bc

The Tyrant's Other Half (FREE)

book_age12+
515
FOLLOW
1.1K
READ
possessive
sex
contract marriage
reincarnation/transmigration
fated
pregnant
arrogant
badgirl
royal
another world
like
intro-logo
Blurb

Nagising si Fiona at napunta siya sa mundo kung saan nangyayari lamang sa libro na kanyang binabasa. Di niya aakalain na siya pala ang Stepmother ng bidang si Snow kung saan sa libro ay pinagmamalupitan ito ni Genevieve na Stepmother ng bida. Pero ngayon sumapi siya sa katawan ni Genevieve paano niya naman mamalupitan ang isang napakacute na batang babae na si Snow? Napagpasyahan niyang baguhin ang lahat nang mangyayari. Sana mag success siya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Queen Genevieve POV* Nagising ako sa isang di pamilyar na magandang kwarto. Luminga linga ako at di ko alam kung nasaan ako. Kung nasa langit ba ako o nasa panaginip? Ang huling naalala ko ay naglakad ako pauwi galing trabaho nang biglang may isang malaking truck at doon na ang huling naalala ko. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang tatlong katulong na nakayuko sa akin. "Good Morning, Her Majesty the Empress." Sabay bati nilang tatlo at ako naman ay naguguluhan sa kanilang sinasabi. Teka ano daw? Mukhang nabingi atah ako ha. Tama ba ang narinig ko? "Pakiulit nga ng sinabi niyo?" Tanong ko. Bigla naman silang namutla at pinagpapawisan. Teka di ko naman sila inaway ha! "G-Good Morning, Her Majesty the Empress..." Sabay na sabi nila. Napanganga ako. Bakit nila ako tinawag na Empress? Anong nangyayari?! Agad akong tumayo at dumiretso sa salamin baka panaginip lang ito. Kasi pag di ko makikita ang mukha ko sa salamin ibig sabihin nun nasa panaginip ako pero ngayon nakikita ko ang isang magandang babae na may malaginto ang buhok at mga mata. Hinawakan ko ang mukha ko at ako nga ang nakikita ko ngayon sa salamin. "Sino ako at ano ang nangyari kahapon?" Tanong ko habang nakatingin pa din sa salamin. "H-Her Majesty, kayo po si Empress Genevieve Watson Lewis at kahapon po kayo kinasal sa Emperor na si Emperor Amon Luther Lewis." Paliwanag nung isang katulong at ako nakanganga lang. Teka pamilyar ang mga pangalan nila. Amon Luther Lewis... Siya ang Ama ng Female Lead na si Snow Lewis at nagpakasal si Amon at Genevieve dahil sa yun ang kagustuhan ng mga magulang nila noon bago ito namatay. Di ko pa nababasa ang boung storya kung saan talaga galing ni Snow at kung sino ang Ina niya basta ang pagkakaalam ko na mag ama talaga sila dahil parehas sila ng features bilang mag ama. Teka ako ang Stepmother ni Snow na si Genevieve! Ang walang puso na naging Ina ni Snow na parati siyang sinisigawan, inaaway, minamaliit at inaapi. "Her Majesty, a-ayos lang po ba kayo?" Napatingin ako sa tatlong katulong. Ay nakalimutan ko sila. Kailangan ko munang mag bihis. Di ako pwedeng lumabas na naka pajama lang. "Nasaan ang damit ko?" Tanong ko. Nagulat ako dahil hawak na pala nila. At nagulat nalang ako dahil sila na ang umasikaso sa mga susuotin ko. Matapos ang ilang minuto ay nakasout na ako ng magandang damit. Nakatulala akong nakatingin sa salamin at napahawak sa alahas na nasa akin. "Totoo ba ito?" Mahinang sabi ko. Pwede na itong ibenta sa pawnshop. "Her Majesty, handa na po ang almusal ninyo." Magalang na sabi ng isang katulong ko parang siya ang Lady-Waiting ko (kanang kamay na maid) Siya si Hannah at anak siya ng