Chezca Mendoza Sinunod-sunod ko ang pagkain ko at hindi siya pinansin. Pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya sa akin habang marahang kumakain. Inubos ko ang lahat ng pagkain na makita ko sa harapan ko. Wala na akong pakialam kung maubusan siya. Hindi ko rin siya tinitingnan. Napansin ko naman ang paglapit pa niya sa akin ng isa pang mangkok na naglalaman pa ng mga halo-halong prutas. Akala niya yata ay aatrasan ko 'yan. Agad ko rin itong dinampot at sunod-sunod na kinain. Kailangan ko ng lakas para makaalis sa lugar na 'to. "Isang taon ka bang ginutom?" tanong niya. Pero hindi ko pa rin siya pinansin. Wala akong pakialam kung maubusan siya ng pagkain. Kakainin ko 'yan lahat. Nang maubos ko ang isang mangkok ng mga prutas ay doon ko naramdaman kung gaano na ka

