Kabanata 1

2294 Words
SIMULA DISCO LIGHT The wild brailing music of the band and the smoke that comes from the cigar and the smells of ecstasy wafted in my nose. Bago ko pinasyang pumasok sa loob ng resto-bar ay hindi ko maiwasang tumingala sa langit. Makulimlim ang gabi, wala akong nakikitang bituin sa langit Gayon pa man ay wild ang mga tao sa dance floor. May ilang grupo pa ngang pinagkakaguluhan ang star ng gabi na si Sapphire. She's the best dancer here in the club. Siya rin ang may pinakamalaking kita gabi-gabi dito. Pumapayag din kasi itong magpalabas sa mga parokyano kung gugustuhin n'ya. Halatang hayok sa laman ang mga lalaking iyon na lunod na lunod na sa alak at sigarilyo. Hindi na rin nakaliligtas sa mga mata ko ang panay nilang haplos sa makinis na hita ni Sapphire. Biglang nagsi-tayuan ang balahibo ko sa katawan nang may humalik pa sa leeg nito't idinikit ang ibabang parte ng kaniyang katawan kay Sapphire. Ilang kalalakihan na rin ang humahawak sa maselan niyang katawan ngunit balewala lang iyon kay Sapphire. Hanggang sa halikan nito ang isang lalaki. Sa tingin ko ito ang napili ni Sapphire upang mailabas siya ngayong gabi. Mabilis kong umiwas ng tingin, tila nais kong masuka sa nakita at pinili na lang na bumalik sa trabaho. Magda-dalawang taon na akong nagta-trabaho sa club at ni minsan ay hindi ako nasanay sa mga kaganapan dito lalo na sa tuwing araw ng Biyernes at Sabado. Ganitong araw kasi dinadagsa ang club namin ng mga parokyano at mga lalaking hayok sa laman. "Debinna..." I Ignored the voice who called my name. Kilala ko na ang boses na 'yon, isa sa mga loyalista naming parokyano na pabalik-balik dito para makita ako. "Nand'yan na naman si Kalbo, lapitan mo na." Tumabi sa'kin si Isobel na siyang co-waitress ko rin sa club na ito. "Ikaw na kaya? Dadalhin ko pa 'to sa private room." Pagtanggi ko na tangka nang aalis nang bigla n'ya 'yon inagaw sa'kin. "Ako na dito," aniya matapos ay pinanlakihan lang ako ng mata. Wala na akong nagawa. Mas may edad ito sa'kin at mas matagal nang nagta-trabaho dito kaya hindi ko siya pwedeng hindi sundin. Ngumuso ako dito matapos ay hinila ang note pad at ballpen sa apron na suot. "May magagawa paba ako?" Isobel smiled at me. "Hayaan mo mukhang tiba-tiba ka sa tip n'yan ngayon. Katapusan ngayon eh!" Halos ipagtulakan pa n'ya ako palapit sa lamesa nito. Ang totoo niyan ay halos linggo-linggo ako kung puntahan nitong si Ben para makita lang ako't kulitin para lumabas. Balita ko ay may asawa't anak na raw ito at isang business man. Gayon pa man ay hindi ko iyon ipinagsasawalang bahala. Isa pa ay waitress lang ang ako sa club na ito at hindi isang G.R.O Inumpisahan ko nang lapitan si Ben na siyang maluwang ang pagkakangiti sa'kin. Gayon din ang ginawa ko dito buhat nang makalapit. "What's your order, sir?" I asked him politely. "Kamusta ka na, Debinna? Pasensya ka na kung hindi ako nakabalik noong isang araw, ito pala may dala akong regalo para saiyo." Inabot niya sa'kin ang isang punpon ng rosas at isang box ng chocolate. Mabilis akong lumingon sa paligid. Halatang wala naman pakialam ang mga tao sa amin dahil abala na sila sa mga babaeng ka-table nila. "Salamat, Ben, pero alam mong hindi ako tumatanggap ng regalo mula sa mga customer." Napansin kong napawi ang mga ngiti