isang count at simula bata pa sila ni Gene ay magkasama na sila. Lumakad na kami papunta siguro ito sa hapagkainan nang makasalubong namin ang isang magandang bata na babae at may itim siyang buhok at pulang mata at ayun sa nabasa ko ay ganun din ang kulay sa Ama nito. Teka siya na si Snow. Nang makita niya ako ay namutla siya at agad yumuko upang mag bigay galang sa akin. "Greetings, Your Majesty the Empress." Magalang na sabi nito. Ang masasabi ko nalang ay ang cute ng batang ito! Para siyang baby! Gusto ko siyang yakapin pero baka magulat siya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Sa library po." "Tapos ka nang kumain? Sumabay ka na sa akin." Nagulat siya sa sinabi ko na parang di siya makapaniwala sa sinabi ko. "P-Po?" Ngumiti ako sa kanya na mas lalo niya kinabigla. "Sabay ka na sa akin kumain." Sabi ko at sabay ngiti. Pero nung ngumiti atah ako parang natakot atah siya. Parang pakiramdam ko nakakatakot ang mga ngiti ko. "What happened?" Sabay kaming napatingin sa nag salita at ayon sa itsura niya siya si Amon. Siya ang Emperor. At malamig ang mukha niya sa pagka alala ko ayaw niya kay Gene dahil sa pagka madrasta nito sa kanyang anak. "Greetings, Your Majesty the Emperor." Sabi ko sabay yuko at yumuko din ang mga kasama ko. At ganun din ang sinabi ni Snow sa ama niya. Sa katunayan nahihiya din si Snow na magsalita sa harapan ng Ama niya. In short di sila close. According sa future ni Snow ay natatakot siya sa kanyang Ama at mas pipiliin pa niya na di magpakita sa Ama nito. Naaawa ako kay Snow dapat maramdaman niya ang pagmamahal ng mga magulang sa bata pa niyang edad. "Iniimbitahan ko lang si Snow na mag almusal, Your Majesty." Mahinhing sabi ko at nagulat naman ang Emperor sa sinabi ko. Naintindihan ko sila dahil sa libro ay ayaw na ayaw talaga ni Gene si Snow dahil di niya ito kaano ano. "Really?" Di makapaniwalang sabi ng Emperor. "Kung ganun ay sasama ako. Ito ang unang pagkakataon na magkasama tayong kumain ng almusal." Walang emosyong sabi ng Emperor sa amin. Si Snow naman ay di makapaniwala sa nangyayari. Nasa hapagkainan na kami at tanging kutsara at tinidor lang ang naririnig namin sa mahabang pagkainang ito. Tahimik talaga ang paligid at kahit ang mga katulong ay nakatayo lamang sa magkabilang gilid ng lugar. Kailangan kong mag open sa usapan nakakabingi ang katahimikan. "Princess Snow, may gagawin ka ba mamaya?" Tanong ko kay Snow na kinagulat niya at napatingin sa akin. "May klase po ako mamaya sa history, Your Majesty." Nalungkot naman ako. Busy pala siya at nakalimutan ko na home school lang pala siya. "Ganun ba. Sayang gusto pa naman ng makakasama na mamasyal sa Garden." Mahinang sabi ko. "Mukhang naiba atah ang mood mo, Empress." Napatingin ako sa Emperor na wala pa ding emosyon ang mukha. "Gusto kong makabonding ang anak ko na ngayon na si Snow." Sabi ko sabay tingin kay Snow na nagulat sa sinabi ko. "It's nice to hear kung totoo nga na gusto mo siyang makasama." Di ko masisisi ang Emperor na humusga sa pakikitungo ko sa anak niya dahil nung di pa sila kasal ni Gene ay puro negatives ang nakikita niya kay Gene. Ang hirap ipakita na nagbago na ang katawang ito. "Di bali, Snow. Marami pang araw na magka bonding tayo." Masayang sabi ko at napatingin ako sa damit niya. Di ba parang pang mature atah ang mga damit niya. Wala bang pang bata ang style? Ayon sa naalala ko ang tanging nagtuturo sa kanya at pumipili ng mga damit niya ay si Duchess Aurora ang isang kapatid ni Emperor Amon. Lalo na yun strict ang pagtuturo niya kay Snow at ginagawa niyang kalaban ang walang kamuwang muwang na si Snow. Naalala ko pa nung sa libro na walang pake si Gene sa ginagawa ni Duchess Aurora kay Snow at sinabihan niya itong si Duchess na ang bahala kay Snow. Ngayon ay ang gagawin ko ay Oplan maging Good Mother kay Snow at ibigay ang pamilyang hinahangad niya. Ngayon nandito ako sa kwarto ko ngayon at nag iisip kung ano ang magandang ireregalo kay Snow. Matagal pa naman ang birthday niya sa susunod na buwan pa pero gusto ko siyang regalohan dahil Mama na niya ako ngayon. "Hannah, ano sa tingin mo ang gusto ni Princess Snow na laruan?" Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. "E-Eh... Your Majesty, ayos na po ba kayo?" Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo. "Syempre, ayos lang ako. May problema ba?" "Wala naman po. Masaya lang ako dahil binibigyan niyo ng oras si Princess Snow." Nakangiting sabi niya at napangiti naman ako. "Hmm... Di ako makapaghintay na makita ang reaksyon ng Baby Snow ko." Nag iimagine na ako na irereact niya at ang masasabi ko nalang ang cute niya lalo na ang pisngi niyang malambot ang sarap halikan nun! Sa true life ko kasi mahilig ako sa mga bata at sa babies. Dahil isa akong Doctor sa mga bata at alam namin ang mga paraan kung paano alagaan at bigyang pansin ang mga bata. "Bigyan niyo nalang po siya ng manika, Your Majesty." Napatingin ako kay Hannah. Tama manika tapos gagawan ko ito ng magandang damit na magiging parehas ng damit niya. Tama yun nga! "Nice idea, Hannah! Bumili ka ng kagamitan sa pangtatahi dahil ako ang gagawa ng manika at damit nito." Sabi ko na kinagulat niya. "Marunong ka manahi, Your Majesty?!" Gulat na sabi niya at napatingin ako sa kanya. Ano naman sa tingin niya di ako marunong... Teka di nga marunong magtahi ni Gene! Nakalimutan ko nasa ibang katawan pala ako. "Uhm... Nagpapractice ako habang wala ka. Dalian mo kuhanin mo na ang pangtahi para masimulan ko na ang ireregalo ko kay Snow." Sabi ko nalang at napangiti naman siya at yumuko bago umalis. Emperor Amon POV* Nasa opisina ako at di ako mapakali sa inasal ng Empress kanina. Ibang iba ito sa huling Empress na nakita ko. Nung di pa kami kasal ay walang emosyon niyang tinitingnan si Snow at wala talaga siyang pake sa anak ko. Malamig siya sa lahat ng nakakasama niya at marami siyang sinisante na mga katulong na kaunting pagkakamali lang ang ginawa. Ang lahat ng trabaho dapat ay tama at walang pagkakamali ang nangyayari. Ngayon hindi ganun ang nakikita ko sa kanya. Pakitang tao ba niya iyon? "Your Majesty, pinatawag niyo po ako?" Tanong ng kanang kamay ko na si Red. "Bantayan mo ang mga galaw ng Empress parang may mali. Report mo sa akin ang lahat ng ginagawa niya lalo na't pag kasama niya si Princess Snow." Utos ko sa kanya at yumuko naman siya. "Masusunod po, Your Majesty." Sabi niya. "Ah teka, papuntahin mo siya mamaya sa living roon dahil pag uusapan namin ang mga rules namin mamayang 6pm." Utos ko pa. "Masusunod po." At lumabas na siya. Napasandal ako sa upuan ko at napatingin sa labas ng bintana. Kung ano man ang binabalak mo Empress sana hindi yan ang makakasira sayo sa hinarap. ****** LMCD22

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook