Chapter 1

1316 Words
Ang pangalan niya ay Rica, nagmamaneho siya papuntang State Haven kong saan mag-uumpisa ang kanyang unang trabaho bilang nurse at psychologist. Wala siyang nadadaanan na mga bahay kong di ang mapunong lugar sa kalsada, isang buwan nang nakakalipas simula nang magpasa siya ng resume sa isang hospital, akala niya nang matanggap siya doon mismo siya magtatrabaho pero hindi niya inaasahan na ipapatapon siya sa isang criminal insane asylum bilang nurse, hindi man niya inaasahan pero pumayag na rin siya lalo na’t malaki ang offer sa kanya para magtrabaho kahit na naka-encounter na siya ng baliw noong nag-aaral siya sa kolehiyo dahil doon nagkaroon din siya ng claustrophobia. Limang taon na ang nakakalipas nang mangyari sa kanya ‘yon, ang ikulong siya masikip, madilim at nakakatakot na silid, na pakiramdam niya na sa tuwing lilingon siya sa dilim o sulok ng silid na ‘yon may nagmamasid at nagtatago, animoy nakahanda para siya’y lamunin ng buo. Kahit papaano nakapagtapos pa rin siya ng matiwasay, marami din nagbago sa kanya simula nang makawala siya sa baliw na ka schoolmate niya, nawala ang pagiging masayahin at madaldal niya, madalas siyang tahimik. Kaya imbes na nakasarado ang bintana ng kotse niya, lahat ito’y bukas, mas masarap para sa pakiramdam niya na may hangin siyang nararamdaman kesa sa makulong siya at hindi makahinga. Isang oras at kalahati na siyang nagmamaneho hanggang sa makarating siya sa pupuntahan niya, hininto niya ang kotse sa mismong harap ng napakalaking gusali, may mahaba itong istraktura, kulay puti ang buong katawan, meron itong limang palapag, mga bintana at nag-iisang pintuan sa unahan ng gusali. Bumaba na siya ng kotse niya at iniwan niya ang mga bagahe sa kotse, naglakad siya at umakyat sa hagdan bago tuluyang makarating sa harapan ng pintuan na gawa sa metal na kulay pilak. Hindi niya mawari kong paano magbubukas ang pintuan, tumingala siya at nakita ang dalawang cctv sa magkabilang sulok sa itaas ng bahagi ng pintuan. Ngumiti siya at kumaway kaway, saka niya tinaas ang dokumento para makita sa cctv na binigay sa kanya ng hospital na siya ang bagong nurse na itatalaga sa mental hospital na ‘yon na kailangan niyang ipakita ‘yon bago siya tuluyang makapag-umpisa, saka niya muli itong binaba. Naghintay pa siya ng ilang sandali nang kosang magbukas ang pintuan, nakita niya mula sa loob ang mga nakatayong nurse na mga naka-unipormeng puti, dalawa silang babae at isang lalaki na todo ngiti sa kanya. “Welcome to State Haven!” masayang bati sa kanya ng tatlong nurse ng sabay-sabay. “Halika pasok ka,” yaya naman ng isang babae na bahagyang matangkad. “Maraming salamat,” ngiti niyang pasasalamat sa tatlo saka siya tuluyang pinapasok, napasulyap pa siya sa likod niya kong saan dahan-dahan kosang nagsasara ang pintuan na metal at muling humarap sa tatlong sumalubong sa kanila. “Ikaw yong bagong padalang nurse ‘no?” tanong nong babaeng bahagyang mababang tangkad na nasa gitna. “Oo ako nga, ako pala si Rica.” Pakilala niya sa tatlong kaharap. “Hello Rica, ako naman si nurse Joy, siya naman si nurse Raisse,” pakilala ng babaeng matangkad sa kanila na nagngangalang Joy at sabay turo sa katabi niyang babae na nagngangalang Raisse, “at siya naman si nurse Wasim,” pakilala naman ni Joy sa nag-iisang lalaking nurse sabay kaway-kaway sa kanya. “Sa totoo niyan baguhan din kami, sabay-sabay kaming tatlo na pinadala dito noong nakaraang linggo kaya hindi pa namin masyado kabisado ang lugar at mga gawain, ako galing Manila, si Raisse at Wasim pareho silang Cotabato.” “Wow,” pagkamangha ni Rica sa dalawa at iba’t iba sila ng pinang galingan. “At saka magkasintahan sila,” pagpapatuloy ni Joy. “Talaga?” napasulyap siya kay Raisse na bahagyang namula ang pisngi. “Oo naman, kailagan na namin magtrabaho kasi para future,” aniya ni Wasim. “Future mo mukha mo,” singhal ni Raisse para mawala ang atensyon sa kanya ng mga kaharap. Natawa naman si Joy at Rica, “sorry kong kami ang humarap sayo, busy kasi yong mga senior nurse at mga doktor, may meeting sila nila Mr. Garcia, siya yong may-ari ng mental hospital na ‘to, soon makilala mo rin, mamaya naman ipapatawag ka n’un sa mga senior nurse kong saan nakakaalam ng office niya, inuulit ko kami din ay baguhan kaya hindi pa kami masyado sanay.” “Hoy alam mo ba baliw din yan si Mr. Garcia eh,” lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Wasim, “biruin mo mayaman siya pero nagtayo siya ng mental hospital, naku kong ako kasing yaman niya, magtatayo ako ng resto edi mas mayaman lalo tignan---aray para saan ‘yon!” singhal siya nang batukan siya ni Raisse na kasintahan niya. “Itigil mo yang kadaldalan mo, baka mamaya may makarinig sayo matanggal pa tayo ng sabay-sabay,” reklamo ni Raisse sa kanya. Ngumuso na lang si Wasim at tumahimik habang hinihimas ang binatukan sa kanya ng kasintahan. “Wag muna lang siyang pansinin,” sabi ni Raisse kay Rica. “Si Mr. Garcia nga ang nagmamay-ari nito, isa din siyang doktor, lahat dadaan sa interview niya bago talaga mag-umpisa ng trabaho, magkakaroon ka rin ng sarili mong silid dito, dahil malayo, lahat ng nurse at doktor dito na ng stay malamang sinabi na ‘yon sayo ng hospital kong sino ang nagpadala sayo dito, madali lang naman ang trabaho nito, mag-check-up sa mga pasyente, bibigyan ng gamot, kakausapin kong kailangan, tapos babantayan sila kong kakain, may mga body guard naman kaya hindi rin tayo mahihirapan kong sakaling magwala sila.” Paliwanag ni Joy. Tumango-tango naman si Rica, “ga’nun ba, thank you naman kong binibigyan na ninyo ako ng information.” “Kong ako sayo umiwas ka sa mga senior lalo na sa mga nurse na akala mo kong sino,” mataray na saad ni Raisse. Bahagyang nagtaka si Rica, “bakit naman?” “Matataray at suplado kasi sila, alam mo ‘yon feeling like a boss ang peg nila, pak ganern!” Paliwanag ng binatang nurse. “Ga’nun na nga Rica, pero masasanay ka rin sa kanila,” aniya naman ni Joy. “Pero alam mo ba na sabi nila na may nakakatakot daw na kwento ang State Haven,” sa pagkakataon na ‘yon natigilan si Rica at napasulyap sa nagsalitang binata. “Wasim tumigil ka na nga, sobra na yang kadaldalan mo!” Saway ngayon no Joy. “Bakit, magtatrabaho din siya dito, malamang kailangan din niyang malaman katulad ng pananakot sa atin ng mga senior ‘no.” Sabay harap ng binata kay Rica, “sinasabi kasi nila na may mga gumagalang kaluluwa dito sa State Haven, pero ni isa sa aming tatlo wala pang nakakaranas sa bagay na ‘yon kaya nanakot lang sila, kaya kong takutin ka rin nila tawanan mo lang.” Imbes na isipin na biro ni Rica ang sinabi ni Wasim, nararamdaman niya ang dahan-dahan na pagtibok ng mabilis ang puso niya sa kanyang nalaman, bigla niyang naalala ang baliw niyang ka schoolmate at kong anong ginawa nito sa kanya, natigilan silang tatlo nang may dalawang nurse na babae ang papalapit sa kanila, walang makikitang ekspresyon sa mga mukha nito. “Speaking of the devil,” bulong ni Wasim sa tabi nila. “Ikaw ba si Ms. Rica?” tanong ng isang babae na may maitim na kulay ng balat. “A-ako nga po,” sabi ni Rica. “Sumunod ka sa amin,” sabi naman ng babaeng may maputlang kulay, naglakad na ang mga ito at sumunod si Rica, sumulyap muli siya sa tatlo na binibigyan siya ng good luck sign, muli siyang tumingin sa harap ng nilalakaran nila, papunta sa kanang pasilyo ng gusali. Habang naglalakad, hindi parin mawala ang kaba sa kanyang dibdib na hindi mawari kong bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD