Benson Nagpatuloy ang aming matahimik na pagmamasid sa kakaibang hitsura ng labas ng abandonadong bahay. Puro tunog lang ng mga insekto ang namamayani sa kapaligiran. Naghihintay kami ni Patricia na tapusin ni Vicente ang kanyang naudlot na linya pero mag-iisang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin ulit siya nagsasalita. “Vicente? Ito ang ano?” tanong ko habang nanunuyot ang mga labi dahil sa nerbyus. Nagulat siya at napaiktad kasabay ang mabilis na pagtugon. “Ito ang panahon ko!” “Ang 1942,” sabay na sambit namin ni Patricia na kanina pang tulala. Kung si Vicente ay halos magtatalon sa sobrang saya dahil nakabalik na siya sa panahon niya, ako naman ay hindi mapakali dahil sa takot na ma-trap dito. Sa mga oras na ‘to nag-aalala ako para sa amin ni Patricia. Baka kasi hindi na ka

