Chapter 2

1123 Words
2 Habang naglalakad at nakasunod si Rica sa dalawang nurse biglang nagtaasan ang balahibo niya sa katawan nang marinig niya ang kakaibang ingay na animoy pareho nagkikiskisan na bakal sa isa’t isa, nahinto siya sa paglalakad at hinahanap kong saan nang gagaling ang ingay na ‘yon, nakakaramdam na rin si Rica ng animoy hindi na siya makahinga ng maayos dahil masyadong sarado ang buong pasilyo, wala siyang makitang bintana man lang para makalanghap ng hangin, puros puti ang nakikita niya, ang ingay na ‘yon ay papalapit ng papalapit sa kanya. Sumulyap siya sa likuran kong saan nang gagaling ang ingay, naningkit ang mata niya nang may aninong papalapit sa kanya pero hindi niya makita kong kanino ‘yon. Ang anino na ‘yon ay may hawak na animoy patalim na kinikiskis sa pader kaya nagkakaroon ng kakaibang ingay, ramdam ni Rica ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib, “Ms. Rica,” agad siyang napasulyap sa tumawag sa kanyang nurse, “may problema po ba?” tanong ng nurse na may maitim na kulay ng balat. Umiling-iling siya, “wala naman po,” saka siya muling sumulyap sa likuran, hindi na niya nakita pa ang anino, inisip niyang guni-guni lang ang ito at muli siyang sumunod sa dalawa. Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad, dumaan sila sa isang pasilyo na puros mga pintuan ng silid ang makikita at nang makalagpas sila doon, sumakay pa sila ng elevator patungo sa pang limang palapag at lumabas, dire-diretso lang sila hanggang huminto sila sa nag-iisang pintuan ng silid pasilyo na ‘yon, may pintod ang babae sa gilid ng metal na pintuan bago ito magbukas at pumasok doon. Pagkapasok nila doon, makikita ang napakalawak na silid pero meron lamang mga display na libro sa lalagyan, lamesa at upuan. Mula sa upuan may nakaupo doon na isang lalaking nakasuot ng pang-doktor, habang palapit ng palapit sila ni Rica, naaninag niya kong anong itsura ng doktor, meron itong batang mukha para maging doktor, matangos na ilong at magandang kutis ng balat, pero may suot itong salamin, may ngiti din ito sa labi. “Maiwan na ninyo kami,” aniya ng lalaking doktor. Saka naman naglakad palabas muli ang dalawang nurse, “maupo ka,” saka naman inupuan ni Rica ang isang upuan sa harapan ng lamesa ng doktor. “Maraming salamat po,” kinakabahan si Rica sa mga oras na ‘yon dahil malamang kaharap niya si Mr. Garcia na siyang nagmamay-ari ng mental hospital na ‘to, inabot niya ang dokumentong binigay sa kanya ng hospital na kailangan din niyang ibigay kay Mr. Garcia pagnagkaharap sila. Kinuha naman ni Mr. Garcia ang binigay niya at binasa-basa ito, nagdadasal si Rica sa kanyang isipan para maging ayos ang pagsagot niya sa iilang katanungan nito, nakatitig lang siya sa nakayukong doktor kaya bahagya siyang nagulat nang sumulyap ito sa kanya at ayosin ang suot nitong salamin. “May claustrophobia ka Ms. Rica?” tanong ni Mr. Garcia na may halong pagkamangha. “Opo.” “Kong ga’non bakit ka pa pumayag na ipatapon dito, alam muna man na close building ito, air con nga siya, pero hindi pwedeng buksan ang mga bintana, nagkaroon na kasi kami ng issue sa mga bintana tungkol sa pasyente noon nalaglag, baka kasi maulit uli kaya pinasara na namin ang mga bintana, baka hindi mo kayanin, diba ang may issue na katulad mo dapat nakakalanghap ng hangin mula sa labas?” tama ang naturan ng doktor pero wala siyang magagawa, kailangan niya ng trabaho, kahit din ang silid kong na saan siya binibigyan siya ng phobia dahil masyado itong kulog at wala man lang bintana. “Kaya ko po, kakayanin ko po, nagkaroon po ako ng medication tungkol sa phobia ko, kong dito po ako magtatrabaho baka masanay din po ako para mawala na pong tuluyan ang phobia ko,” paliwanag niya sa doktor. Tumango tango naman ito sa kanya, “ok kong ga’nun Ms. Rica, alam muna man na pagpinadala ka dito ibig sabihin tanggap kana pero sa kaso mo babantayan pa kita lalo na’t hindi ka pa nakakaisang linggo, idagdag mo pa yong kaso mo sa phobia, pwede ka naman magsabi kong hindi mo kaya, hindi ko na rin aalamin kong paano ka nagkaroon ng ganyan,” aniya ni Mr. Garcia. Bahagyang nalungkot si Rica na babantayan pa pala siya at hindi pa ito ang pinakatrabaho niya, pinagdadasal na lang niya na hindi siya sumpungin ng phobia niya, na makontrol niya ang sarili. “Opo,” ‘yon na lang ang tangi niyang nasagot. “Bibigyan ka ni nurse Aira ng uniporme, siya din ang magtuturo siya ng mga kailangan mong gawin, dahil siya din ang nagbantay sa mga baguhan din noong nakaraang linggo na tatlong nurse, masasanay ka rin sa gawain dito kong palagi mong gagawin at sundin mo lang ang ipagagawa niya sayo para walang problema, dahil sabi dito ay isa ka ding psychologist, baka bigyan din kita ng iba pang trabaho maliban sa pagiging nurse mo, maliwanag ba?” dire-diretsong wika ng doktor. “Opo, maliwanag po sa akin.” Pag-sang-ayon niya. “Si nurse Aira din ang magbibigay sayo ng silid, lahat ng nagtatrabaho ay dito na namamalagi kaya may sarili kayong mga silid, sa west wing para sa mga nurse, sa east wing naman para sa mga doktor at iba pang personnel ng hospital na ‘to, meron naman kayong isang araw na pahinga na mangyayare lang pagtuwing linggo. Bibigyan ka naman ni nurse Aira ng module dahil problema namin sa mga nurse na baguhan yong naliligaw sila kaya kailangan namin magbigay ng module sa mga baguhan.” ‘Naliligaw?’ Nag-echo sa isipan niya ang salitang ‘yon, dahil hindi niya gustong maligaw sa mental hospital na ‘yon, lalo na sa madilim at nakakatakot na lugar katulad noon. “O-opo,” sagot niyang muli. “Bukas ka pa naman mag-uumpisa kaya maayos mo pa ang silid at mga gamit mo,” inilahad ni Mr. Garcia ang kamay nito para makipagkamayan sa kanya, “good luck at congrats Ms. Rica,” sabay ngiti nito sa kanya. Ngumiti na rin siya at kinamayan ang doktor. “Maraming salamat po.” Pagkatapos ipaliwanag sa kanya lahat ang gagawin ni Mr. Garcia, kinuha naman siya ni nurse Aira na bahagyang maliit sa kanya, tinuro naman sa kanya ang magiging silid niya at binigay ang mga personal na gamit niya bilang nurse lalo na ang unipormeng gagamitin niya, hindi na siya nagulat nang makita niya ang silid at ang saradong bintana, huminga siya ng malalim at inayos ang mga inaakyat niyang gamit mula sa kotse. Wala na siyang kailangan atrasan pa sa trabaho niya, kailangan lang niyang sanayan ang sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD