U

2396 Words
KNOXX FELT the pang of disappointment creeping up his system upon the scent of Autumn's hair. It’s not the scent that he expected. Her hair smells watermelon and jasmine combined. Although it's relaxing and he likes the scent of it, he's disappointed to know na hindi ito ang babaeng tinakasan siya three years ago. Akala niya pa naman, si Autumn na pero nahihiya lang itong magsabi sa kanya. His whole body screams familiarity upon seeing Autumn but the scent of her hair tells him otherwise. Ang babaeng iyon ay strawberry shampoo ang ginamit, sigurado siya. Hindi niya pa rin makakalimutan kung gaano siya binaliw ng pabango at shampoo na ginamit nito. Nevertheless, he likes the feeling of Autumn being trapped in his strong arms. He saw the scene a while ago through the glass wall. Although hindi niya naririnig kung ano ang pinag-uusapan nito, alam niya kung ano ang nangyayari. Kilala niya ang lalaking kausap ni Autumn kani-kanina lang. Ito ang umuukupa ng unit na katabi niya at sa tatlong araw na pamamalagi niya sa Crown Regency, parati niyang nakikita na may kasama itong babae. Minsan nga'y nakasakay niya ang dalawa sa elevator at akala ni Knoxx na magkasintahan ang dalawa. 'Yon pala, that guy is cheating behind Autumn's back. Nakaramdam siya ng galit. Kinuyom niya ang kanyang kamao lalo na no’ng narinig ang malakas na hagulhol ni Autumn. He knows she's trying not to breakdown a while ago at napahanga si Knoxx sa tatag ng babae. He caressed Autumn's hair and kissed the top of it na ikinagulat niya. Hindi niya inaasahan ang reaksyon ng kanyang katawan pero mukhang wala lang naman kay Autumn ang nangyari. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Alam niyang basang-basa na ang kanyang suot na black t-shirt. Buti at parati siyang nagdadala ng extra sa kanyang kotse. He closed his eyes and sniffed Autumn’s hair. Agad na nanuot sa kanyang ilong ang pinaghalong amoy ng watermelon at jasmine. Parang gusto niyang matulog habang kayakap si Autumn. He didn’t expect that she would feel and smell like home. He again kissed Autumn's hair before pulling her away from him. Her face is a mess. Nagkalat na sa mukha ang kani-kanina'y maayos na bangs nito. Punong-puno rin ng luha at sipon ang mukha nito na ikinatawa niya. Humagalpak siya ng tawa nang hinampas siya ni Autumn at mas lalo itong umiyak. How adorable! Napatingin siya sa paligid. May mangilan-ngilang tao na nakatingin sa kanila. Hinawakan niya ang kamay ni Autumn at nagpatiuna naman ang babae. Hindi ito umangal. Dinala niya ito sa kanyang kotse saka pinaupo sa passenger seat. Umupo naman siya sa driver’s seat at hinarap ito sa kanya. Napailing-iling siya nang makita kung gaano kagulo ang buhok nito. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ng babae pati na rin ang sipon. Gustong matawa ni Knoxx. He didn’t know that Autumn would be this cute when she cries! Para itong bata. Pinahiran niya ang mukha nito. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Autumn pero this time, unti-unti na itong kumalma. Kinuha niya ang isang hindi pa nabuksan na bottled water na dala niya at binuksan ito upang ibigay kay Autumn. Agad naman itong uminom. He continued cleaning Autumn’s face. Pulang-pula ang mata nito lalo na ang ilong. Nahagip ng mata ni Knoxx ang tali na nakalagay sa palapulsuhan nito. Kinuha naman ito ni Knoxx at itinali ang buhok ni Autumn. He caressed Autumn’s back as she drinks. “Feeling better?” He asked no’ng natapos nang ilagay ni Autumn sa lalagyan ang bottled water. Kumalma na ito. Sumandal ang babae sa kinauupuan at pumikit. Marahan itong tumango sa kanyang tanong. “Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko siya iiyakan pero heto na naman ako, iniiyakan ang gagong iyon.” Tumawa nang mapakla si Autumn at nagmulat ng mga mata. “Ang sakit lang kasi, eh.” “Normal lang naman na masaktan. Don’t invalidate your feelings. Maybe, hindi ang lalaking ‘yon ang iniiyakan mo kundi ang mga magagandang pinagsamahan niyo. Good memories can hurt a lot, you know,” ani niya rito na ikinatingin ng babae sa kanya. Nakita niya ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi nito. Para bang may napagtanto ito sa kanyang sinabi. “You’re right. Sobrang ganda ng pinagsamahan namin ni Aidan and reminiscing those memories hurt a lot. Pero ang mapakla pa roon, ang eight months sa pinagsamahan na iyon ay puro kalokohan lang pala,” sabi nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Bumaling ito sa kanya. “Angel’s Club tayo.” NAKITA NI Autumn ang panlalaki ng mga mata ng lalaking kaharap. Doon niya lang napagtanto ang kanyang sinabi. Iyon ang bar kung saan sila unang nagkita at may nangyari sa kanila! Tumikhim si Autumn at umiwas ng tingin. Did the place ring a bell for him, too? Now, she wonders if Knoxx also had sleepless nights after what they did. O baka naman mabilis lang siyang nakalimutan ni Knoxx? Baka naman he considered her as one of the girls he fcked. Sa isipang iyon ay kumirot ang puso ni Autumn. Napanguso siya sa nararamdaman. Mga lalaki nga naman. “’Wag na. Mabuti pang mag-samgyup nalang tayo. Libre ko. Malapit lang naman dito sa Tamiya ang Mactan City Times Square. Nakapunta ka na ba ro'n sa Mani Mok-o?” May kung anong kirot ang dumaan sa kanyang puso. Of course! Minsan na silang nakakain ni Aidan doon! “Judging from your reaction, I suppose it’s a ‘yes’. At may naaalala ka roon. Saan mo ba gusto? You choose,” sabi ni Knoxx na tila ba naghihintay sa kanyang sagot. Bumaling siya rito. ‘Yan na naman ang mga mata nitong grabe kung makatitig. Para nitong hinihipnotoso si Autumn at binabalik ng mga mata ni Knoxx ang mga ala-alang pinagsamahan nila no’ng gabing iyon. Autumn tried to erase those thoughts starting to form in her head. Kung hindi, baka tuluyan na siyang malunod sa mga mata ni Knoxx. Binigyan niya ng maliit na ngiti si Knoxx at umiling. “Okay lang sa Mani Mok-o. Miss ko na ring kumain do'n,” sagot niya sa tanong nito. Tumango-tango si Aidan bago pinaandar ang sasakyan. “Okay. Mani Mok-o, then. Baka naman iiyak ka ‘dun, ha.” Hindi nakalampas sa pandinig ni Autumn ang pang-aasar sa boses nito na ikinasimangot niya. “Ano, aasarin mo na naman ako? Grabe ka talaga.” Tumawa lang si Knoxx sa kanyang sinabi. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pinadalhan ng mensahe ang kaibigan niyang si Snow. After sa nangyari sa Crown Regency, agad silang nagkita ni Snow. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito para kay Aidan. Marami pa silang napag-usapan and Snow tried to comfort her. Dinadamayan nila ang isa’t-isa kapag may problema. She’s so lucky to have Snow in her life. Nagsimula ang pagkakaibigan nila no’ng college at mula noon ay inseperable na sila. Sinabi niya kay Snow na kung sakaling hahanapin siya ng kanyang mga kinikilalang nanay ay sasabihin nito na magkasama sila. Pinadalhan din niya ng mensahe ang kanyang mga nanay na magkasama sila ni Snow ngayon. Plano niya kasi na pagkatapos nilang mag-samgyup ay pupunta siya sa Butterfly Bar mag-isa. After 3 years, ngayon lang ulit siya babalik ng bar. Ayaw niya na sa Angel’s Bar masyadong marami ang nangyayari doon na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ng kanyang utak. Snow and her just tried to go to that bar dahil hindi pa sila nakakapasok sa isang bar kahit kailan. Curious sila kung ano ang nasa loob. They just ordered cocktails at ‘yon na nga, nangyari ang pangyayaring hindi nila inaasahan. Hindi sinabi ni Autumn kung ano ang nangyari no’ng gabing iyon. Sinabi lang niya kay Snow na maaga siyang umuwi dahil sumakit bigla ang kanyang ulo habang si Snow naman, nagpamasahe lang daw ang lalaki sa kanya pagkatapos ay pinaalis na siya. Ganon nalang ang tawa niya no’ng kwinento iyon ng kaibigan. Ginawa pa itong masahista! Tumingin si Autumn sa labas ng bintana. Naramdaman niyang pinaandar ni Knoxx ang radyo. Agad namang tumugtog ang Ako Naman Muna ni Angela Ken. Napagiti siya sa narinig. Ah, one of her comfort songs. Kapag naririnig niya ito’y tila kumakalma ang kanyang utak at puso. Sobrang meaningful din ng mensahe nito. Panigurado, katulad niya, marami ang nakaka-relate sa kanta. Ang kanta ay parang nagsisilbing pahinga sa nakakapagod na mundo. It feels like a 5-minute hug. Bumangon ang excitement sa kanyang puso nang makita kaagad ang Mactan City Times Square. Bumaba na siya sa kotse at ganon din si Knoxx. Inilock nito ang sasakyan at sabay silang nagtungo sa Manimok-o. Kumalam bigla ang kanyang sikmura nang manuot sa ilong ang amoy na nanggaling mula dito. Sinundot niya ang tagiliran ni Knoxx. Kunot-noo itong napatingin sa kanya na para bang nagtataka kung bakit niya iyon ginawa. “Pork akin. Walang beef. Basta, libre mo, ha?” Paninigurado niya. Napangisi si Knoxx at nagkibit-balikat. Nanlaki ang mga mata ni Autumn. Ano ang ibig sabihin ‘nun? “Hoy,” pangungulit niya rito at inulit ang sinabi kanina. Knoxx just wiggled his brows na para bang inaasar siya. ‘Yan na naman! Umaandar na naman ang pagkapilyo nito! Nakipag-usap ito sa isang staff at bumaling sa kanya. “Siya magbabayad.” Nanlaki ang mga mata ni Autumn sa sinabi nito. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang maliit na ngiti sa labi nito na agad ding nawala. Naningkit ang mga mata ni Autumn at binalingan ang lalaking kausap ni Knoxx “Joker po ‘yan, sir! Siya talaga magbabayad!” Binelatan niya si Knoxx at tumakbo papasok. Narinig niyang tinawag siya ni Knoxx pero hindi niya ito pinansin. Agad siyang umupo sa bakanteng upuan na nakita. Akala ‘nun ha! Sinubukan pa siyang i-trap. Sabi pa nito kanina ito raw ang manlilibre. Scammer! Tumingin siya sa kanyang paligid. Marami talagang mga tao sa Mani Mok-o. Well, marami naman kasing mahilig sa samgyup. Kahit saan mo siguro tingnan may makikita kang samgyup na resto! Patok na patok naman kasi ito, eh, lalo na ‘pag masarap ang sauce. Dito sa Mani Mok-o, sobrang sarap ng sauce nila. Gustong-gusto iyon ni Autumn! Tamang-tama lang ang anghang at tamis nito. Hindi niya alam kung ano ang pangalan ng sauce. Nahihiya rin naman siyang magtanong sa mga staff. Nakita niyang pumasok si Knoxx at inilibot ang mata sa paligid na tila ba ma’y hinahanap. Tinaas niya ang kanyang kanang kamay at no’ng nakita siya nito, agad itong lumapit at umupo sa kanyang tapat. Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ang nakasimangot na mukha ni Knoxx. “Tinakasan mo ako,” sabi nito na ikinatawa niya. Tumaas ang kanyang kilay at ipinagkrus sa ibaba ng dibdib ang mga braso. “Excuse me? Ikaw kaya nagsabi na manlilibre ka. Don’t me!” She said and flipped her hair. Inirapan niya pa ito. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Knoxx at napailing-iling. “Oo na. Basta, huwag mong kalimutan next week. Susunduin kita sa bahay niyo,” sabi nito. Saka lang niya naaalala ang mga pangyayari kanina sa loob ng bahay ni Knoxx. Napanguso siya. Isang gabi lang naman pagkatapos ‘nun, mawawala na siya sa buhay ni Knoxx. Biglang kumirot ang kanyang puso sa 'di malamang dahilan. Ba’t naman siya masasaktan? Mabuti nga iyon, eh! Parang kabute si Knoxx na biglang nagpakita muli sa kanya! May lumapit na staff sa kanila at sinet-up ang kanilang table. Kinuha nito ang isang pitsel at nilagyan ng itlog ang gilid ng kawali. Basta ‘yung kawali na para sa samgyup! Hindi niya alam kung ano ang tawag. Nagpasalamat sila ni Knoxx nang matapos na ito. Tumayo si Knoxx at tiningnan niya naman ito. “Anong gusto mo? Ako na kumuha. Bantayan mo ‘tong table natin.” She shrugged before answering. “Lahat. Damihan mo ng marinated pork, ha, tsaka samgyup! Tapos sushi na rin!” Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi tsaka tiningnan ang kanyang katawan. Napairap siya sa hangin. She gets that reaction from a lot of people. “Ang payat mo tapos ang lakas mong kumain?” hindi makapaniwalang tanong nito and looked at her again from head to toe with wide eyes. “Pake mo ba? Blame my metabolism. Ang sexy ko pa rin, noh?” She wiggled his eyebrows. Tiningnan lang siya ni Knoxx na parang nababaliw na siya at saka tinalikuran upang kumuha ng pagkain. Nang makaalis na ito, napahawak siya sa kanyang buhok na nakatali. Napatigil siya at inisip ang pangyayari kanina sa kotse nito. He tied her hair. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagsilay ng ngiti. 'Di niya inakalang marunong pala itong magtali ng buhok. Bakit kaya? Habang nag-iisip ng posibleng rason, napasimangot siya. Malamang! Sanay na sanay siguro itong nagtatali ng buhok dahil marami itong babae! O di kaya'y pagdating sa blowjob iniipon nito ang buhok ng babae. Napairap na lang siya at napailing. Ang landi talaga ng lalaking 'yon. Pagbalik nito ay may bitbit na itong mga pagkain. Napapalakpak siya. Takam na takam na ang kanyang mga labi na makatikim ulit ng samgyup lalo na no’ng marinated pork! Muling umalis si Knoxx at no’ng bumalik ito, may bitbit itong panibagong set ng pagkain at dalawang bowl ng kanin. Gamit ang kutsara, kinuha ni Autumn ang itlog at hinati ito sa dalawa. She put the first half on Knoxx’s bowl and the other on her bowl. Kinuha niya ang tongs at inilagay ang mga meat na kinuha ni Knoxx. Una niyang niluto ang marinated pork— her favorite! She licked her lips upon the sight of the meat. Mas lalong nagwala ang kanyang mga bituka sa tiyan! Pansin niyang nakatitig lang si Knoxx sa kanyang ginagawa. Binalingan niya ito. Titig na titig ito sa kanya at nakakrus ang braso sa ibabaw ng dibdib. Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Kumunot ang kanyang noo. “Bakit?” tanong niya rito. Knoxx gave her a skeptical look. “Anong bakit?” tanong nito na nagtataka kung para saan ang tanong niya. Napanguso si Autumn. “Bakit ka nakatitig sa akin nang ganyan?” Knoxx shrugged before he replied. “Wala lang. It’s nice to see you smile.” Autumn froze upon hearing those words. Naramdaman niyang biglang bumilis ng t***k ang puso niya. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin bago ipinagpatuloy ang ginawa. Pinisteng atay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD