CHAPTER 07: Chaos in the Mall

2152 Words
Chezca Mendoza MATAPOS naming manggaling sa mansyon nina Queenie at Skylight ay dumaan kami ni Badong sa isang mall. Alas-diyes na ng umaga at bukas na rin ang mall. Naglakad-lakad kami sa loob at nagtungo sa bilihan ng mga wedding gown. Nakasuot siya ng black baseball cap at dark shades upang hindi kaagad makilala kung sakali mang umabot na dito sa Pilipinas ang mga taong naghahanap sa kanya. "Puwede mo namang isuot ulit ang prosthetics mo," ani ko sa kanya. Tumawa naman siya. "No need. I know that thing looks terrible anyway. Ayokong pagtawanan ka ng mga tao." "It's fine with me now," I replied with a soft laugh. "Because I already know who's really behind it." "Maybe next time we go out," he said playfully, "I'll find better-looking prosthetics." Muli akong natawa. "Ikaw ang bahala." "Gusto kong kiligin ang mga taong makakakita sa atin ngayon, para naman mapadali ang pagkahulog mo sa akin." Muli akong natawa, pero natahimik din at napatitig sa kanya. If I get to be with him every day and keep seeing the qualities I want in a man, maybe ... I'll really learn how to love him. Hindi ko nga alam kung paano ako nahulog kay Stanley. Oo, guwapo siya pero arogante at ang sama ng ugali niya. Hindi 'yon ang gusto ko sa isang lalaki, pero nahulog pa rin ako sa kanya. Ayts. Baliw talaga itong puso ko. "Hey. I found something beautiful," ani Badong, at nagulat na lang ako nang hilahin niya ang kamay ko papasok sa isang bridal boutique na puno ng mga naggagandahang mga wedding gown. Namilog din ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga ito. "Wooow, they're so beautiful!" I exclaimed. "Good morning, ma'am, sir!" agad na bati sa amin ng isang sales associate na naka-blush pink na uniform at may suot na name tag na may pangalang Arielle. "Welcome to La Belle Bridal Boutique. May particular design po ba kayong hinahanap?" Badong and I exchanged glances. Naaaninag ko naman ang mga mata niya sa suot niyang sunglasses. "Ahm... titingin-tingin lang muna kami," sagot ko sa babae. "Wedding po ba?" magiliw niyang tanong. "Yes," sagot ni Badong bago pa ako makapagsalita. "For my fiancée." Ngumiti na rin ako kahit hindi ako ganun kasaya at may napakabigat pa ring dibdib. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit nang pagkakahawak ni Badong sa kamay ko, na tila ba sinasabi niyang sanayin ko na ang sarili ko sa mga bagay na ito simula ngayong araw na ito, lalo na ang pagtawag niya sa akin ng fiancée. "Congratulations po!" masiglang bati ng sales associate. "May fitting area po kami sa loob. Kung gusto niyo, ma'am, puwede kayong magsukat." I nodded with a smile. "Thank you." Bumaling na rin kami kaagad ni Badong sa mga naggagandahang mga wedding gown. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang isang gown na naka-display sa gitna—white, off-shoulder, may mahabang train at simpleng beadwork sa dibdib. Hindi ito sobrang engrande, pero elegante. Just the way I liked it. Muli na namang pumasok sa isip ko ang paulit-ulit kong imahinasyon. I was walking down a long white aisle surrounded by stunning decorations—white flowers and flowing white drapes. Ang nilalakaran ko namang white aisle ay napupuno rin ng mga rose petals. Papalapit ako sa pinapangarap kong groom na naghihintay sa akin sa altar, si Stanley Montgomery. Pero hanggang imahinasyon na lang iyon dahil si Badong ang nakatadhana para sa akin. Napakasakit isipin, pero kailangan ko nang tanggapin at simulang kalimutan na siya sa buhay ko. "That one suits you," Badong suddenly said beside me. Agad ko siyang nilingon. Nakatitig din siya sa wedding gown na gusto ko. "Hindi mo pa nga nakikitang suot ko, eh," I teased, trying to lighten the heaviness in my chest. "I don't have to," nakangiti naman niyang sagot. "Alam kong ikaw ang magpapaganda sa gown na 'yan." "Oh, come on, you're flattering me," I said, laughing. "I'm not flattering. That's the truth," seryoso niyang sagot, pero may ngiti pa rin sa labi. "Kaya mo ba ang presyo niyan?" tanong ko. "Baka naman ang mahal-mahal niyan. Okay na sa akin kahit mumurahin lang." "Are you underestimating me?" he replied with a laugh. "Yes, I said we need to be careful with money, but for you, gagastusan ko talaga 'yan." Natawa naman akong muli. "Maghati na lang tayo sa gastusin. Tutal, kasunduan lang naman ito." Ibinulong ko na lang ang huli kong sinabi upang walang ibang makarinig. Tumitig naman siya sa akin. "No," sagot niya. "Hindi porke't kasunduan lang ang kasal natin, hahayaan na kitang gumastos para dito. I'm already courting you, right? Who knows, maybe before we even get married, you'll really be in love with me." Natawa naman ako. "Bahala ka nga. Madali naman akong kausap." Tuluyan ko nang nilapitan ang gown. Narinig ko rin naman ang mahina niyang pagtawa sa likod ko. Tumabi siyang muli sa akin at pinagmasdan ring mabuti ang gown sa harapan namin. Hinawakan ko ang tela nito. "Ang ganda talaga nito." "Try it on," he said. "It'll look even better on you." "Ma'am, ready na po ang fitting room!" sabat namang bigla ng sales associate. Huminga ako nang malalim at tumango. "Okay." Pinagtulungang alisin ng mga kasama niya ang gown mula sa mannequin at maingat na inilagay sa isang malapad na hanger. Kita ko kung gaano nila ito iningatan, na para bang isang mahalagang obra ang hawak nila. "Please follow me, ma'am," magalang na sabi ng isa sa kanila habang pinangungunahan ako patungo sa fitting room. Sumunod din naman ako. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ay nilingon ko muna si Badong. He was still standing in his spot, hands in his pockets, smiling, and facing in my direction. Even though I couldn't see his eyes, I knew he was staring at me. Tumango pa siya saglit sa akin. Nginitian ko rin siya bago tuluyang pumasok sa loob ng fitting room. Nakasabit na dito sa loob ang wedding gown. Lumabas na rin ang sales associate. "Nandito lang po kami sa labas, ma'am, kung kailangan niyo po ng tulong," anito sa akin. "Okay, thank you." Isinara na rin nila ang pinto. Huminga muna ako nang malalim habang pinagmamasdan pa rin ang gown. Sinimulan ko na ring hubarin ang damit ko—blouse at pantalon, pati na rin ang sapatos ko para hindi ito sumabit sa gown. Sabi nila, bawal daw sukatin ang wedding gown bago ang kasal. Tsk. Hindi na ako naniniwala pa diyan, at hindi rin ako natatakot kung sukatin ko ito. Damn it. Am I still hoping that someone could stop my wedding? Sabi ng puso ko, hanggang sa huling sandali, aasa pa rin siya. Ang tanga mo talaga! Maingat ko nang isinuot ang gown. Dumudulas ang tela nito sa aking balat. Hindi pa man naisasara ang corset lacing sa likod, kita ko na agad kung gaano ito ka-perfect sa hugis ng katawan ko. "Wow..." bulong ko sa sarili ko. Sobrang ganda talaga. Perfect fit talaga ito sa akin, na para bang sinadya itong gawin para sa akin lang. I could feel my heart beating fast, a mix of excitement and nervousness. Ito na yata ... the moment na matagal ko nang ini-imagine. Nakapagsuot na rin ako ng wedding gown. Pinagmasdan ko nang matagal ang sarili ko sa salamin. Indeed, the gown's beauty became even more striking now that I was wearing it—Huwag lang titingin sa mga mata kong puno ng lungkot at pait. Huminga akong muli nang malalim. Siguro, one day ... masasanay din ako sa ideya na ito na ang buhay ko ngayon, at si Badong ang nakatayo sa tabi ko. Binuksan ko ang pinto at sinilip ang mga sales associate sa labas. I saw one of them waiting. "Yes, ma'am?" she asked as she stepped closer. "Can you help me with the back?" I said, referring to the gown. "Yes, ma'am! Sure po." Agad din naman siyang pumasok dito sa loob at hinigpitan ang corset lacing sa likod ko. "Sobrang ganda po sa inyo, ma'am. The fit is perfect. You look stunning." "Thank you," nakangiti kong sagot. 'Di na niya kailangan pang mambola dahil kitang-kita ko na ang ebidensiya. Mabilis niya rin namang natapos ang tightening ng corset, kaya fit na fit na ito ngayon sa katawan ko. "Naghihintay po sa labas si Sir, ma'am," ani ng sales associate. "Okay." Medyo excited na rin naman akong makita ni Badong ang postura ko ngayon. Ano kaya ang reaction niya? Binuksan na ng sales associate ang pinto. Nauna siyang lumabas bago ako sumunod. Nakita kong nakaupo na si Badong sa isang bench na nakaharap sa direksyon ko. But he had his phone in his hand, looking down at it. "Bernard!" medyo malakas kong tawag sa kanya upang makuha ang atensyon. Agad din naman siyang tumunghay, ngunit bago pa niya ako makita ay bigla na lamang dumilim ang buong paligid kasunod ang pagtunog ng emergency alarm na medyo malakas at nakaka-panic. Bigla akong napahinto kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko. "Chezca?" I heard Badong call out, and I could feel the worry in his voice. "Badong! J-Just a moment, magbibihis ako!" Nataranta akong bigla. "Ma'am, sandali lang po. Relax lang po kayo," dinig kong sabi ng isang sales associate. Tatalikod pa lang sana ako nang biglang bumukas muli ang mga ilaw, ngunit hindi ito ganoon kaliwanag katulad kanina. Mukhang mga emergency light lang sila. Nagkita kami ni Badong at mabilis siyang lumapit sa akin. "Are you okay?" he asked, taking my arm. Ngunit ang paningin ko ay nasa labas ng bridal boutique at nakikita ko ang pagtatakbuhan doon ng mga tao. "W-What's happening?" I asked. "Huwag mo na muna silang intindihin. Just get dressed. Hurry up—I'll pay for the gown." "O-Okay." Binuhat ko ang laylayan ng gown at nagmadaling pumasok muli sa loob ng fitting room. Patuloy ang malalakas na tunog ng emergency alarm kaya hindi ako mapakalma. Nanginginig ang buong katawan ko at binabayo ang dibdib ko sa matinding kaba. Baka may bomba dito sa mall at sumabog na lang itong bigla! "Ma'am, tutulungan ko na po kayo," ani ng sales associate na sumunod din sa akin. Mabilis niyang kinalas ang corset lacing sa likod ko. "What do you think is happening?" I asked her. "Palagi bang may ganitong gulo dito?" "Ngayon lang po ito nangyari, ma'am, kaya hindi rin po namin alam kung ano ang dahilan." Ramdam ko rin ang takot sa kanya. Nang lumuwag ang gown sa akin ay mabilis ko na itong hinubad kahit naririto pa siya. Binuhat niya ang gown habang mabilis ko namang isinuot ang mga damit ko. "Kukunin niyo po ba ito, ma'am?" tanong pa niya. "Yes, yes," agad kong sagot. "Sige po. Ibabalot lang po namin." Agad na rin siyang lumabas. Ibinubutones ko pa lamang ang pantalon ko, ay agad na rin akong lumabas. Pero napansin kong nakapaa lang ako kaya muli akong pumasok sa loob at dinampot ang mga sapatos ko! "Chezca, come on!" Badong shouted from outside. "I'm coming!" Nagmadali na rin akong lumabas. Sumalubong na siya sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko. "We can't take the gown home right now," he said. "Their POS isn't working, and I don't have any cash with me." "Pasensiya na po, ma'am," sabat din kaagad ng isang sales associate na natataranta rin. "Brownout po ngayon. Hindi gumagana ang card machine. Hold po muna namin ang gown." "H-Hayaan mo na. Balikan na lang natin sa susunod," sagot ko at ako na ang humila kay Badong palabas ng bridal boutique. Tumakbo rin kami sa hallway at nakipagsabayan sa agos ng mga tao. May mga guard na umaalalay kung saan dapat magtungo at labasan ng mga tao. Mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin ni Badong. Ngunit isang grupo ng mga kalalakihan na nagtatakbuhan din ang bigla na lamang dumaan sa gitna naman, dahilan upang magkalas ang aming mga kamay. “Badong!” I shouted, fear and panic rising in my chest. “Chezca!” I heard him shout back, ngunit nahihirapan na akong makita siya sa dami ng tao. May gumitgit pa sa akin, hanggang sa isang kamay ang biglang humawak sa braso ko at hinila ako pasabay sa takbuhan ng mga tao! "Badong!" sigaw ko pa rin. Sinubukan kong lumingon muli sa likod upang hanapin siya, ngunit nahirapan na ako dahil sa mga sumusunod sa amin. Nagtataka lang ako kung bakit ganito na kaagad karami ang tao sa mall na ito gayong napakaaga pa naman! It felt like some blockbuster event was happening! Paglabas namin ng mall ay hindi ko na nakita pa ang taong humila sa akin. Hindi ko na ito makilala kung sino siya sa dami ng mga taong ito. But I was sure he was a man—tall, dressed all in black, wearing a hat, sunglasses, and a black facemask. Hinanap ko na lamang muli si Badong sa paligid, ngunit nahihirapan pa rin akong makita siya. “Where the hell is he?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD