Kabanata 10

1683 Words
Benson Habang naglalakad papunta sa terminal ng Jeep napatingin ako kay Vicente. Napansin kong ang suot niyang damit ay katulad pa rin ng suot niya kahapon. “Vicente nagpalit ka ba ng damit?” Napalingon naman si Vicente sabay tinignan ang kanyang suot at saka nagsalita. “Oo, kakulay lang talaga ito nung pinagbihisan ko. Sensya na ito lang kasi ang matino kong kasuotan.” “Oy, wala yun! Tinanong ko lang naman,” sambit ko nang may pilit na ngiti. Nang makarating sa sakayan. Nakita ko ang naging expression ni Vicente nang makita ang jeep at mga tricycle sa paligid. Para bang amaze na amaze siya. Ano pa nga bang aasahan, e first time niya nga palang mapunta rito. Hehe. Sumakay na kami si Jeep. Si Vicente patuloy lang sa pagmamasid sa paligid. Medyo nahihiya rin siya dahil may ilang tumitingin sa pormahan niya. Kala siguro ng iba, ngayon lang nakarating si Vicente sa kabihasnan. Pero kung alam lang nila, tama sila. Nakapwesto kami sa gitnang part. Umupo si Patricia sa pagitan namin ni Vicente. Busy lang siya sa pagmamasid sa kanyang cellphone. Anong oras kaya magre-reply yung contact niya? “Kuya bayad po,” sambit ng isang babae sa tabi ko na mukhang may date kasama ang kanyang boyfriend na gwapings na gwapings ang pormahan. “Vicente pasuyo daw ng bayad.” “Ha?” Si Vicente na walang kaide-ideya sa gagawin doon sa bayad. “Ipapaabot yan doon sa driver,” nakangiting sambit ni Patricia. “Doon sa nagmamaneho?” bulong niya. Nakangiti lang kaming tumango. Imbis na ipasuyo rin ni Vicente ang bayad sa katabi niya papunta sa unahan. Tumayo ito bigla at siya mismo ang magbibigay kay Manong Driver, kaya naman nagulat kami ni Patricia. Dahil nga sa gulat, hinila ni Patricia si Vicente ng malakas na dahilan para mapaupo ito pabalik sa pwesto. “Iabot mo na lang din dyan sa katabi mo,” bulong ni Patricia kay Vicente. Dahil nga mukhang ewan yung dalawa na bigla na lang naghilahan, nagtingan yung iba naming kasakay kaya sa totoo lang sobrang awkward. At para basagin ito, si Vicente minabuting magmasid na lang sa may bintana para tanawin ang labas. Ako naman, kinausap si Patricia, para tanungin yung tungkol sa contact niya. “Ahmm. Patricia? Okay lang bang malaman kung sino yang kinokontak mo?” “Oo naman, si Andrey ito. Nasa ibang bansa kasi siya. E baka tulog pa, gabi pa yata doon ngayon e.” Andrey…foreigner yata yun ah. Boyfriend niya siguro. “Boyfriend mo?” Oh damn! Bakit ko yun sinabi? Bwesit na bibig to nagkukusa. “Sira ka! Hindo ano?!” natatawa niyang sambit. “Bata pa yun. Schoolmate ko siya noong Highschool. Member siya ng Science Club, noong time na naging President ako. Matalino siya at sa sobrang talino niya, nag-accelerate siya from Highschool to College. Tapos ayun, nakakuha ng scholarship abroad.” Hayss…buti na lang di siya nagalit. “Langya! Ang talino naman niya. Samantalang ako, may ilang palakol sa card,” natatawa kong sambit. “Ano pa! Hindi lang matalino. As in sobrang talino. Kaya nga feeling ko matutulungan niya tayo,” sambit niya sabay pasimpleng sumulyap kay Vicente. “At sana nga. Kasi pag nagkataon, kawawa naman si Vicente. Hindi natin alam kung paano siya matutulungang makabalik sa past. Dahil sa kanyang sinabi, hindi ko na rin napigilang mapatingin kay Vicente. Napangiti ako, feeling ko kasi medyo gumagaan ang nararamdaman niya dahil sa mga nakikita sa paligid. May na-imagine tuloy ako. Paano kaya kung ako ang napunta sa Future? Tapos makakakita ako ng lumilipad na kotse. Siguro ganyang ganyan din ang aking magiging reaction o di kaya e mas malala pa. Mayamaya pa, huminto na ang sinasakyan naming. “Oh ESEM na ESEM!” sigaw ni Manong Driver na sinundan ng papalapit na dispatcher na, “Oh sino mga bayan oh!” “Yung mga bayan oh dito dito dito!” pagpapatuloy pa nito habang tinatapik ang tagiliran ng jeep. Pinaunan muna naming bumaba ang ibang pasahero at matapos noon ay dumeritso kami papunta sa loob ng Mall. Bumukod si Patricia sa amin, doon siya pumasok sa entrance ng mga babae. Samantala sinabay ko naman si Vicente. “Vicente, bukasan mo yang mga gamit mo ha? Titignan lang naman nila kaya wag kang mag-alala. Umuna ako sa pagpasok, kinapkapan lang ako ng security guard kasi wala naman akong dalang bag. Nang makalampas, tinignan ko si Vicente. Medyo naasar ako sa bungad ng guard. “Saan ka boy?” Kaya naman lumapit ako, lalo na’t halatang kinakabahan si Vicente. “Kasama ko siya Sir, may problema po ba?” Hindi nakapagsalita yung guard, medyo napahiya siya. Hindi rin kasi natripan nung iba ang papasok ang approach niya kay Vicente. “Patingin na lang boy ng gamit mo.” Inalis ni Vicente ang buhol ng kanyang gamit at pinakita ito. Matapos i-check ng guard pinalusot na siya nito. “Pagpasensyahan mo na yun ha?” Judger… “Ano okay lang kayo?” nag-alalang tanong ni Patricia, nakita rin pala niya yung nangyari. “Oo okay lang. Pero sa tingin ko mas mabuti kong pagbihisin muna natin si Vicente at ilagay natin itong gamit niya sa maayos na bag. Tamang tama balak ko talagang bumili ng bag, doon na lang muna.” Nagtungo kami sa DepStore para maghanap ng bag. Ang daming tao, karamihan naka-red. May napili na ako, Hawk ang tatak. Dahil hindi naman ako choosy dumeritso na agad kami sa mga damit para bilhan si Vicente ng damit. Buti na lang pala may savings pa ako. Pinapili ko si Vicente, may nakita kaming new arrival. Kultura ang pangalan ng brand. Mga white shirt lang ito na may mga cool na print. Random, para bang mga painting. Tinignan ko ang tela makapal. Ay magandang klase for sure mahal. Tinignan ko ang price tag nito at laking gulat ko nang makitang sobrang mura nito. 150 pesos lang ito. Tapos pag dalawa 280 lang. Para ma-sure kung legit ngang mura ito. Lumapit ako sa isang sales lady at nagtanong. “Miss, totoo po bang 150 lang ito?” “Yes Sir, bagong labas lang po kasi yan. Kumbaga po ay promo. Siguro po next month pagdating ng bagong stocks ilalagay na po ulit sa original price na around 200 to 250 po. Pero sa ngayon po, sulitin nyo na. Tamang tama po maagap pa, sigurado mamayang hapon matitira na lang po dyan ay pinagpilian.” “Sige Miss. Salamat po…” “Pili ka na Vicente, bibili ako ng apat. Ibibigay ko sa ‘yo ang isa.” “Wag na po, Ginoong Benson. Wala po akong pambayad,” nahihiyang sambit ni Vicente. “Sus! Wala yun sige na at kailangan mo pang magbihis para hindi ka pagtinginan ng ibang tao.” Tumingin si Vicente kay Patricia. Tumango naman ito na nangangahulugang tama ang suggestion ko. “Diyan lang kayo ha? Hahanap lang ako ng short. Ako naman ang manlilibre.” Matapos makapamili, nagtungo na kami sa Cashier para magbayad. At sunod nun ay inilagay na naming ang mga gamit ni Vicente sa bag kong bagong bili. Samantala pinapunta naman namin si Vicente sa dressing room para magbihis. Mayamaya pa e lumabas na siya. Para bang nawala ang Vicente na nakilala naming kanina dahil sa kanyang porma. Feeling ko ibang tao siya, Bumagay yung bigay ko sa kanyang T-shirt doon sa binili ni Patricia na kulay grey na short. Balak sana naming bilhan din siya ng bagong tsinelas pero mukhang hindi na kailangan. “Kumusta Ginoong Benson?” “Ayos bagay sa ‘yo! Kaso lang…” “Kaso lang ano?” sabay na sambit nung dalawa. “Mas bagay sana kung hindi mo na ako tatawaging ginoo. Kahit Benson na lang din, tulad ni Patricia. Bukos sa awkward kasi mas matangkad ka pa sa amin, alam mo Vicente ang “Ginoo” ay hindi na ginagamit dito sa panahon na min. Sa liham mo na lang yan mababasa,” Sabay na nagtawanan ang dalawa at biglang nagsalita si Vicente. “Oo na sige. At hanga pala, salamat dito. Pasensya na kung hindi ko kayo mababayaran.” “Sus! Ano ka ba?! Wag mo ng isipin yun. Kung ako sa ‘yo susulitin ko na ang bawat sandali dahil malakas ang pakiramdam ko na mamaya ay makakabalik ka na ulit sa panahon mo. Di ba Patricia?” sambit ko sabay kindat kay Patricia. Nakangiti itong tumango at saka nagsalita. “So, saan na tayo ngayon? Hindi pa rin na-respond si Andrey e.” Ngumiti ako ng malawak at saka nagsalita. “Sa Arcade?” “Arcade?” Si Vicente nawalang kaalam-alam kung ano ‘yun. “Basta…” Sakay ng escalator, pumunta kami sa 3rd floor para maglaro sa Arcade. Tinuro k okay Vicente ang iba’t ibang laro dito. Yung Street fighter, Mortal combat, Teken, Takedown. Pinalaro ko rin siya sa basketball, claw machine at yung barilan. Nakakatuwa si Vicente, para siyang batang sobrang enjoy na enjoy sa ginagawa. Tapos umiilag pa doon sa may barilan. Pero sa lahat ng games ang pinakanagustuhan niya talaga ay yung Race Car. Pangarap niya daw kasi maranasang mag-drive. At kahit paano, na-experience niya ito dito. Kung si Vicente parang batang naglalaro, si Patricia naman seryoso siya sa isang tabi. Claw machine ang kanyang pinaglalaanan ng oras. Nalaman kong gusto niya pala si The Flash, at yung maliit na keychain noon ang kanyang tyinatyagang kunin. Matapos maglaro, natripan naman naming kumain. At para talagang sulit na sulit ang pagpunta ni Vicente sa panahong ito, sa Jollibee ako nag-suggest na kumain. At hindi ako nagkamali dahil halatang halata sa bilis niyang kumain kung gaano kasarap ang Chicken Joy. Tapos sarap na sarap din siya sa softdrinks, nabitin pa sa isang baso kaya binigay ko na rin sa kanya yung softdrinks ko, total hindi naman ako mahilig doon. Habang kumakain at nagkukwentuhan bigla na lang tumunog ang cellphone ni Patricia. Nagkatinginan kaming tatlo. Binuksan ni Patricia ang kanyang phone at saka nagsalita. “Si Andrey. Tumatawag na siya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD