Benson Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng dagumdong sa dibdib ko at pakiramdam ko ba ay nananaginip pa rin ako. Kung kahapon nang malaman kong si Soli ay lola ni Patricia at ang lalaking kasama namin ngayon ay isang nilalang na mula sa past, halos magbuhol-buhol ang mga brain cells ko. Pero hindi ko in-expect na may ilalala pa pala ito. At nangyari ito ilang segundo pa lang ang nakalilipas, nang makasalamuha namin ang aming mga sarili na nagmula sa hinaharap. Alam kong totoong nangyari ang lahat ng ito pero hindi pa rin nagsi-sink in sa aking isip kung paano. “Anong nangyari sa kanila saan sila napunta?” Walang sumagot sa ‘kin. Sumulyap ako sa mga kasama ko. Si Vicente para bang naging malungkot na rebulto matapos maglaho ng futureselves namin ni Patricia, samantala si Patricia nama

