Kabanata 2

1437 Words
KABANATA 2 Con-Artist NAGISING ako sa malakas na ingay na nagmumula sa may sala. Agad akong napabalikwas ng bangon at sinulyapan ang orasan na nakasabit sa may dingding ng aking silid. Pasado alas siete pa lang ng umaga at antok na antok pa ako. Pero napilitan akong bumangon dahil sa ingay na naririnig sa labas ng aking kwarto. Bantulot akong sumilip at nakita ko si Inay na may kausap sa bungad ng aming pinto. Nakikipag away ito sa kapitbahay namin na si Aling Violy. "Ang kapal ng mukha mong mangutang wala ka pa lang pambayad! Aba, ilang buwan na ang binigay ko saiyong palugit sa inutang mo, hanggang ngayon wala ka pang nabibigay kahit na isang kusing!" Galit na galit na sita ni Aling Violy kay Inay. "Maghintay ka at babayaran kita!" Tuluyan na akong lumabas ng aking silid upang lumapit sa mga ito at pigilan si Inay na sugurin si Aling Violy. "Iyan na lang ang palagi mong katwiran. Pero ano? Pumuti na lahat ng mata ko hindi ka pa rin nagbabayad. Paano wala kang inaatupag kundi uminom at magsugal!" "Hoy! Wala lang pakialam kung ano man ang gawin ko sa buhay ko! Pakielamera ka!" Doon na ako humawak sa dalawang balikat nito nang humakbang palapit sa kaharap. "Inay tama na ho!" "Hindi, masyadong matalalim ang dila nitong si Violy. Hoy! Kung hindi ko pa alam minsan ka na lang uwian ng asawa mo dahil sa pambabae n'ya. Minsan kasi tumingin ka rin sa salamin, o 'di kaya subukan mong maligo para hindi ka pinagpapalit ng asawa mo!" Tuluyan ko nang hinawakan ang kamay ni Inay dahil tiyak na lilipad na ito ano mang sandali sa pisngi ni Aling Violy dahil sa galit. "Sino kaya sa atin dalawa ang iniwan ng lalaki? Sino ba naman kasi ang papatol sa isang pokpok na tulad mo?!" Isang nakakatuyang ngisi ang binigay ni Aling Violy dito na siyang pumigtas sa pisi ni Inay. Hinawi niya ang kamay ko at mabilis na pinadapuan ng sampal si Aling Violy, hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa n'ya ito na hindi nagawang makaganti pagkat halos iduldul n'ya sa sahig ang katawan nito. "Sa susunod kikilalanin mo ang kakalabanin mo! Akala mo ba babayaran pa kita! Manigas ka!" sigaw nito. Doon na umawat ang ilan naming kapitbahay kaya nakawala mula kay Inay si Aling Violy. "Hindi pa tayo tapos, pokpok! Bayarang babae! Puta!" Dumura pa ito sa lupa bago magpahila sa isang babae palayo sa amin. Mabilis naman pumasok si Inay sa bahay at malakas na sinarado ang pinto. "Punyeta! May araw din sa'kin 'yang Violy na 'yan!" Dumiretso ito sa aming kusina at naglabas ng tasa at saka nagtimpla ng kape at pinalamanan ang pandesal ng pritong itlog. "Inay, hindi na sana kayo nakipag-away." Panimula ko. "Letse! Hindi ako papayag na ganunin lang ng mukhang unggoy na 'yon. Kung hindi ko pa alam suki sa resto bar dati ang asawa n'ya at ako ang palaging hinahanap gabi-gabi!" Tuluyan na itong naupo sa isang silya na naroon. Humarap naman ako dito at nagtimpla na rin ng kape. Sa tingin ko kasi ay hindi na ako makakatulog pa dahil sa nangyari. "Hayaan n'yo ho kapag nakasahod ako babayaran ko ho si Aling Violy para hindi na kayo kinukulit dito." Tumaas ang tingin n'ya sa'kin. Doon tila lumabot ang ekspresyon ng mukha n'ya. "Pasensya ka na anak, medyo gipit lang ako ngayon. Matumal kasi ang nagpapa-pedicure ngayon. Isa pa wala pa akong tanggap na labahin ngayon." Pilit akong ngumiti dito. Alam ko naman na kaya ito nagigipit ay dahil sa pagsusugal at gabi-gabing lasing. Hindi ko maiwasang titigan ang maamo niyang mukha at mapipilantik na mata. Matangos na ilong at sadyang mapupulang mga labi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang ganda n'ya. Kung hindi lamang niya sinayang ang panahon sa pagsusugal at inom ay baka may maayos kaming buhay ngayon. Ngunit kahit gano'n ay hindi ko rin magawang magalit dito dahil kami na lang dalawa ang magkasama sa buhay. Gustohin ko man siyang patigilin sa pagsusugal at pag-inom ay hindi ko magawa. "Hayaan n'yo ho, tiyak na magkakaroon din kayo ng customer," wika ko dito at sinimulan nang higupin ang kape at tikman ang ilang pirasong hotdog at itlog na tiyak kong niluto niya kanina pa. "Paano, may raket ako ngayon. Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay, ah." Tumayo na ito matapos ubusin ang pinalamanan na tinapay. Isang buntong hininga na lang ang nagawa ko habang sinusundan ito ng tingin papasok sa kaniyang silid. Tiyak na may laban na naman ito ng sugal ngayon at tiyak ko rin na lasing na ito mamaya kapag uwi. Matapos kong mag almusal ay dumiretso na ako sa likod bahay para labhan ang aking uniform na pamasok. Kadalasan ay si Inay ang naglalaba ng mga 'yon pero dahil may lakad ito kaya ako na ang tumapos ng mga 'yon. Naglinis na rin ako ng buong bahay at makapananghali na nang matapos ako. Bumili lang ako ng isang latang sardinas na siya kong inulam bago bumalik muli sa pagtulog. Nagising ako mga bandang alas kwatro ng hapon at nagpasya nang maghanda papasok sa resto-bar. Wala pa rin si Inay, tiyak na napapalaban ito sa sugalan ngayon, o hindi naman kaya ay nasa inuman na. Umiiling na iniwan ko ang walang tao naming bahay at sumakay na ng tricycle papuntang club. Hindi magkamayaw ang tao sa loob ng club nang dumating ako. Araw kasi ng linggo ngayon at marami ang maagang dumayo para mag-inuman. Agad akong nagbihis ng uniporme at kinuha na ang mga order ng mga parokyano. Mabuti na lang at hindi ko namataan si Ben ngayon. Marahil ay nagsawa na ito kakasuyo sa'kin. Lalo pa't tinanggihan ko na naman ang mga bigay niyang regalo kagabi. "Mukhang tiba-tiba tayo sa tip ngayong gabi." Narinig ko ang bulong sa'kin ni Isobel. Bahagya akong tumango dito at muling nilibot ang mga mata. Pansin ko ngang dumadagsa na ang mga customer kaya't tumalima na ako upang mag-serve. Ngunit agad napukaw ng pansin ko ang isang babaeng nakaupo sa isang sulok. Ngumiti ito sa'kin matapos ay sumenyas ng bahagya kaya naman nilapitan ko na. "Hi! Your order please?" "Do you still remember me? Si Rosario?" Mas lumuwang ngayon ang ngiti niya sa'kin. Kumunot naman ang noo ko. Para kagabi ko lang siya nakilala kaya sigurado akong tandang tanda ko siya. Tumango naman ako sa kanya at binaba ang pansin sa aking notepad. "Can you give me one bucket of beer and spicy sisig," aniya. "May gusto pa ho kayo?" "Actually, ikaw ang gusto kong makausap. I mean, makilala." Umangat muli ang tingin ko sa kanya. Hindi ko akalain na iba pala ang mga tipo n'ya. "Pasensya na kayo, hindi ho ako tumi-table sa mga customer, waitress lang ho ako dito saka... L-lalaki ho ang gusto ko." Hindi ko na napigilan pang sabihin. Doon na ito humalagapak ng tawa. Kaya mabilis akong sumulyap sa kabilang tabale na siyang napukaw ang atensyon dahil sa ginawa n'ya. "Pareho naman tayo ng type. Lalaki rin ang hanap ko. Well, I have a proposal for you. Gusto ko sanang i-discuss ito saiyo kung may free time ka?" Saglit akong nag-isip at sa huli ay tumango dito. Sinabi ko ang oras ng break time ko at handa raw siyang maghintay sa'kin. Hindi tuloy ako makapag-focus sa trabaho dahil okupado ng isip ko ang maaring proposal sa'kin ni Rosario. "Kinukulit ka ba ng babae na 'yon? Gusto mo isumbong ko kila Tonny?" Lapit sa'kin ni Isobel. "Hindi naman, may gusto yatang ialok sa aking trabaho," sagot ko matapos ay nilingon si Rosario na abala sa panood sa mga nagsasayawan sa stage. "Kapag malaki ang sahod isama mo naman ako. Kailangan ko kasi ngayon ng bagong raket alam mo na." "Oo ba, isasama kita." Nang sumapit ang break time ko ay agad ako lumapit sa lamesa ni Rosario. Agad rin niya akong binabaan ng baso ng beer na siya kong tinanggihan. "Hindi kami pwede uminom habang nasa trabaho." "Hmm, okay." She smirked and sipped on the beer in her glass. "Ano ba ang gusto mong i-discuss sa'kin." Sumulyap pa ako sa aking pambisig na relo saka ito tinitigan. Ngumiti ito sa'kin at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. "Gusto kong magtrabaho ka para sa'kin," bulong niya. Kumunot naman ang noo ko. "Anong klaseng trabaho?" Umatras ito matapos ay nagkibit balikat bago sumagot. "Gusto kong magtrabaho ka sa'kin bilang isang con-artist." @@@ Sa mga nakabasa na ng ARGO GREENSMITH gusto ko pong ipakilala sa inyo si BOAZ COLLYMOORE (SERIES 2) Sana ay mahalin n'yo rin sila gaya ng pagmamahal n'yo kina Argo at Natalia! Thank you sa inyong suporta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD