Kabanata 6 Mga katok ang nagpa-alerto kay Ellory pagkatapos niyang magtanghalian, alam na niyang may kakatok sa kanya ng ga’nung oras, agad niyang binuksan ang pintuan, dalawang pulis ang kanyang nakitang naghihintay sa labas ng tirahan niya. “Magandang tanghali po mga officers,” bati ni Ellory sa dalawang pulis. Binati rin naman siya ng mga ito. Pinatuloy naman niya ito sa sala at sinara ng pintuan, umupo naman ang dalawang bisita ni Ellory sa sofa at siya rin sa tapat nito. Palinga-linga at animoy sinusuri ng dalawang pulis ang apartment unit ng dalaga. “Ako pala si PO1 Zach at ito naman si Josh ang partner ko,” pakilala ng mabuting pulis sa kasama niyang may katabaan ang pangangatawan na may pangalang Josh. “Ellory na lang po ang itawag ninyo sa akin,” pakilala ng dalaga sa dala