Benson Vicente, sana pinili mong gawin ang tama o ang dapat na mangyari. May tiwala ako sa ‘yo. Ilang minuto na ang nakaraan, matapos naming mag-usap ni Vicente. Nandito ako ngayon sa abandonadong bahay at kasabay nang pananatili ko rito ang panaka-nakang pagbalik ng ilang alaala. Tulad ng karanasan namin ni Patricia kanina. Wala kaming kaalam-alam kung paano makababalik sa 2015, para kaming mga baliw na nagpa-panic at gustong makatakas sa Mental Hospital. At para hindi ma-stress ayun, kumain kami ng dala niyang unlimited burger. Ngayon, sa totoo lang, tiwala naman ako na makakabalik ako sa panahon ko kahit anong oras. Hindi na ‘ko natatakot pero ang pinag-aalala ko e ang walang kasiguraduhang 2015, na posibleng bumungad sa ‘kin. Mayamaya pa, napansin ko na ang mabilis na pagliwanag

