Benson Wala na akong sinayang na oras. Pakiramdam ko e sa tuwing wala akong nagagawa ay mas bumababa ang chance na maligatas ko sina Mommy at Patrcia. Agad akong bumalik sa abandonadong bahay. Hindi ko na sinubukan pang kausapin si Vicente at hingian ng paliwanag. Malinaw na malinaw sa ‘king pinili niya ang sarili niyang kasiyahan kaysa sa tama. Makasarili siya! “Pakiusap, sa pangalawang pagkakataon hinihingi ko po ang tulong Mo. Diyos ko kung Ikaw man po nagdadala sa ‘kin sa iba’t ibang panahon. Pakiusap, dalhin Mo po ako sa panahon kung saan pwede kong pigilan sina Vicente at Soli. Hindi dapat sila magkatulyan,” sambit ko sa abandonadong bahay na parang isang albularyong baliw na kumakausap ng kung anong elemento. Ito lang ang naisip kong paraan para pigilan sina Vicente at Soli. Wal

