lang! Papunta na." Nagmamadali akong bumaba sa higaan ko at dumiretso s