nito sa labi. Ilang beses na rin niyang sinusubakan bigyan ako ng mga regalo lalo na sa tuwing espeyal na araw gaya ng Valentine's day or hindi kaya a kaarawan ko. Ngunit mariin ang naging pagtanggi ko. Ayokong bigyan nila ng kulay ang ginagawa ni Ben kaya hanggat maari ay hindi ko tinatanggap ang kahit na ano mang ibigay niya. "What's your order, please?" muli kong tanong dito. "Can I have a bottle of champagne? Hindi mo naitatanong naka-close ako ng deal sa isang malaking kompanya!" Halos lumitaw ang pantay nitong mga ngipin sa'kin. Kung tutuusin ay hindi pa naman kulubot ang balat nito at mukhang nalilligo pa rin naman araw-araw. Iyon nga lang ay talagang hindi ko ito type at hindi ko rin pinangarap na maging kabit o di kaya'y pumatol dito na kulang na lang ay kalahati na ng edad ko. Hindi pa naman ako nagmamadali na magkaroon ng karelasyon dahil marami pa akong pangarap sa buhay. Kaya kahit anong pilit sa'kin ng ilang co-workers na patulan ito'y hindi ko ginagawa. Hindi ko pa naman kailangan kumapit sa patalim at gipit na gipit para perahan ito gaya ng sinasabi nila. Isa pa kung magbo-boyfriend ako yung talagang mahal ko. "Sure, Is there anything you want, sir?" Tumingala ito sa'kin. Akala ko'y ipipilit na naman niyang muli ang dalang regalo ngunit nag-order lang ito ng isang platong sisig. Agad ko naman iyon dinulog sa kanya matapos ay umalis na rin. "Sinungitan mo na naman si kalbo, ikaw talaga Debinna, ang suplada mo." Sita sa'kin ni Isobel nang mag-abot kami sa may counter. I lean my back against the bar counter at pinanood ito kung paano mag-celebrate ng mag-isa. "He should celebrate with his family and friends not here," komento ko habang magka-krus ang dalawang braso sa aking dibdib habang tinatanaw ito. "E, paano pala kung ikaw ang gusto kasama?" Hindi ako sumagot sa bagay na 'yon at mas piniling panoorin si Sapphire na patuloy na pinagkakaguluhan sa dance floor. Tiyak na mamaya lamang ay wala na ito dahil may nag-book na sa kanya ngayon gabi. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi lang naman si Sapphire ang G.R.O dito, marami sila kung bakit mas tipo nila ang mga waitress na gaya ko? "Alam mong hindi ako pwede, Isobel." Tumalikod na ako at hinila muli ang menu. May namataan na naman kasi akong parokyano na papasok sa club. "D'yan ka na, kapag hinanap ako mamaya ni kalbo sabihin mo umuwi na," bulong ko dito bago ko siya talikuran. Mukhang sa VIP patungo ang grupo ng mga lalaki kaya sinundan ko na ang mga ito para kunin ang kanilang mga order. Naroon na rin ang Si Madam Gertrud na kasunod ang mga alaga niyang GRO. Isa-isa kong sinulyapan ang mga customer. Gaya ni Kalbo ay may edad na rin ang mga ito at halatang may mga asawa na. Hindi rin kasi nakaligtas sa'kin ang mga suot nitong mga singsing sa kaliwang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan at inabotan na sila ng menu. Habang ini-entertain ni Madam Gertrud. "Ito si Pola, batang bata at bago sa aking mga alaga, iyon nga lang medyo mahal ang isang 'to pero sulit naman kayo dito." Pakilala niya kay Pola na naupo sa tabi ng isang ginoo na agad naman siyang inakbayan. "Ito naman si Daisy at Lily, mga bago ko ring alaga ang mga ito!" Halos ipagtulakan pa nga ni Madam ang mga babae sa harapan ng mga customer. Ang ilan sa mga babae pang kasama ay may kanya-kanya nang napiling tabihan. Sinulat kong sinulat ang mga order nila at tumango sa mga ito. "Ito bang waitress n'yo, available rin?" Natigilan ako nang pasadahan nang tingin ng isang may edad ng lalaki. Agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko at kinilabutan. Katabi nito sa upuan ang beterana nang GRO dito sa club na si Kathleya. Tumaas agad ang kilay nito sa'kin nang mabalingan ko ng tingin. "She's just a waitress dear, wala kang makakapa d'yan!" sambit ni Kathleya na siyang sinundan pa ng halakhak. Paano'y halos lumuwa ang suso nito sa suot na spaghetti top na malalim ang uka. Konting hila na lang ay tiyak na lalabas na ang korona nito. Kumibot ang mga labi ko. May boobs naman ako, hindi ko nga lang sila katulad manamit. Baka kapag nagpa-sexy ako'y baka may ibubuga pa ako sa laki ng dibdib n'ya. Mas pinili ko na lang na hindi ito pansinin dahil bigla nang sumingit ni Madam Gertrud para pigilan ang umiinit na usapan. "Alam n'yo naman na wala sa rules namin 'yan. Kung hindi ho kayo kontento sa mga ka-table n'yo, bibigyan ko kayo ng bago." Madam Gertrud smiled at them. Tila relax na relax at gamay na ang ganitong senario. Hindi naman na nagsalita ang lalaki dahil harap-harapan niyang hinila si Kathleya at walang pasabing hinalikan sa labi. Sinapo rin nito ang dibdib ng huli na siyang mas niliyad pa dito. Halos masuka ako sa nakita. Kung hindi lang ako hinila ni Madam Gertrud palabas ay baka doon pa mismo ako sa harapan nila masuka. "Thanks, madam!" Ngumiti ako dito ng alanganin na siyang umiling lang sa'kin. Kung hindi lang ito matalik na kaibigan ni Inay ay baka matagal na rin niya akong ibinugaw sa mga parokyano niya dito. Pero dahil mahigpit ang bilin ni Inay dito na huwag akong ipapagalaw kahit kanino, kaya rin malakas ang loob ko na tumanggi sa mga nagtatangkang umi-score sa'kin dahil tiyak na si madam ang makakalaban nila. "Maraming custromer ngayon, dalhin mo na sa kanila ang order nila at tumao ka muna sa may counter," anito bago tumango at talikuran na ako. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko. Nakailang salamat na ba ako sa kanya? Sa tingin ko ay hindi ko na mabilang. Sobrang laki ng pasasalamat ko dito at utang na loob dahil kung hindi n'ya ako tinanggap dito ay baka kung saan na kami pulutin ni Inay. Dati rin kasing GRO dito si Inay dito na rin sila nagkakilala ni Madam Gertrud at naging matalik silang magkaibigan mula noon. Hindi ko naman ipinagkakaila na bunga ako ng isang one night stand ni Inay sa isa niyang mga naging customer dito. Sinubukan kong itanong sa kanya kung sino ang tatay ko ngunit mailap itong sagotin ang bagay na 'yon. Parati niyang sinasabi na patay na ang tatay ko ngunit hindi ako naniniwala. Maging si madam ay tikom ang bibig sa tuwing tinatanong ko ang bagy na 'yon. Gayon pa man ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila bagkus ay nagpapasalamat pa nga ako dahil binuhay ako ni Inay kahit pa bunga lamang ako ng isang gabing pagkakamali. Minabuti ko nang idulog ang order ng mga customer sa VIP room at mabilis na umalis at pumwesto na may counter area. Ngunit hindi pa ako nag-iinit sa pagkakaupo nang makarinig ako ng malakas na sigaw. Boses iyon ni Inay. "Debinna!" Agad akong lumingon sa entrada ng club kung saan pigil-pigil ito ng dalawang bouncer sa magkabilang braso. Halatang naka-inom ito at gulong gulo ang buhok nito't may hawak pang gin lapad. "Lasing na naman si Madam Sussy," narinig kong bulong ni Isobel bago ako lampasan. Naglakad na ako palapit dito at inagaw siya sa dalawang bouncer na siyang tumango sa'kin. "Salamat, kuya Nick at Tony." Ngumiti lang mga ito sa'kin matapos ay hinila na si Inay sa gilid. "Lasing na naman kayo, Inay." Inayos ko ang gulo niyang buhok matapos ko siyang paupuin sa isang plant box. "May pera ka ba d'yan?" Sinisinok-sinok pa ito habang tila hilong hilo na sa kalasingan. "Kung magpahinga na ho kaya kayo? Lasing na kayo. Saka nasa trabaho ho ako, baka mamaya baka may mangyari pa sa inyo." Hinila ko ang aking bimpo sa malaking bulsa ng aking apron na suot at pinunasan ito ng pawis. Ngunit hinawi niya ang kamay ko. "Hindi pa ako lasing, anak. Kaya ko pa ang sarili ko, babawian ko lang sina Turo, mukhang naisahan nila ako ngayon e!" Isang buntong hininga ang pinakawan ko habang tinititigan ito. Sa edad na 37 ay mababanaagan pa rin ang angking ganda nito kahit pa lasing na lasing at walang ayos ay talagang may ilalaban pa ang katawan. Tinagurian ito noong Baby Sussy ng Club ni Madam Gertrud noon, siya ang star at paborito ng mga parokyano. Pero biglang nawala ang ningning niya nang makilala nito ang aking Ama. Sobra raw itong nahumaling sa lalaking iyon kahit pa nalaman niyang may asawa na ito. Kaya gano'n na lang gustong ilihim sa'kin ni Inay ang pagkatao ng lalaking iyon dahil isa akong bunga ng isang pagkakamali. Dinukot ko ang nakuha kong tip mula pa kanina. Halos na nasa 700 na 'yon at walang pag-aalinlangan iyong ibinigay sa kanya. "Mukhang makakabawi na ako nito, anak!" Hindi na ito nagpaalam bagkus ay tumayo na ito at pasuray-suray na naglakad palayo sa'kin. "Mukhang nagulangan ka na naman ni Sussy, ah?" Puna sa'kin ni Tony na isa sa mga bouncer. "Hayaan mo na, maaga pa naman marami pa akong makukuhang tips." Ngumiti ako dito matapos ay bumalik nang muli sa trabaho. Pabalik na sana ako sa loob ng club nang may makasabay akong babae na siyang bumungo sa balikat ko. "Sorry, miss hindi ko sinasadya!" Tumaas ang tingin ko dito. Mukhang matanda lang ito sa'kin ng isa o dalawang taon. May alon na buhok at balingkinitang katawan. Sexy rin itong manamit at nasa uso. "Ayos lang, pasok ho kayo!" Pinauna ko na siya at diretso naman naupo sa isang bilog na lamesa. Ako na rin ang nag-assist dito nang dalhan ko siya ng menu. "Matagal ka na ba dito?" Kumurap ako nang marinig ang tanong n'ya. "Dalawang taon na ho." "Magkano naman ang sinasahod mo dito?" Kumunot na ang noo ko. Bumaba naman ang tingin niya sa menu na hawak at tila hinihintay ang magiging sagot ko. "Minimum lang, bumabawi lang ho kami sa tips." Tumango-tango ito matapos ay isinarado ang menu. "Bigyan mo ako ng isang bote ng San mig at isang platito ng mani, yung maanghang, ha?" Mabilis ko naman dinulog dito ang order niya. "Enjoy your drink, ma'am." Humakbang na ako paalis ngunit nagsalita ito. "Ano nga palang panagalan mo?" Nilingon ko ito matapos ay tuluyan nang hinarap. "Debinna ho..." "Ako nga pala si Rosario, nice to meet you!" Nagtataka man ay ngumiti na lang ako dito bago siya talikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD