THIRD PERSON POV
"Ano namang kasalanan ng taong 'yan at pinaiimbestigahan mo?" tanong ni Skylight sa kapatid na si Stanley habang tinatanaw sina Chezca, Bernardo at asawa nitong si Queenie sa sala ng mansyon. Sila nama'y nakatayo sa ikalawang palapag, sa mahabang pasilyong may tanawing direkta pababa sa living area.
"He's the only grandson of Fausto Salvion," sagot ni Stanley. "And you know the kind of reputation his family has."
Binigyan ni Skylight ng makahulugang tingin at ngiti ang nakababatang kapatid na ngayo'y tila may panibughong nararamdaman sa sarili.
"That doesn't automatically mean he's going to hurt Chezca," aniya sa kapatid. "Mukha namang mahal na mahal nila ang isa't isa. Ang sweet nga nila, oh. Siguradong higit pa diyan ang ginagawa nila kapag sila na lang dalawa ang magkasama."
"What the f**k?" agad na mura ni Stanley kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay niya. Binigyan niya ng matalim na tingin ang kuya niya. "I don't believe they've known each other that long. Chezca is lying."
"How can you even say that?" natatawang tanong ni Skylight. "At saka, ano ba kasing ipinuputok ng butsi mo diyan? Hindi ba't pinagtutulakan mo naman palagi 'yang si Chezca palayo sa'yo? Inis na inis ka pa nga sa kanya. So why do you suddenly seem to care?"
"She's Sapphire and Ate Queenie's best friend... Aren't you concerned about your wife's best friend?" sagot naman ni Stanley.
Naging malutong ang pagtawa ni Skylight. "Queenie mentioned just last night that Chezca's getting married and that she'll be the wedding planner. She didn't say anything about her best friend having any problems. They look happy—completely focused on their upcoming wedding. Kasi kung hindi, hindi sila pupunta dito nang ganito kaaga."
"Aren't you even curious why he's hiding behind a different face?" tanong muli ni Stanley. "His parents died in Scotland, and now he's in hiding. Hindi ba malaking palaisipan 'yon? And now he's sticking close to Chezca. I'm just concerned she might get involved—or dragged into whatever danger that asshole carries."
Huminga nang malalim si Skylight, ngunit nananatiling nakangiti.
"Alright. Fine, tutulungan na kita dahil mukhang hindi ka matatahimik... But listen ... if there's something else behind all this worrying of yours, then you'd better start making a move." Muling natawa si Skylight habang tinatapik ang likod ng kapatid. "Hindi tayo ipinanganak na mahihina, brad."
"I don't know what you're talking about," pagkakaila pa rin ni Stanley.
Tumawa nang malakas si Skylight. "Kung ang iniisip mo pa rin ay ang lolo niya at lolo natin, wala namang kinalaman si Chezca do'n."
"His damn grandfather is still alive," mariing sagot ni Stanley.
"Eh, ano naman? Lolo ba niya ang pakakasalan mo?" natatawang tanong pa rin ni Skylight.
"Tsk." Napakuyom na lamang ang mga kamao ni Stanley habang pinagmamasdan pa rin si Chezca mula sa malayo. At kitang-kita niya kung paano hawak-hawakan ni Bernardo ang baywang ng dalaga na siyang nagpapakulo nang husto sa dugo niya.
Muling tinapik-tapik ni Skylight ang balikat niya. "Sige ka, hindi malabong mahulog si Chezca sa taong 'yan kapag nagpahina-hina ka pa rin. Did you even see his face? He's got the looks, man. Admit it or not... Hawak mo na kasi ang manok, pinakawalan mo pa. Tsk. Tsk. Tsk."
Mas lalo pang kumuyom ang mga kamao ni Stanley habang nakatanaw sa sala. Agad rin niyang nilingon ang kapatid.
"Ano ba kasing pinagsasasabi mo diyan? I just want to know the truth about that man—why he's hiding behind a different f*****g face. Keep me updated the moment you get any information." Agad na rin siyang tumalikod at nagtungo sa hagdan.
Muli namang tumawa si Skylight. "Mahal ang serbisyo ko, brad! Wala nang libre ngayon!"
"Tubuan mo pa," sagot naman ni Stanley habang tuloy-tuloy nang bumababa sa hagdan. Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig pa rin sa direksyon nina Chezca at Bernardo.
Sinulyapan siya ni Chezca, ngunit blangko ang mukha nito at tila hindi siya nakita. Muli lang din itong bumaling sa best friend nitong si Queenie at ipinagpatuloy ang discussion tungkol sa kanilang nalalapit na kasal.
Samantala, napapailing at natatawa na lamang si Skylight habang pinagmamasdan ang nakababatang kapatid.
*****
Chezca Mendoza
"Now that we've settled the theme, we should start thinking about the invitation cards. I can show you some designs I found," ani Queenie habang binubuksan ang laptop niya.
Muli kong sinulyapan si Stanley na ngayo'y papalapit na naman sa amin.
"Kasali ba ako diyan?" tanong niya habang may munting ngiti sa labi. "I assume I'll be one of your groomsmen."
"Ahm, tatanungin ko muna ang fiancé ko kung payag ba siya," nakangiti ko ring sagot bago bumaling kay Badong. "What do you think, sweetheart?" Sinadya kong palambingin nang husto ang pagtawag ko ng sweetheart sa kanya at 'yong dinig na dinig pa ni Stanley. "Is it okay with you if Stanley is one of our groomsmen?"
Ngumiti rin siya nang matamis bago bumaling kay Stanley. Napansin ko naman ang makahulugang ngiti rin ni Queenie habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Stanley.
"Why not?" sagot ni Badong. "He's your friend anyway, right? You're free to choose whoever you want to be part of our wedding."
Mas lalo pa akong ngumiti nang matamis. "Okay. Thank you, love."
Muli akong bumaling kay Stanley na nahuli kong masama na ang timpla ng mukha. Pero agad din siyang ngumiti at tumitig sa akin.
"Narinig mo naman ang sinabi ng fiancé ko," ani ko sa kanya. "That means you can be one of our groomsmen. You're officially invited."
Tumango-tango naman siya. "Well, thanks. Ihahanda ko na rin ang pinakamagandang regalo ko para sa inyo… And I have an idea for the motif of your wedding..."
"What is it?" kunot-noo ko namang tanong.
"Why not black and white? Some brides actually wear a black wedding gown for their ceremony."
"What?" Napanganga akong bigla sa sinabi niya.
"Classic, simple ... elegant. And you know, it'll really make him look ... tall, dark, and handsome next to you." Sinulyapan niyang muli si Badong bago bumaling muli sa akin.
"Black and white? You mean for the decorations—or for him?" tanong ko.
"Oh, I meant the whole package—decor, invitations," sagot naman niya. "Maybe even the suits. After all, if you're going to marry someone else, might as well make it memorable. Right?" Ngumisi siyang muli habang nakatitig sa akin.
Damn it. Alam ko na naman ang mga ginagawa niyang ito, eh.
"Saan ka naman nakakita ng bride na naka-black gown?" inis kong tanong sa kanya.
Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya.
"It's real, not just in my imagination," he said. "You know that actress Avril Lavigne once wore a black wedding dress, with black roses and everything—totally gothic and dramatic... And believe it or not, Ellen Pompeo from Grey's Anatomy also walked down the aisle in a black bridal gown back in 2007."
Napanganga akong muli sa sinabi niya. Totoo ba ang mga 'yon? At alam na alam niya talaga?
"And there's also a bride named Lisa in Australia—she had a custom black gown, and she looked absolutely elegant in her ceremony," patuloy niya. "Even weddings with all‑black themes and moody decor exist — tulad ng mga couples sa US na may black dress code at black‑themed motif."
"Totoo 'yon," sang-ayong bigla ni Queenie na ikinalingon namin sa kanya. "Napanood ko rin 'yung coverage noon sa fashion shows at wedding blogs. May mga brides talaga na deliberately pinipili 'yung black gown para sa vibe ng wedding nila. It's edgy, elegant, and totally stylish. If that's something you want, go for it! Pero kung hindi mo trip 'yong ganun, okay lang din naman."
"Bagay na bagay 'yon sa inyong dalawa," muling sagot ni Stanley na ikinalingon naming muli sa kanya.
Bakit ba pinipilit niyang bagay 'yon sa aming dalawa ni Badong?
"No," mariing sagot ko. “I want a traditional wedding gown—white, simple, and pure. I’m still a virgin, so that’s what I want for our wedding. Pero kung sakaling maibigay ko na sa kanya ang sarili ko bago ang kasal namin, malalaman mo 'yon kapag nagpalit na ako ng wedding motif." Binigyan ko rin siya ng sarkastikong ngiti.
Napansin ko naman ang paglalahong muli ng ngiti sa mga labi niya. Nakikita ko ang paggalaw ng ugat niya sa sentido, at alam kong nangyayari 'yan sa kanya kapag mayroon siyang hindi gusto o nagagalit siya.
Para saan naman ang galit niyang 'yan? Hmp!
*****
THIRD PERSON POV
MATAPOS makaalis nina Bernardo at Chezca ay agad hiningi ni Stanley ang mga detalye ng tungkol sa preparation ng kasal.
“What are you planning to do?” tanong ni Queenie habang pinagmamasdan si Stanley na ngayon ay siyang nakatutok naman sa laptop niya. “Don’t tell me you’re planning to sabotage their wedding.”
“I’m not planning anything like that," seryosong sagot ni Stanley nang hindi nililingon ang hipag. "Masaya pa nga ako para sa kanilang dalawa."
"Really?" Napataas ang isang kilay ni Queenie. "Malayo kasi sa mukha mo ang pagiging masaya. Kanina ko pa pansin na parang gusto mo nang manuntok ng isang Bernardo Salvion."
Ngumisi naman nang bahagya si Stanley. "Sa oras na malaman ko ang itinatago niya, hindi lang suntok ang matitikman niya sa akin."
Nangunot ang noo ni Queenie. “What do you mean by that?”
"Sa akin na lang muna 'yon, and don’t you dare mention any of this to anyone, especially Chezca.” Tumayo na rin si Stanley matapos makita ang mga notes ni Queenie sa laptop. “All I know is, Chezca’s life could be in danger around him.”
“Stanley, you’re just jealous,” natatawang sagot ni Queenie. "Halatang-halata sa'yo. Mukha namang mabait—"
“A fox in sheep’s clothing,” mabilis na sagot ni Stanley habang nakatitig na kay Queenie. “And I’m not jealous. The heck. Why would I be jealous of a mere monkey like him? Walang-wala siya sa akin." Tuluyan na rin siyang tumalikod at lumabas ng mansyon.
Naiwan namang natatawa at napapailing si Queenie sa sala.