Matthew Mendoza Hindi ko mapigilan ang labis kong pagtataka, lalo na nang makarating kami sa 3rd floor nitong sinabi niyang apartment. Sa hagdan lang talaga kami dumaan. Based on the distance between each unit’s doors, tingin ko maliliit lang ang loob nito. Kahit past midnight na, may mga tao pang nakatambay sa hallway habang umiinom ng alak at nagkukwentuhan. Some units had their doors and windows open, and I could see their televisions playing inside. May mga batang maiingay at naglalaro pa rin sa mga oras na ito. Mayroon ding tila nag-aaway sa ibang unit. Nakasabit ang mga sinampay na damit sa kisame dito sa hallway na nadaraanan namin. At kung hindi mo iiwasan, sasabit ka. May nakakalat pang mga malalaking planggana na may nakababad na mga damit. Hindi nagtagal ay huminto si Rij

