Kabanata 8

1938 Words
“Saglit lang Vicente, pwede bang ‘wag mo na ‘kong tawaging binibini, naiilang kasi ako. Lalo na’t naiisip ko na mas matanda ka pa yata sa Lola ko,” sambit ni Patricia na may pilit na ngiti. Samantala napangiti rin naman si Benson nang malaman na hindi lang pala siya ang naiilang. “Paumanhin sa aking inaasta, hindi ko lang talaga maarok na hindi gumalang sa mas nakatatanda sa akin. Dahil kung tutuusin, mas matanda naman talaga kayo sa akin, isinilang nga lang ako sa lumang panahon, Kaya marahil ay naiilang kayo,” katuwiran ng binata. “O ‘sya ayos lang. Basta huwag mo na kong tawaging binibini kahit Patricia na lang. Ayos lang ba?” Tumango si Vicente bilang pagsang-ayon. Matapos noon ay nagbitaw ng joke si Patricia para asarin si Benson. “Yan si Benson ang tawagin mong Ginoong Benson, ayos lang sa kanya.” “Ha-Ha!” iritable sagot nito ngunit ilang segundo lang ay hindi rin napigilang matawa. “Teka Patricia! Paano pala kung totoo na konektado ang lahat. Paano kung sa pagbalik sa nakaraan ni Vicente ay maapektuhan ang future o itong present. Ano nang mangyayari?” “Kaya nga, paano kung matuloy ang pagtatanan namin ni Solidad? Paniguradong hindi sila ikakasal at hindi ipapanganak si Lola May mo, ang nanay mo at pati na rin ikaw,” sabat naman ni Vicente. “Tama kayo! At kung ganun ngang wala ako, wala rin tayo rito in the first place. Wala ring tutulong kay Vicente na makabalik siya sa nakaraan. Kaya tuloy ang kasal at mag-e-exist kami nina Mama at Lola May. Dahil nabuhay ako matutulungan kita at mauulit na naman ang lahat. PAAAAARADOOOOOX!” sambit ng dalaga na sinundan ng tawa na parang nasisiraan ng bait. “Huwag na kasi kayong mag-isip ng kung anu-ano. Tiwala lang, malay ninyo tayo ang kauna-unahang makasagot ng magulong concept na ‘to. Eh ‘di nanalo pa tayo ng Novel Prize? Kung ako sa inyo ipanalangin ninyo na totoo ang Parallel Universe para happy ang lahat,” ngumiti lang siya at tumingin kay Vicente. “Tulad nga ng sinabi ko kanina, kung mangyayari ang isang bagay magaganap ito at walang makakahadlang. Kaya think positive lang okay?” “Think…pasi..ano?” Si Vicente. Napangiti lang si Benson at sumabat. “Think positive, ibig-sabihin ‘wag kang mag-isip ng mga negatibo o masasamang bagay.” Naniningkit namang humingi ng tawad si Patricia dahil sa pag-eEnglish niya. Mabilis na lumipas ang oras. Pasado alas tres na ng madaling araw. Kalahating tasa na rin ang kapeng iniinom ni Patricia. Si Vicente naman ay nabawasan na ang pag-aalala dahil siguro sa pagkalibang sa panunuod ng TV. Mayamaya pa ay isinara na ni Patricia ang kanyang laptop. Kinuha na rin niya ang Diary at itinabi sa loob ng bag. Tapos isinauli na niya ang broadband kay Benson. “Wala na akong makita. Ang hirap talagang ipaliwanag ng nangyaring ito. Hindi sapat ang mga scientific references na nababasa sa internet, eh.” “So ano’ng plano natin?” tanong ng seryosong si Benson. Itinulak ni Patricia ang salamin sa mata gamit ang hintuturo at saka nagsalita.“Mabuti pa pumunta tayo sa abandonadong bahay, baka sakaling nandoon ang kasagutan.” Subalit binasag ito ni Benson. “Sige, pero oks lang ba kung mag-intay na tayo ng liwanag? Umidlip muna tayo. Antok na antok na ako e.” Tumingin si Patricia kay Vicente para tanungin ang binate kung ayos lang ang suggestion ni Benson. Ngunit natawa na lang ang dalawa nang makita na tulog na pala ito sa panunuod ng TV. *** Benson Habang tulo laway sa pagtulog may naririnig akong boses. Isang familiar na boses. “Benson? Benson?” Hindi ko ito pinansin lalo na’t feeling ko e napakahigpit ng yakap ang unan ko sa aking ulo tapos idagdag pa itong mata ko na ayaw paistorbo sa pagpikit. “Benson? Anak, gising.” Patuloy lang ang mahinang boses sa pagtawag sa akin hanggang sa ma-realize ko na si Mama pala yun. Mabilis na dumilat ang mata ko at bumalikwas na kala mo’y may lindol. “Oh anak? Kalma!” Si Mama na nagulat din dahil sa inasta ko. “Sorry Ma,” sagot ko habang nag-aalis ng muta sa mata at nagpupunas ng laway. Feeling ko tulog pa ang katawan ko e… Maingat lang na nagmamasid si Mama. Tinitignan niya sina Patricia at Vicente. Sunod noon e nagtanong siya gamit ang mahinang boses. “Sino ang mga yan , anak?” “Si Patricia at Vicente Ma, bago kong kaibigan,” sagot ko habang humikab pa. “Taga-saan sila?” pag-uusisa pa nito. “Mahabang kwento Ma. Sorry pala Mama kung di na kita ginising kagabi, alam ko kasing maagap pa ang pasok mo ngayon. Kanina lang naman silang madaling araw dumating. Nakitulog lang, mamaya aalis na rin.” “Sige anak, ikaw nang bahala dito sa bahay ha? Ako ay maggagayak na, papasok na ako.” Ngumiti naman ako bilang tugon. Muli kong ibinagsak ang sarili sa higaan para muling umidlip. Napatingin ako sa ulunan ko, sa mahabang sofa. Hindi ko sinasadyang mapatitig sa maamong mukha ni Patricia. Wiw! Sana ako rin may maayos na hitsura pag tulog. Sobrang ganda pa rin niya. Hindi makatarungan ito. Sunod naman akong sumulyap ay kay Vicente. Katabi ko siya, naglatag kami sa sahig at tulad kanina, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot. Kawawa naman siya. Siguro kung ako ang nasa katayuan niya baka nabaliw na ako. Sana lang…sana lang talaga matulungan naming siya. Binuksan ko ang aking cellphone, Alas sais na pala. Nagbukas ako ng social media para saktan at inggitin ang sarili dahil sa makikitang sweet couples na binabati ang isa’t isa ng Happy Valentine’s day. As usual, kanya-kanya silang patalbugan. Scroll lang ako ng scroll halos pare-parehas lang naman sila ng sinasabi. Hangang may nakita akong post ni Nathalie, picture ito ng pregnancy test…Pregnancy Test na may POSITIVE RESULT. Medyo kinabahan ako, agad kong inalis ang phone sa aking paningin at tumulala sa kisame. Huminga ako nang malalim at binalikan ang post niya. Mas lumakas at bumilis ang kabog sa aking dibdib nang makita ang pagkahaba niyang post. Nagdadalawang isip man binasa ko pa rin ito. Oh my G!! Diyos ko Lord!!! Totoo ba ito? Kaya pala laging mainit ang ulo ko, tapos madalas pa akong mahilo. Hindi ako makapaniwalang… See More Pinindot ko ang “See More” para basahin ang kabuoan nito. Oh my G!! Diyos ko Lord!!! Totoo ba ito? Kaya pala laging mainit ang ulo ko, tapos madalas pa akong mahilo. Hindi ako makapaniwalang buntis ako. Hindi ko ito inaasahan buong akala ko delay lang talaga ako…pero dahil nandito ka na, don’t worry kakayanin ni Mommy. Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. BUTIS SI NATHALIE?! PAANO?! KAILAN?! Napabalikwas ako at umupo sa higaan. Tuluyan na ngang bumilis ang t***k ng puso ko. At halos mawasak ang rib cage ko sa sobrang lakas ng kabog. KANINO?! SI—SINONG NA–NAKABUTIS SA KANYA? Mahirap man pero alam kong blessing ito. -1 Month Pregnant -Blessing -New family member There is no greater blessing than a having a baby Pregnancy Test Positive Gagi, tunay ba ‘to? Hindi ako makapaniwala. Hindi man namin hiniling pero dumating. Nakakaiyak sa sobrang saya. Medyo nakakakaba pero I’m so excited. Maagang Gift sa atin. #OneMonthPreggy #BlessingFromAbove #HappyMommy THERE’S NO GREATER BLESSING THAN HAVING A BABY. (((( Yung totoo hindi ko talaga alam kung kaninong picture to. Na-good time lang din ako ng isa kung friend. Hahaha! Sabi nila e i-copy paste ko lang daw para makagant sa iba. KUNG NALOKO MAN KITA BAWIAN KA NA LANG DIN SA IBA. HAHAHAHAHAHA! Bwesit!!! Prank lang pala yun. Nakakaasar! Akala ko naman tunay na. Ninerbyos ako ng sobra e. Akala ko naman nabuntis siya ng bago niya, kasi kung ganoon nga matagal na pala niya akong niloloko. Tsk! Tapos in-expect ko pa na posibleng sa akin yun. Kaya mas lalo akong kinabahan. Dahil sa nangyari, tuluyan na ngang nawala ang antok ko. Kaya naman minabuti kong bumangon na. Bwesit na Nathalie yan! Akala niya yata ay nakakatuwa ang mga ganung klaseng prank. Tss. Kung sino mang nagpasimula ng prank na yun? Grabe, sobrang toxic! At bakit ba tinatawag na blessing ang baby dahil lang sa dumating ito nang hindi handa o aksidente itong nabuo. Ano yun pampapalubag ng loob? Para lang masabi sa kanilang mga sarili na ayos lang mabuntis o makabuntis nang hindi handa kasi “Blessing yan”. Ano bang tingin nila bata, regalo na puro goods lang ang dala? Hindi ba nila naiisip na, tao yun. Isang conscious being na kapag hindi mo napunan ang pangangailangan e pwedeng mamatay. Isang nilalang na pag hindi mo na palaki ng maayos e posibleng makasama sa iba o sasarili niya mismo. Dyahe sa blessing, parang domesticated animals lang o kagamitan ah. Wala namang problema na i-consider itong blessing pero kung ginagamit mo lang na-excuse ang pagiging “Blessing” para ingatan at buhayin ito, mali yun! Dapat ang dahilan mo nang pagbuo ng anak ay dahil gusto at kayang buhayin, hindi dahil “Blessing” ito kaya naobliga kang tanggapin kahit ang totoo e ayaw mo naman talaga. At dahil umuulan ng rant sa utak ko pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape, pampakalma. Haysss…dami kong nasabi tuloy. Napa-OA ako dahil sa Nathalie na yan. “Oh anak, akala ko tulog ka ulit? Bakit ganyan ang hitsura mo? Mukhang papel na nilamukos.” Si Mama na katatapos lang maligo. “Wala Ma,” sambit ko sabay higop ng kape. “Gusto mo ba ng kape? Pagtitimpla kita.” “Ayun, sige anak, gusto ko yan. Na-miss ko pati ang timpla mo,” nakangiti niyang sagot habang nagtutuyo ng buhok. “Wag mo masyadong kainitan ang tubig ha? Para mainom ko kaagad, ako lang ay magbibihis.” Kumuha ako ng tasa at pinagtimpla siya nang kape. Matapos lagyan ng mainit na tubig at haluin, binantuan ko ito ng tubig tulad ng request niya. Si Mama talaga di pa rin nagbabago. Bata pa lang ako ganito magkape, gusto maligagam. Naalala ko dati pagtitimplahin ako ng mainit tapos din naman iinumin, hihintayin pang lumamig. Hayss… Bumalik ako sa pagkakaupo at muling nag-cellphone. At mayamaya lang e bumalik na si Mama na ngayon ay nagsusuklay. “Anak, kagabi pa yang asim sa mukha mo ah. Baka gusto mong i-share yang problema mo?” “Wala ito Ma, okay lang ako promise,” sambit ko na may pilit na ngiti. “Sure ka?” pahabol niya pa. Nginitian ko ulit siya pero this time hindi na pilit. “Hanga pala anak, may mga pagkain dyan ha? Ka-gogrocery ko lang naman noong isang araw, ikaw na bahala sa mga bisita mo. Kahit damihan mo na ang luto, ako lang naman ang kakain ng mga yan. Wala naman ako palagi dito sa bahay.” “Sige Ma. Half-day ka lang ngayon ano Ma? Saturday e.” Akitin ko pala siyang mag-food trip mamaya. “Hay naku anak, nabago na sched ko. Full time na kami pag Sabado kasi nire-renovate ngayon ang Municipal Library. E ako ang nagmomonitor ng mga libro at baka magkagulo.” “Yikes, sayang naman Ma. Magmemeriyenda sana tayo mamaya e. Valentine’s Day ngayon ah.” “Kaya nga e. Bukas na lang anak, day off ako. Mag-mall tayo, gusto ko sanang mag-shopping,” nakangiti niyang sagot sabay higop ng kape. Abaw! Kailan pa natuto ang nanay kung mag-shopping? Nakalimutan niya yata yung salitang “window “ ah. Matapos humigop, tuluyan na ni Mama itong ininom, as in buttoms up. Sabay sumulyap kina Patricia at Vicente na mahimbing pa ring natutulog sa sala. “Sila lang ang akitin. Yung babae, maganda siya. Bakit hinid siya ang i-date mo?” “Ma…baka marinig ka nila,” sambit ko habang pinanlalakihan siya ng mata. “Bakit? Hindi naman siguro niya katipan yung lalaki ano? Ang bata pa nyan? Magpinsan ba sila?” sambit ni Mama na parang tsismosa sa kanto. “Mama, hinaan mo naman yang boses mo. Nakakahiya baka marinig nila tayo. Ikaw ay maggayak na mag-aalas syete na oh,” sambit ko habang magkasalubong ang kilay. “Hala, oo nga ano? Sige anak ako’y magto-toothbrush na. Magme-make up pa nga pala ako.” Nagmamadali siyang pumunta sa banyo. Dinala niya ang tasa at iniwan sa lababo. Haysss…si Mama talaga daming alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD