Chezca Mendoza "Wohoo!!" hindi ko mapigilang sigaw habang nakatayo sa likod ni Stanley at sinasalubong ang malakas na hangin ng karagatan. Mabilis naman niyang pinatatakbo ang jet ski sa ibabaw ng tubig. Inipit ko ang katawan niya ng mga hita ko upang hindi ako mahulog. “This feels amazing!” I shouted again. “Faster, baby! Don’t stop!” Narinig ko naman ang pagtawa niya at mas binilisan pa ang takbo ng jet ski. I laughed loudly as the wind whipped through my hair. “This is the best feeling ever! I feel so free! Whoa!” Pero sa pagliko niya ay bigla akong nawalan ng balanse at nahulog. Lumubog kaagad ako sa tubig. Lumangoy din ako kaagad paitaas hanggang sa makalutang ako. Umikot kaagad si Stanley at binalikan ako. Pareho kaming natawa sa nangyari. “Are you okay?!” he asked, reach

