Chapter 2

1380 Words
Empress Genevieve POV* Naging star ang mga mata ko nang makita ang mga pangtahi sa mesa. Ang daming sinulid at iiba iba ang kulay at mga tela na kina excite ko sa paggawa ng manika. "Very good, Hannah. Nandito na ang lahat ng kailangan ko." "Masaya po ako dahil napunan ko po ang mga kailangan niyo, Your Majesty." Nakangiting sabi niya. "Ah, teka lang." Tumakbo ako at pumunta sa mesa sa gilid ng higaan ko at kinuha ang isang set ng alahas ko. "Ito regalo ko sayo." Sabi ko at sabay lahad ng alahas sa kanya. "Your Majesty!" Gulat na sabi niya. "Regalo ko yan sayo. Sana magustuhan mo." Sabi ko at naiyak naman siya. "S-Salamat po, Your Majesty." Sabi niya na kinangiti ko. "At ito pa ibigay mo yan sa mga katulong ko dito sa Empress Palace." Sabi ko sabay lahad ng box sa kanya. "Po?!" "Wag ka nang magtanong. Pang sorry ko yan dahil sa mga ginawa ko sa kanila noon pa man." Sabi ko. "Kung yan po ang gusto niyo." At umalis na siya na kinangiti ko. Aanhin ko naman kasi ang ganung karaming alahas di ko naman iyon masusuot ng sabay sa iisang okasyon. Biglang may kumatok sa pintuan. Ang bilis ba naman ni Hannah maghatid ng mga alahas. "Pasok." Sabi ko nalang at excited na umupo sa upuan ko para simulan na pagtatahi nang mapahinto ako nang makita kung sino ang pumasok at ito yung kanang kamay ni Emperor Amon. "Greetings, Her Majesty." Bati niya sabay yuko. "Anong kailangan mo, Red?" Tanong ko sabay ngiti. "Mamayang 6pm po ay pinapatawag ka sa living room ng Emperor dahil ididiscuss niya po ang rules niyo dito sa palasyo." Mukhang agreement niya atah ang topic namin mamaya. "Sige, susunod ako." Sabi ko at kinuha ang tela at pinakiramdam ko ang tela nito. Kailangan maganda ang tela para paghawak ni Snow ay magugustuhan niya ang pagyakap sa manika dahil malambot ang tela nito. "Your Majesty, ano po ang ginagawa ninyo?" Tanong ni Red habang nakatingin sa hawak ko. "Ah ito? Magtatahi ako." Sabi ko at tumango tango nalang siya at umalis na ito. 6pm na at nandito na ako sa harapan ng living room at nasa loob na ang Emperor na naghihintay sa akin. Pumasok ako at nakita ko ang Emperor na nakaupo sa sofa habang may hawak na red wine sa kamay nito. "Greetings, Your Majesty." Sabi ko sa Emperor at napatingin naman siya sa akin. "Mabuti at nandito ka na. Sisimulan na natin ang discussion tungkol sa mga rules dito sa palasyo. Maupo ka muna." Ngumiti ako at tumango. "Okey, simulan mo na." Sabi ko at umupo. "Hmm... May tatlong rules akong ginawa. Una ay wag na wag mong sasaktan si Snow." Tumango ako sa unang rules niya. "Never mangyayari yun." "Ikalawa ay kailangan ipakita natin sa mga tao na nagmamahalan tayo at kahit hindi na pag walang mga taong nakapalibot sa atin." Tumango tango ako. "At ikatatlo ay mind your own private business." Sabi niya. Wala talaga siyang pake sa akin. Pero di naman ako affected. Ang gusto ko lang ay si Snow at ayos lang sa akin na di makuha ang pagmamahal niya. Wala naman akong pake sa love. "Wala akong irereact sa private life mo, Your Majesty. At ayos lang sa akin na magkaroon ka ulit ng anak sa ibang babae o magkaroon ka ng mistress. Wag kang mag aalala kagaya ng gusto mo iiwasan kong mahulog sayo at di ko papakealaman ang love life mo dahil kontrata lamang ang lahat ng ito." Sabi ko at ngumiti kasi yun naman ang sinabi niya bago kami ikinasal na never siyang maiinlove sa akin. Tumango tango naman siya. "Mabuti at nagkaintindihan tayo." Sabi niya sa akin. "Hmm... Pero may hiling lang ako, Your Majesty." Sabi ko na kinahinto niya. "Ano yun?" "Una sana magbigay ka ng oras kay Princess Snow. Kahit sumabay kang kumain sa kanya araw araw." Napaisip naman siya sa sinabi ko. "Depende kung busy ako." "Ikalawa, ipakita mo na ama ka niya para maramdaman niya na may Amang kayang umagapay sa kanya hanggang sa paglaki." Natahimik naman siya. "At ikatatlo ay kausapin mo naman siya. Kahit ako wag mo ng kausapin basta siya kausapin mo at bigyan mo