Jian's Point Of View* Nakatingin pa din ako kay One na nag aasikaso sa mga bata na kustomer. "Here's your favorite, Childrens." "Yehey! Ice cream!" "Thank you, One." Tumango naman siya bago ngumiti. Mas lalo atah akong nahulog sa kanya. My Gosh paano na lang pag may anak kami tapos ganun niya kamahal ang mga anak namin. Napakagat ako sa labi ko dahil sa kinikilig ako. Sana maging ganun din siya sa akin. Gawin niya akong Baby. Napasampal ako sa dalawang pisngi ko at nung tingnan niya ako ay agad akong napatago sa baba at nag iinit na ang mukha ko. Nakita niya ako na namumula! Napatakip ako sa mukha ko. "Are you okay, Jian?" Sumilip ako at mas lalong nagulat nung nasa harapan ko na siya. "Ay gwapo!" Agad akong napatakip sa bibig ko dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. "Gwapo

