TANGINA! Naalala ba siya nito?
“Your eyes and voice. . . they seem familiar,” ang sabi pa nito. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Namamawis na ang kanyang palad. Agad siyang nag-iwas ng tingin at pinaglaruan ang kanyang daliri bago taas-noong sumagot dito.
“We haven’t. Pero ikaw, kilala kita. Nagta-trabaho ka sa ARC, diba? Baka nakita mo rin ako roon nung mga nakaraang taon. Kung hindi man, well, my face is a common face,” tuloy-tuloy na sabi niya rito. Gano'n nalang ang pasalamat niya nang tumango-tango ito, convinced by what she said. Salamat naman at ito’y naniwala. Hindi niya alam ang gagawin kapag nakilala talaga siya ng lalaki.
“Nga pala, 'di mo pa sinagot ‘yong tanong ko kanina. Ano bang gagawin ko rito?” May inilapag itong card sa harap ng round glass table na nakapagitna sa kanila. Kinuha niya ito. Isa itong invitation card para sa isang anniversary party na gaganapin next week. Tinaasan niya ng kilay si Knoxx. Hindi niya nakuha kung ano ang ibig nitong sabihin o kung ano man ang gusto nitong mangyari.
Matiim siyang tiningnan ni Knoxx. “Be my girlfriend for one night.”
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ni Autumn ang sinabi ni Knoxx. Inalok siya nitong maging nobya sa gaganapin na anniversary party ng mga magulang nito. She doesn’t have a choice but to accept his offer! Kung hindi raw ay bye-bye I.D na. Iyon pa naman ang ginagamit niya para ma-verify ang kanyang identity kapag may job offerings.
Nag-angat siya ng tingin sa asul na kalangitan. Ba’t ba mapaglaro ang tadhana? It was as if it’s playing tricks on her and made a way for them to meet again! Mas lalo pang naging magulo ang buhay niya sa muling pagkikita nila ni Knoxx! Napasabunot siya sa kanyang buhok at pinadyak ang paa sa inis na nadarama.
Nandito siya ngayon sa Tamiya, isang lugar kung saan may maraming establishments. Malapit lang ito sa Mactan Tropics at walking distance lang. Matapos makipag-usap kay Knoxx, dito siya nagpahatid. Gusto niyang mag-unwind. This week is too much to handle! Nagkita silang muli ni Knoxx at nakita niya ang pagtataksil ni Aidan!
Speaking of Aidan, parati pa rin itong nagpapadala ng mensahe. Inis na inis na siya sa paulit-ulit na pagva-vibrate ng kanyang cellphone.Tatlong araw na rin mula nung pumunta siya sa unit nito. Takang-taka ito kung bakit hindi na siya nagre-reply sa mga mensahe at tawag kaya naman, napagdesisyunan niyang tapusin na lahat ngayong araw. Nag-text siya kay Aidan na kikitain siya sa Greenwich, ang lugar kung saan una silang nagkita. Nagulat pa ito nang malamang nakabalik na pala siya. Hindi na siya nag-reply pa at pumunta na sa Greenwich. Kung saan nagsimula, doon niya rin tatapusin. Iba trip niya, eh.
Nag-order din siya ng dalawang carbonara. Ito ang mga pagkaing kinain nila ni Aidan nung una silang nagkita rito. She suddenly remembered how they met. Aidan was looking for a seat but he saw none. Puro may nakaupo at ang katapat na upuan niya lang ang bakante. Aidan asked permission to take the seat in front of her and the rest was history.
Maya’t-maya pa ay nakita niya si Aidan. May dala pa itong flowers. Napangiti siya nang mapakla. Hindi talaga halata na may iba na ito. Dahil siya pa ang customer, agad siyang nakita ni Aidan. Nakaukit sa mga labi nito ang malaking ngiti pero nawala ang mga ngiti nito nang makita ang kanyang itsura. She gave him a cold expression.
Nagsimula na siyang kumain ng carbonara. Inilgaya ni Aidan ang bulaklak sa katabing upuan nito at uminom ng iced tea.
“Autumn? Babe? What’s wrong?” tanong nito. Tiningnan niya ito nang mataman. Nakakunot ang noo nito at bakas sa mga mata ang pag-alala. Napangisi si Autumn. Nag-aalala para sa kanya o para sa sarili nito?
“Flower vase. Crown Regency,” maikling ani niya na agad namang nakuha ni Aidan. Nanlaki ang mga mata nito. Tiningnan niya ito sa mata. Walang nakikita si Aidan sa mga mata ni Autumn kundi galit at pagkamuhi. “Kailan pa?” Autumn asked coldly. Nag-iwas ng tingin si Aidan at parang nag-atubili pa na sagutan ang kanyang tanong. Para itong nailang sa kinauupuan. Aba, dapat lang!
“Again, Aidan, I’m asking you. Kailan mo pa ako pinagtaksilan?” matigas na tanong ni Autumn. Nakita niyang napaayos ng upo si Aidan. Napangisi si Autumn sa kanyang isip. So takot na ito dahil nabuking na?
“8 months,” mahinang sabi ni Aidan. Napapikit si Autumn. Hindi niya na napigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. Inis niyang pinahiran ang kanyang mga luha. Akala niya, okay na siya. Akala niya ba, hindi niya na iiyakan si Aidan? Ba’t ganito?
Kinuha ni Autumn ang iced tea at tsaka uminom. “8 months? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Nakaya mong lokohin ako nang gano'n katagal?” Hindi makapaniwalang-tanong niya.
“Autumn, sorry,” sabi ni Aidan. Nagtagis ang bagang ni Autumn sa narinig. Andyan na naman ang salitang ‘sorry’. Umusbong ang galit sa kanyang puso.
“Are you really sorry? Or nag-sorry ka lang kasi nahuli kita sa akto?” galit na tanong niya rito. Hindi nagsalita si Aidan. Nakayuko lang ito. Pinigilan ni Autumn ang sarili na huwag ibuhos ang iced tea dito. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo na makasisira sa kanyang pangalan.
“Talk,” Autumn said with authority. Nakita niyang nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Aidan bago binuksan ang labi para magsalita.
“Nagpadala ako sa temptasyon,” maikling sabi nito na mas lalong ikinasakit ng puso ni Autumn. “Ayaw kong sabihin sa’yo baka magalit ka.” Kinuyom ni Autumn ang kanyang kamao sa narinig. Grabe. Ginawa siya nitong tanga.
“Kung sinabi mo sana nang maaga edi sana, hindi ako magagalit. Masasaktan, oo. Pero ang bilugin ang ulo ko nang ganito? Pakiramdam ko’y sobrang tanga ko, Aidan.” Autumn tried her very best not to breakdown. Kinalma niya ang pusong nasasaktan bago nagpatuloy. “'Di ba, nangako ka sa akin noon na sasabihin mo agad sa akin kapag mayroong iba? But you broke your promise.” Garalgal na ang kanyang boses. Uminom siya ng iced tea at tumikhim.
“I don’t want to let you go, Autumn.” Tumaas ang kanyang kilay sa sinabi nito.
“Ah, so kaya mo nakayang pagsabayin kami? Ibang klase, Aidan! May iba ka na nga tapos may pa-ganyan ka pa.” Tumawa nang mapakla si Autumn. “Akala ko pa naman, iba ka sa lahat ng mga lalaki. Akala ko lang pala iyon. Masaya bang lokohin ako, ha, Aidan?” mariing tanong niya. Pinipigilan niya na huwag lakasan ang boses upang hindi makahalata ang mga crew at staffs ng Greenwich. Gustong-gusto niya ng sigawan at pagha-hampasin si Aidan.
“I didn’t mean it, Au—“
“No, sinadya mo iyon. It’s your choice! At pinagpatuloy mo pa?” The problem with boys is that they don’t think of the consequences once they cheat. Ang ginawang panloloko ng mga ito ay maaring makaka-down ng self-esteem at confidence ng isang babae. May ibang babae pa na sa sobrang pagmamahal, they will blame themselves and ask themselves constantly why they aren’t enough. Luckily, Autumn is a strong woman and she knows her worth. A woman’s worth shouldn’t be defined by men.
Hindi na muling nagsalita si Aidan. Nakayuko pa rin ito. With confidence, Autumn stood up from her seat. Doon na nag-angat ng tingin si Aidan. Nakita ni Autumn ang mga luhang gustong kumawala mula sa mga mata nito.
“We’re over Aidan. Sinayang mo ang isang babaeng katulad ko,” sabi niya rito. She saw Aidan got frozen on his seat. Naglakad na papalayo si Autumn at nung nakalayo na sa Greenwich at nasa lugar na siya kung saan walang masyadong tao, doon niya na inilabas ang mga hagulhol na kanina niya pa pinipigilan.
May braso na pumalibot sa kanyang katawan at base sa pabango, kilala niya na agad kung sino iyon.
“I’m here, Autumn. Ilabas mo lang ‘yan,” Knoxx said while patting her head. This week, her mind is full of chaos. But now, being caged inside Knoxx’s arms, Autumn finally found comfort amidst the storm.
-----