Hindi nagtagal umalis na rin si Mama papunta sa kanyang trabaho. Samantala tulog pa rin sina Patricia at Benson. Napatingin ako sa kanila at napahikab. Nakakainggit naman ang himbing ng tulog nila. Dahil feeling ko mamaya pa ang gising nila, minabuti kong humiga ulit sa tabi ni Vicente para umidlip. Tamang tama nakakaramdam na ulit ako ng antok. Nag-set ako ng alarm, mga 8:30.
Nagbukas din ako ng music para mas mabilis antukin. Pinatugtog ko ang kanta ng E-heads at habang pinapakinggan ko ito e para bang nagpa-flash back ang pagkikita naming kagabi ni Solidad.
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay, na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay. Naninigas ang aking…*>
“SOLIDAD!!!!” sigaw na umalingawngaw sa loob n gaming bahay na dahilan para magising kaming lahat. Bumalikwas ako sa pagkakahiga. Napansin kong nagising din si Patricia. Sunod kong tinignan si Vicente, at saka ko lang na-realize na siya pala ang sumigaw.
“Ayos ka lang ba Vicente?” pag-uusisa ko. Grabe sumakit ulo ko sa gulat. Naudlot ang tulog ko. Bago pa lang yata ako nahihimbing.
“Pasensya na kayo. Nagkaroon ako ng masamang panaginip.” Si Vicente na naghahabol ng hininga.
Kumikirot man ang ulo, mabilis akong kumuha ng tubig lalo na’t napansing kong namumutla si Vicente. “Oh uminom ka muna.”
Agad niya itong tinungga. “Salamat Ginoong Benson.”
Napangiwit ako sa sinabi niya. Akala ko kasi hindi na niya ako tatawagin ng ganun katulad kay Patricia. “Ano? Ayos ka na ba?”
Tumango siya pero halata pa rin ang pagkabalisa. Hinaplos ni Patricia ang likod niya para tulungang pabilisin ang paggaan ng pakiramdam.
Mayamaya pa, naging okay na rin si Vicente. “Kailangan ko nang makabalik sa panahon ko. Nag-aalala ako kay Solidad, napanaginipan ko siya.”
“Ano bang panaginip mo at napasigaw ka?” pag-uusisa ko.
Tumungo ito at hindi magawang makatingin sa amin. “Napanaginipan ko siyang…”
Huminga siya nang malalim at saka nagpatuloy sa pagsasalita.
“Napanaginipan ko siyang binababoy ni Itchiro. Ginahasa siya ng sundalong Hapon nay un.”
“Wag mo nang isipin yan Vicente. Hindi naman siguro yun nagkatotoo.” Si Patricia na pilit na pinapagaan ang pakiramdam ng binata.
“Paano mo naman nasabi?” pabulong nitong tanong.
Natigilan si Patricia at napatingin sa kawalan. Feeling ko ba ay nag-iisip siya. At tama ako dahil bigla na lang siyang sumagot.
“Kasi…wala namang nabanggit na ganun si Lola Soli sa kanyang diary? Wala siyang masamang nasabi tungkol kay Lolo bukod sa hindi niya ito gusto. At saka alam mo ba na hindi nagtagal ang relasyon nila ni Lolo Itchiro?”
Dahil sa sinabi ni Patricia, para bang nabuhayan ng loob si Vicente. Inusisa niya itong maiigi. “Pa–paano? Bakit? A—anong nangyari?”
Napabuntong hininga si Patricia at para bang sa kanya naman lumipat ang lungkot ni Vicente. “Ahmm…hindi na kasi nakabalik si Lolo after sumabak sa gyera noong World War 2”
“Natalo ang mga Hapon sa ikalawang digmaan?!” gulat na gulat na sambit ni Vicente,
“Oo, dahil yun sa pagtutulungan ng mga Pilipino at Amerikano.”
“May magandang kinahinatnan ang pag-aaklas namin?” mahinang tanong ni Vicente habang nakatulala na parang ini-imagine ang mga kaganapan noong World War 2. Si Patricia naman napataas ang isang kilay dahil sa sinabi niya.
Gerilya kaya siya? Kaya niya nasabi yun? “Anong ibig mong sabihin Vicente? Isa ka bang gerilya?”
Nakangiti siyang sumagot. “Oo, paano nyo nalaman ang tungkol sa amin?” WOAAAAAH!!! Astiiiiig!
“Ano ka ba Vicente? Pinag-aaralan kaya naming kayo sa school. Sa subject na history…sa kasaysayan ba.” Napansin ko ang pagngiti ng kanyang mga labi at feeling ko rin e medyo maluluha siya.
“Ayos ka lang ba Vicente?” Si Patricia na nahalata rin yata ang expression ni Vicente.
Tamango ito at kumurap-kurap para mawala ang nagbabadyang luha. “Ayos lang ako. Natutuwa lang marahil.
Naalala ko kasi ang mga kasamahan kong nagbuwis ng buhay sa pakikidigma. Panigurado akong masaya rin sila dahil hindi nasayang ang kanilang buhay. Hindi man nila naabutan ang kalayaan. Ang mahalaga nakamit natin ito…at ito ngayon, tinatamasa ng mga sumunod na salin-lahi, gaya ninyo.”
“Kaya salamat Vicente. Salamat kasi hindi kayo sumuko…” Gusto ko siyang interview-hin. Grabe! Naku-curious ako sa mga pinagdaanan nila dati. Kaso wala ng time.
“Wala yun. Maiba ako, hahayo na ba tayo? Kailangan na nating bumalik sa abandonadong bahay. Maliwanag na.” Si Vicente. Pakiramdam ko bumalik ang determinasyon niya dahil sa nalaman. Medyo masigla na siya kumpara sa kagabi.
“Wag kang mag-alala, maagap pa naman…” sagot ko sabay kuha ang phone para tignan ang oras. 9:00.
WHAT?!!! Alas nuebe na?!!! Paano?! E di ba kapipikit ko pa lang? Napanigipan ko lang si Solidad tapos 9 na agad. Magdadalawang oras na akong tulog? Bakit ganoon?
Muling kumirot ang ulo ko. Mukha ngang nakatulog ako, ang sakit ng ulo ko e. Bitin sa tuloh. “…tanghali na pala! Tara, maggayak na tayo.”
“Pero mas mabuti kung kumain muna tayo para kahit papaano e may energy tayo. Ayo slang ba Vicente.”
Nagdadalawang isip si Vicente kaso nakaramdam yata ng gutom dahil napansin ko ang paghawak sa tiyan kaya naman um-agree siya sa suggestion ko.
“Benson, makikigamit ako ng CR habang nagluluto ka okay lang ba?” Si Patricia na dala ang bag niya. “Wait? Si mother mo ba, gising na?”
“ Hayss…Kanina pa, nakaalis na,” sagot ko ng may awkward na ngiti.
“Hala nakakahiya, nakita niya kaming natutulog dito?”
Natatawa ako sa reaction niya. Namumula pa ang pisngi. “Oo, pero dontya worry. Mabait yun, pagluto ko nga daw kayo. At saka pinakilala ko na naman kayo sa kanya, siya lang ang di nyo nakilala. Hehe!”
“Grabe naman,” sambit ni Patricia habang iniimagine ang scenario kanina habang tulog sila at nandito si Mama.
“May damit ka bang dala?”
“Oo, nandito sa bag ko,” sambit niya sabay taas ang bag. Halata naman sa size, feeling ko nga may dala siyang aparador.
Hindi nagtagal e tumuloy na si Patricia sa CR, ako naman ay naghanda ng makakain.
At si Vicente ito, nakaupo lang sa dinning at inabutan ko ng kape. Sarap na sarap siya sa 3 in 1. Salabat lang daw kasi ang madalas nilang inumin.
Habang nagluluto, nagkaroon ako ng chance na makakwentuhan si Vicente. Sinulit ko ang pag-interview sa kanya tungkol sa past. At sobrang nakaka-amaze lang lalo na’t lahat ng naa-absorb ko ay mula sa mismong nakaranas hindi lang galing sa libro. Nalaman ko rin kung gaano kasimple ang buhay ngayon kumpara ngayon na unti-unti ng nagiging high tech ang lahat. Hanggang pagkain, kinukwento ko pa rin si Vicente. Si Patricia naman tahimik lang na nakikinig pero halat rin ang pagka-amaze dahil sa hindi mapigil na ngiti.
Matapos mag-almusal. Ako naman ang sumunod na maligo. Si Vicente wala sanang balak maligo pero nang ipakita ko sa kanya ang gripo at yung shower, na-curious na rin siya at sinubukan ito. At habang nagbibihis nasabi niya na ang swerte raw naming kasi unlimited ang tubig naming kumpara sa kanila na kailangan pang igib pa sa balon.
Nang makapaggayak na kaming lahat, dumeritso na agad kami papunta sa abandonadong bahay. Sa daan may nakasalubong kaming mga taong may dalang bulaklak at teddy bear. Ramdam na ramdam ang Valentine’s sa atmosphere.
“Ano meron?” nakangiting tanong ni Vicente habang nakatingin sa mga taong naghahanda para sa kani-kanilang date mamaya.
“Araw ng mga puso. Tuwing ganito, uso ang bigayan ng bulaklak at regalo sa kanilang mga jowa-jowa,” natatawa kong sambit.
Kumunot ang noo ni Vicente.
“Jowa-jowa?”
“Katipan. Basta araw ng mga magkasintahan ganoon,” sambit ko habang kumakamot sa ulo. Pwede ring araw na magpapaalala sa ‘yong single ka. Napasulyap ako kay Patricia busy lang siya sa pagkukutingting sa kanyang phone. Busy sa pagreresearch. Hindi ko sinasadyang mapangiti. Cute naman niya parang walang kapaki-paki sa Valentine’s.
Mayamaya pa, narating na naming ang abandonadong bahay. May isang oras din ang itinagal naming sa loob pero tulad kagabi, wala pa rin kaming napala. Medyo nawawalan na namn ng pag-asa ni Vicente hanggang may maaalala si Patricia na pwedeng makatulong sa amin. Tinawagan niya ito kaso walang nasagot. Nasa ibang bansa daw kasi ito. Para kahit papaano ay ma-cheer up si Vicente may naisip akong suggestion.
“Patricia, mabuti pa habang hinihintay natin yang contacts mo punta muna tayo sa Mall. Ipasyal natin si Vicente, para pag nakabalik na siya sa panahon niya at least kahit papaano, nasulit niya ang pagbisita dito sa panahon natin.”
Tumingin si Patricia kay Vicente. “Ayos lang ba sa ‘yo yung Vicente? Maglibot-libot muna tayo habang hinihintay natin itong kakilala ko?”
Dahil wala namang ibang choice pumayag na rin si Vicente.
“Ayos lang naman. Tara…”