siya ng mga positive comments na ikasasaya ng anak mo. Kahit yun lang ang mga rules ko." Tiningnan niya ako sa mga mata ko. "Kailan ka pa nagkaroon ng interest kay Snow? It's hard to believe na nag aalala ka sa kanya." "Wala ka ng pake doon. Basta ang rules ko ay tuparin mo at tutuparin ko ang lahat ng rules mo." Sabi ko at tumayo at yumuko bago umalis. Pagkalabas ko sa kwartong iyon at nakahinga ako ng maluwag. Grabe ang cold ng lalaking iyon! Nasa hotseat atah ako kanina di ko kinaya ang lugar kung saan na kaming dalawa lang. Lumakad ako nang makita ko si Snow na naglalakad habang ang right hand maid niya ay may dalawang libro. "Snow!" Masayang sabi ko at napatingin naman siya sa akin. "Greetings, Your Majesty." Malambing na sabi niya. Ang cute ng boses niya! "Saan ka pupunta ngayon?" Tanong ko. "Mag didinner na po ako, Your Majesty. Kakatapos ko lang po sa aralin namin." Nakikita ko na nahihiya pa din siya habang nagsasalita. Nag squat ako para magkapantay kami ng height na kinagulat niya. "Pwede bang sabay tayong kumain ng Dinner?" Tanong ko sa kanya. Napalunok naman siya at nahihiyang tumango. "A-Ayos lang po, Your Majesty." "Snow, call me Mom." Malambing na sabi ko na kinagulat niya. "P-Po?" "Ah, k-Kung ayaw mo ayos lang." Wag pa kasing binibigla eh! Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya. "Mamaya pagkatapos kumain pwede ba kitang samahan sa kwarto mo. Gusto kong basahan ka ng libro." "Your Majesty..." Nakita ko na touch siya sa sinabi ko. "G-Gusto ko po." Sabi niya na kinangiti ko. "Salamat, Snow." Sabi ko sabay tayo at inilahad ang kamay ko. "Tara na kumain na tayo." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko at tinanggap naman niya ang kamay ko at nahihiya pa din siya. Ang cute niya. Nasa hapagkainan kami at tahimik kaming kumakain. "Kumusta ang discussion ni Duchess Aurora?" Tanong ko. "A-Ayos lang po, Your Majesty." Di pa din siya sanay na tawagin akong Mom. Malungkot na napangiti ako pero di ko iyon pinahalata. "Ay! I'm sorry po... Di pa po ako sanay." Nahihiyang sabi niya. "Ayos lang, Snow." Dumating ang chef at inilapag ang masasarap na Deserts sa mesa. At nakita ko na di iyon tiningnan ni Snow. Naalala ko di siya pwedeng kumain ng mga sweets dahil baka tumaba siya sa mga susuotin niyang gowns. At yun ang sinabi sa kanya ni Duchess Aurora. "Princess Snow." Napatingin siya sa akin. "Kumain ka ng Cake." "Pasensya na po, Your Majesty. Di po kasi pwede." Napakagat ako sa labi ko. "Ayos lang paminsan minsan na kumain ka ng masasarap na deserts kagaya ng mga ganitong pagkain. Trust me." Sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at may pag asa ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. "Trust me. Ako ang bahala kumain ka ng marami hanggang sa mabusog ka. Walang pipigil sayo na kainin ang lahat ng gusto mo kahit si Duchess Aurora pa yan." Sabi ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya at napatingin sa mga Cake sa mesa. "Talaga po?" Ngumiti ako at tumango. "Hmm... Kaya wag mong bitin ang sarili mo. Habang bata ka pa kainin mo ang lahat ng gusto mo habang nabubuhay ka pa. Kasi yun ang saakin." Napangiti siya at kumuha ng isang cake at tinikman iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang malasahan niya ang sarap ng cake. "Masarap nga!" Di makapaniwalang sabi niya. "See, I told you." Nakangiting sabi ko at kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid na labi nito na may icing. Napangiti ako dahil unti unti nang magkalapit ang loob namin ni Snow. Kinagabihan binasahan ko siya ng libro hanggang sa makatulog na siya at napangiti akong inayos ang librong hawak ko at hinaplos ang ulo niya. "Ibibigay ko sayo ang pamilyang matagal mo ng pinapangarap, Snow." Sabi ko sabay halik sa noo niya. Gumalaw siya at niyakap niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya at nakita ko na nakangiti siya na kinangiti ko. ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD