Rijhen Delavega MATAPOS naming mabili ang lahat ng kailangan namin sa supermarket ay agad na rin kaming bumiyahe paakyat sa Tanay, Rizal. An hour and a half passed before we arrived in Sta. Ines, kung saan mayroon akong malawak na property. Medyo malapit ito sa lugar ng mga pinsan ko. May bakod at gate ang buong property ko, pero sa ngayon ay gubat pa talaga ang loob nito. Wala pa akong planong ipaasikaso lalo't hindi ko pa rin napaplano kung ano ang gagawin ko dito. Basta binili ko lang ito dahil minsan ay gusto ko ng katahimikan—maybe I'd want to stay here for a long time someday. In the middle of it, I had a small cabin built. Isang beses pa lang akong nakapag-stay doon na inabot lang din ng isang araw at dalawang gabi dahil lang may hinahabol kaming kriminal sa malapit. This is on

