Rijhen Delavega Nag-init ang buo kong katawan sa gulat. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa alak, sa tensiyon ng sitwasyon, o sa mismong halik na ibinibigay niya. Pakiramdam ko ay tumigil bigla ang oras sa pagitan namin. Hindi ako makagalaw. Nanatili lamang ding nakadilat ang aking mga mata habang patuloy siyang nararamdaman. I lowered my gaze and looked at him. Halos maduling ako dahil sa sobrang lapit niya. Kita kong bahagyang nakasara ang mga mata niya. Ngunit nang ma-realize ko kung sino siya sa buhay ko, bigla na lamang akong nanlamig. Para akong binuhusan bigla ng isang nagyeyelong balde ng tubig. Agad ko siyang itinulak at sinampal sa pisngi. "Why did you do that?" I asked softly but firmly. Hiningal akong bigla. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Marahan siyang lumi

