Chezca Mendoza Agad ko siyang itinulak palayo sa akin. "Ikaw yata ang nakakalimot, Stanley Montgomery." Hindi ko mapigilang duruin siya. "Akala mo ba nakalimutan ko rin ang mga pinagsasabi mo sa akin kagabi?! Akala ko panaginip lang lahat ng 'yon, pero malinaw pa lahat sa isip ko ang mga sinabi mo habang nagpapakaligaya ka sa ibabaw ko!" Hindi naman siya nakasagot. "You said that my heart, my body, and my soul belong only to you! Ngayon, kung hindi mo paninindigan ang mga sinabi mong 'yon, bakla ka! Hayaan mo akong makaalis dito dahil mas lalaki pa sa'yo si Bernardo! Sa kanya ako magpapakasal!" Muli ko siyang tinalikuran at tuluyan nang binuksan ang pinto. Ngunit nagulat ako nang muli niyang haklitin ang braso ko. Hinila niya ako at inihagis sa sofa. "Stanley!" Nagulat naman ako.

