Benson Gamit ang laylayan ng jacket ko pinunasan ko ang aking luha. Kaso tumutulo pa rin ito lalo na kapag naaalala ko ang mga pangyayari na pinagdaanan namin ni Patricia. Isang araw pa lang kaming magkakilala pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko matagal na siyang naging parte ng buhay ko. Sa lungkot na nararamdaman dahil sa pagkawala ni Patricia hindi ko maiwasang kausapin ang saliri. Tama ba itong ginawa namin? Tama ba na hayaan ko nang magkatuluyan sina Vicente at Solidad lalo na’t ganito, wala si Patricia. “Benson ‘wag mo kong intindihin at pakiusap, hayaan mong maging masaya si Lola sa piling ni Vicente. Masaya na ako doon. At hanga pala masaya akong na nakilala kita.” Ang boses ni Patricia na para bang sumagot sa ‘kin. Marahil masaya talaga siya para sa Lola niya at kay Vicente

