CHAPTER Thirty One MARIZ "KANINA ka pa ba naghihintay?" bakas ang pag-aalala at takot sa mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na takot si Adrian sa akin. Well, noong kami pa ay takot naman talaga siya sa akin. Sabi nga ng iba under siya, pero ang sabi niya hindi daw pagiging under yun. Iyon daw ang basehan ng isang masunuring boyfriend. "Hind. Katatapos ko lang mag log out," umiling pa ako para maipaliwanag na hindi naman talaga ako naghintay ng matagal. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim. Siguro ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi naman talaga ako galit. "Ito nga pala susi ng sasakyan mo. Maayos na daw yan at hindi na siya uusok ulit," iniabot niya sa akin ang susi na agad ko namang tinanggap. Natouch ko pa ang daliri niya. May kung anong dumaloy na kuryente sa kataw