2 DAYS PASSED THIRD PERSON POV "Ma'am, may mga pulis pong dumating sa labas," turan ng isa sa mga kasambahay nina Selenah at Skipper. Nagkatinginan ang mag-asawa habang nag-aalmusal sa dining area. "Bakit may mga pulis?" may pagtatakang tanong ni Selenah sa asawa. Bahagyang lumakas ang kabog ng dibdib niya. "I have no idea," sagot ni Skipper. Dinampot nito ang baso ng tubig at uminom bago nagpunas ng mga labi gamit ang napkin. "I'll just go and face them," paalam nito sa kanya bago tumayo at nagtungo sa main door ng mansyon. Napatayo na rin si Selenah at agad na sumunod sa asawa. Sinenyasan ni Skipper ang mga security guard nila na papasukin sa gate ang mga pulis. Agad din naman ang mga itong sumunod. Bumungad sa labas ang tatlong pulis na may dalang papel at tuloy-tuloy na p

