T

974 Words
TININGNAN niya ang business card ni Knoxx saka tumingin sa subdivision na nasa kanyang harap. The Mactan Tropics. She put her palm above her eyes to shield her eyes from the blazing sun. She mentally scold herself for not bringing an umbrella with her. Sobrang taas ng sikat ng araw! Halos araw-araw ganito nalang! Simula nung bumalik siya dito sa Cebu hindi pa siya nakaranas na umulan man lang.            Muli niyang itinuon ang pansin sa tinitirahan ni Knoxx. “Dito pala siya nakatira. Two rides away lang sa subdivision na tinitirahan namin,” bulong ni Autumn sa kanyang sarili. Kung hindi lang importante ang kanyang I.D malamang ay hahayaan niya na ‘yon kay Knoxx.            Inis siyang napakamot sa kanyang kilay at maglakad na sana papasok nang may sumitsit sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at tiningnan kung saan nanggaling ang tunog. Naningkit ang kanyang mata upang maaninag ng husto ang tinitingnan. May itim na Toyota Avanza sa likod niya at nakadungaw sa bintana si Knoxx.                      “Sumakay ka na! Mainit!” sigaw nito sa kanya. Wala na siyang magawa kundi ang sumakay sa passenger seat at ikinabit ang seatbelt. Ganon nalang ang ginhawang nararamdaman niya nang tumapat na siya sa aircon. Sobrang init sa labas! Nakalimutan niyang magdala ng payong!       Pinaandar ni Knoxx ang kotse. Kinuha naman niya sa loob ng bag ang kanyang panyo upang punasan ang namumuong pawis sa kanyang noo. “Ang init!” di niya mapigilang reklamo na ikinatawa ni Knoxx. Hindi niya ito pinansin. Bagkos, ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata.               “Ba’t 'di ka kasi nagdala ng payong? Buti nakita kita,” ani nito. Napanguso siya at tiningnan ito nang masama.        “Kung 'di mo sana ako pinapunta dito at binigay mo kaagad ang I.D ko edi sana, nasa bahay lang ako!” pagmamaktol niya. She crossed her arms below her chest. Mas lumakas ang tawa ng lalaki na para bang natutuwa itong makita siya na asar na asar. Saglit na bumaba ang tingin nito sa braso niyang nangingitim at binalik ulit ang tingin sa daan.                 “Ang laking pasa nyan, ah,” sabi nito. Napaawang ang kanyang labi sa sakit nung bigla nitong sinundot ang kanyang pasa habang nakatingin pa rin sa daan. Hinampas niya ang kamay nito.         “Pota, kita mo na ngang malaki sinundot mo pa!” Pinanlakihan niya ito ng tawa. She traced the bruise in her arms. Hindi pa ito masyadong magaling medyo sumasakit pa rin pero konti nalang. Tawang-tawa naman si Knoxx dahil sa kanyang sinabi na ikinairap niya. Ang hilig talaga nitong asarin siya!                Maya’t-maya lang ay tumigil sila sa tapat ng isang 2-storey na bahay. It’s a modern house with a touch of brown and white. May malaking garahe ito sa left side na tantsa niya’y dalawang Toyota Avanza ang pwedeng maka-park. Sa kabilang side naman ay ang entrance ng bahay at bago ka makapasok, dadaan ka muna sa itim na gate. The house has a large window kung saan kitang-kita mo ang hagdan patungong second floor. Overall, the house screams elegance and wealthiness!                   Agad na bumaba si Knoxx nang makapark sa garahe at sumunod naman siya dito. Nilock nito ang kotse at tsaka pumasok sa bahay. Kung gaano kaganda ang labas ng bahay ay gano'n din sa loob. Halatang-halata sa mga gamit ang estado ng lalaki sa buhay. Sumisigaw ito ng karangyaan. Inilibot niya ang tingin sa loob ng pamamahay. Her eyes landed on the brown grand piano located at the corner of the room.            “You play piano?” tanong niya rito. Knoxx shook his head and shrugged. Naalala niya pa noong bata siya, her parents let her take piano lessons. Pero natigil na iyon mula nung namayapa ang kanyang mga magulang. Nawalan na rin siya ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang nasimulan. She later on found an inspiration in painting. Naaaliw siya sa bawat kulay na kanyang ipinapahid sa puting tela.               Tumingin siya kay Knoxx at nakitang nakatingin din ito sa piano. “My mom does,” sabi nito bago umupo sa sofa at hinilot ang sintido. Siya nama’y nakatayo sa harap nito at hindi alam ang gagawin. Bakit nga pala pinapunta siya rito ni Knoxx? Anong dahilan? Kung babayaran niya ang nasirang doorknob at double lock, pwede namang through Gcash lang o di kaya’y Paypal.                Tiningnan ni Autumn ang nakapikit na mukha ni Knoxx. Naka-french crop ang gupit ng buhok nito at may manipis na balbas ito sa ibabaw ng labi. Ang makapal na kilay nito ay bumagay sa mga tsokolateng mata at mahabang pilikmata. Payapang payapa tingnan ang pagmumukha nito. Napatalon siya sa gulat nang bigla itong magmulat ng mga mata. He wiggled his brows.                “Done checking me out?” Using his index finger and thumb, he caressed his jaw. “Pogi ko, noh?” Autumn’s soft features contorted in disgust. Although what he said is true, she tries to act disgusted by what he said.        “Yabang naman! Ano bang meron ba’t mo ako pinapunta rito?” Umupo siya tapat nito. Hindi ito sumagot. Bagkos, nakatitig lang ito sa kanyang mga mata habang nakakrus ang mga braso sa ibaba ng dibdib. Nailang bigla si Autumn sa ginawa nitong pagtitig. Baka naman may dumi siya sa mukha? Pero sa pagkakaalala niya, wala naman? So bakit ito nakatitig sa kanya na para bang kinikilatis nito ang buong pagkatao niya?                    Upang alisin ang pagkabagabag na nararamdaman, nilabanan niya ang titig nito. She remembered how those eyes brought back memories of fire and passion in a span of seconds. Ang mga tsokolateng mata nito ay parang tumatagos sa buong pagkatao niya. Nanayo bigla ang balahibo sa kanyang batok. They held each others’ gaze. Naningkit ang mata ni Knoxx na para bang mas kinikilala siyang mabuti.               “Have we met before?” biglaang tanong nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.                 Tangina! Naalala ba siya nito?               -----  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD