Rijhen Delavega MATAPOS naming mag-almusal ay agad na rin kaming nag-asikaso. Nagpadala ako mula sa safehouse ng isang unmarked car na magagamit namin paakyat sa Tanay, Rizal. I packed my clothes and a few important items. I also brought the two powerful guns hidden under my bed—an assault rifle for long range and a tactical shotgun in case salubungin na naman kami ng mga kalaban. "Wow..." Napalingon ako kay Matthew nang marinig ko ang boses niya. Nakanganga na siya habang nakatitig sa mga hawak kong baril. "May mga nakatago ka palang ganyan dito?" tanong niya. "And you know how to use them?" "I can use anything," sagot ko naman habang ipinapasok ang mga ito sa tactical rifle bag ko. Nakatulala pa siya sa akin. "Are those even licensed?" "Of course." "Now I'm even more curious

