Kabanata 7

2866 Words
“Vicente ayos ka lang ba?” Si Benson na pumuna sa aking pagiging tulala. Iwinasiwas ko ang aking ulo. “Oo ayos lang ako. ‘Wag kang mag-alala.” “Inom muna kayo,” alok ni Benson na may gagap na isang bote ng tubig at mga baso. “Benson, pwede bang coffee ang sa ‘kin?” sambit naman ni Patricia na abala sa paghahalungkat ng kaniyang mga gamit. “Sige, saglit lang,” sagot nito. Hindi ako tumugon sa alok ni Benson ngunit upang mabawasan ang pag-aalala hindi ako nahiyang uminom. Nang ilapat ko na ang baso at lumunok ng tubig napahinto ako dahil napakalamig nito. Tulad ng upuan, kakaibang pakiramdam din ang hatid ng malamig na tubig. Uminom ako ng sunod-sunod na parang uhaw na uhaw. Halos maubos ko ang isang boteng tubig kaya naman titig na titig sa akin si Patricia. Sumulyap ako sa kanya at napatitig, kahawig na kahawig niya talaga si Solidad lalo na kung aalisin niya ang bagay na nakalagay sa kaniyang mata. Ngunit may pagkakaiba sila sa buhok at kilos. Sa unang tingin, mukhang kasing edad ko lang siya ngunit base sa kanyang galaw, halata na may konting katandaan ito sa akin. Ganoon din si Benson, dahil sa payat niyang pangangatawan ay hindi halata ang kanyang pagiging maedad ngunit sa pagkilos ay kapansin-pansing magulang na rin ito. Sa kabilang dako, para sa akin kapansin-pansin ang kakaibang hitsura ng buhok ni Benson. Malago ang ibabaw ngunit bahagyang manipis ang tagiliran. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong klase ng gupit, walang ganiyon sa panahon namin. “Alam kong naguguluhan ka ngayon Vicente pero huwag ka masyadong mag-alala. Sabay-sabay nating iso-solve ang mistery na ito,” sambit ni Patricia na nakapansin sa aking pagiging balisa. Ilang sandali pa ay dumating na si Benson. May dala siyang isang tasa na inabot kay Patricia. Napansin niya ang pawis na namumuo sa aking noo kaya naman hinawakan niya ang isang bagay na nakatayo malapit sa upuan at itinapat sa ‘kin. Napataas ang balikat ko sa gulat nang umikot at nagbuga ito nang malakas na hangin. Maihahalintulad ito sa bagay na makikitang umiikot sa pakpak ng sasakyang panghimpapawid ng mga Hapon. “Kalma ka lang Vicente,” natatawa niyang sambit. “Mabuti pa manuod ka muna sa TV para hindi ka ma-stress.” Wala akong naintindihan sa kanyang sinabi. May dinampot siyang isang bagay na nakapatong sa babasaging lamesa at pinindot ito. Napabalikwas ako nang nagliwanag ang isang kahon na nakapatong sa malaking kaha at may narinig akong putukan ng baril. Sa tuwing makakarinig ako ng ganiyong ingay kagyat na tumitibok ang aking puso at nagiging agresibo. Lalo na at noong nakaraan lamang ay mga balitang muling nagbabalik daw ang mga Amerikano upang paalisin ang mga Hapon sa bansa. Sa pag-aakalang may giyera, lumundag ako at nagtago sa likod ng upuan. Huli na nang mapagtanto kong nasa hinaharap nga pala ako. “Vicente! Kalma lang, hindi iyon totoo. Pelikula lang ‘yon.” Wala mang naintindihan sa sinabi ni Benson ay pinilit ko pa ring pakalmahin ang aking kalooban. Muli akong umupo at nagmasid sa kahong iyon at dahil sa kyuryusidad nagtanong ako. “A–Ano ho ‘yan?” “TV ang tawag d’yan Vicente,” paliwanag ni Patricia. Namangha ako sa mga kakaibang imahen na makikita sa TV na iyon. Ngayon lang ako nakakita ng makukulay na larawan…at gumagalaw pa. Muling pinindot ni Benson ang kanyang hawak. At may isang imahen ng lalaki ang lumitaw sa TV na nakikipag-usap. “Sino siya?! Paano siya napunta diyan?!” “Huwag kang mag-alala Vicente wala talaga siya diyan,” sabi ni Benson. Nahinto siya ng sandali at nag-isip. “Ano ba ‘yan ang hirap ipaliwanag. Wala lang ‘yan, basta si Ryan Agoncillo siya.” Hindi ko na lang inusisa ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ngayon ay kung paano ako makakabalik sa aking panahon. Umaasa pa rin ako na maaabutan ko pa si Solidad kapag nakabalik ako doon. Para umpisahan ang usapan, sinimulan ko ng maganong. “Mayroon na ho ba kayong kahit kaunting hinuha kung paano ako makakabalik sa panahon ko?” Sa halip na magbigay ng sagot na makakabawas sa pag-aalala ko, tanong lang din ang binalik sa akin ni Patricia. “Bago ka namin sagutin, maaari mo bang ikwento sa amin ang buong detalye bago ka makarating dito?” Inilahad ni Vicente ang buong detalye ng kanyang pinagdaanan. Simula sa plano nila ni Solidad na pagtatanan, pag-uusap ni Tiyo Lando, pagpunta sa abandonadong bahay, misteryosong pagbabago ng labas nito hanggang sa makilala niya ang dalawa. Matapos magkwento ni Vicente, makikita sa kanyang mukha ang sobrang kalungkutan. Siguro nararamdaman pa rin niya ang sakit at pag-aalala sa tuwing sumasagi sa isip ang sinapit. “Ngayon, masasagot n’yo na po ba ang aking tanong?” paglilinaw niya. “Sandali lang ha? Bago ka namin sagutin...” sambit ni Patricia. Tumingin siya kay Benson. “Ahhm…Benson baka may pocket wifi ka d’yan paubos na ang load nitong sa ‘kin, eh.” “Ay sorry, wala eh. Pero may broadband ako.” “Wow ang bago ha?” Ang nakakaloko niyang sambit. “Sige okay na ‘yon.” Kumaripas ng takbo si Benson papunta sa kwarto at kinuha sa kanyang bag ang broadband. “Heto oh! Unlisurf ‘yan! Kaso parang pa-expired na mamaya. Dito ka na lang sa phone ko mag-internet pag naubos na ‘yong load.” Kinuha ito ni Patricia at isinaksak sa laptop. “Balik tayo sa tanong ni Vicente, may ideya ka na ba kung paano siya napadpad dito?” tanong ni Benson sa abalang si Patricia. “Alam mo Benson, simula nang mabasa ko ang Diary ni Lola tungkol sa ‘yo, nag-umpisa rin akong mag-research tungkol sa time travel. Marami akong nalaman pero hindi sapat ang mga ‘yun para ipaliwanag ang mystery na ito,” paliwanag niya. “Ayon sa mga scientist, possible daw ang mag-time travel papuntang future tulad ng nangyari kay Vicente. Pero…kailangan mo ring kumilos ng kasing bilis ng light, na approxiametly 300 million m/sec. Dahil base sa formula ng velocity, the more faster you are, the less time you will use.” “Wait lang Patricia, ang sakit naman sa eardrum ng mga pinagsasabi mo,” pagbibiro ni Benson habang nakakunot ang noo dahil sa totoo lang, wala siyang maintindihan. “Babawan lang natin ha? Ibig mo bang sabihin ay IMPOSIBLE pa sa ngayon na mangyari iyon?” “Tama, dahil una sa lahat kung tatakbo ka sa ganoong speed. Sarili mo mang katawan o matibay na machine ang gagamitin e for sure na mapu-pulvurized. Pero, possible ito…dahil kung hindi wala, sana si Vicente rito. But the problem is, hindi ko talaga ito ma-explain scientifically.” Napangiti si Benson sa gitna ng diskusyon dahil sa pagkabilib kay Patricia. Siguro kaya malabo ang mata nitong babaeng ‘to kasi mahilig siyang magbasa. Para sa akin, isa siya sa mga matalinong taong nakilala ko, sambit ng binata sa isip. “Bakit ka pangiti-ngiti d’yan?” tanong sa kanya ni Patricia habang nakakibit balikat. “Wa–wala!” pagkakaila naman niya. At para ibahin ang usapan tinanong niya ang nananahimik na si Vicente. “Maiba ako, Vicente pwede mo bang ikwento ‘yong mga nangyari sa abandonadong bahay. Wala ka man lang bang napansin o naramdamang kakaiba?” “Sa totoo lang, wala. Sa pagkakatanda ko, napakadilim sa labas nang pumasok ako sa abandonadong bahay. Hinanap ko si Solidad sa buong lugar pero wala akong makita hanggang sa may narinig akong kaluskos, na kayo pala ang dahilan. At nang sundan ko kayo palabas, ayun himalang nagbago ang lahat.” Humugot ng malalim na paghinga ang binata bago muling nagsalita. “Pasensya na kung wala akong napansing kakaiba, noong mga oras kasing ‘yon ay si Solidad lang ang laman ng isip ko.” “Eh Patricia, sa nangyari sa ‘min ni Solidad paano mo ‘yon mai-explain?” pahabol pang tanong ni Benson. “Nangyari bang?” sabat ni Vicente dahil sa maling pagkakaintindi sa tanong. “Ay mali ka ng iniisip. Ganito kasi. Kanina nang pumasok ako sa abandonadong bahay nakita ko si Soli at nang iwan ko siya wala namang kakaibang nangyari. Ang kaso naguluhan ako nang bumalik doon dahil imbes na si Solid e si Patricia ang bumungad. Tapos ayun ipinaliwanag ni Patricia na 1942 daw iyon nangyari. Basta ganoon,” paglilinaw ni Benson. Minarapat rin niyang ipabasa kay Vicente ang pahina ng Diary na may naglalaman ng tungkol sa kanilang pagtatagpo. Matapos magpaliwanagan ng dalawa, sinagot naman ni Patricia ang tanong ni Benson. “Alam mo Benson, confusing kasi ‘yong nangyari sa inyo dahil nagtagpo man kayo, parehas naman kayong nakabalik sa inyong sariling panahon. In the first place, di ko masasabing napunta sa future si Lola kasi wala na siyang ibang nabanggit sa Diary niya. At kung natatandaan mo napagkamalan ka pa niyang anghel di ba? Isa pa, hindi ko rin masasabing nag-time travel ka sa past dahil ayon sa mga scientist imposible raw ito.” “Bakit?” pag-uusisa ni Benson. Samantalang si Vicente naman ay halos magdugo na ang ilong dahil sobrang kaguluhan. “Ang pagta-time travel pabalik ay napakadelikado. Kung iisipin mo pwedeng mabago nito ang future. Isang halimbawa nito e, kunwari bumalik ka sa nakaraan at pinatay mo ang nanay mo bago ka pa isilang, sa kasong iyon hindi ka mabubuhay, and in the first place dahil wala ka, wala ring papatay sa nanay mo at dahil doon, mabubuhay ka naman at muli papatayin mo siya and so on. Paulit-ulit lang ang mangyayari, ito ang tinatawag na time paradox. Sinabi rin ni Stephen Hawking, na ang mismong Laws of Physics na ang nag-pe-prevent ng time travel. Kaya imposible talaga.” Napaisip si Benson sa mga sinabi ni Patricia. Sana pala ganoong mga bagay ang binabasa o pinapanood ko dati imbes na manuod ng Top 20 funniest video sa internet. Bahagya bumagsak ang balikat ni Vicente dahil sa narinig. Nangangahulugan ito na pinanghihinaan siya ng loob at napansin iyon ni Patricia. “Pero Vicente…ayon naman kay Albert Einstein posible na makabalik sa nakaraan gamit ang wormhole,” pagpapatuloy niya. “Ano naman ang wormhole?” interesadong tanong ni Benson. “Hindi ko na masyadong ipapaliwanag in scientific way ha? Para mas maintindihan ninyo. Basta sa pagkakaalam ko ang wormhole ay isang lagusan mula sa magkaibang panahon. Pwedeng sa present papuntang past o present papuntang future. Pero kasalukuyan pa itong pinag-aaralan dahil napakakumplikado nito. Bukod doon, nangangailangan din ito ng maraming kagamitan at energy kasi mahirap daw itong maging stable. Posible na may wormhole na nag-e-exist sa abandonadong bahay kaso tulad ng sinabi ko. Mahirap maging stable ito. Kaya hindi tayo sigurado. Ayun! Gets?” Natulala lang ang dalawang tagapakinig dahil sa dami ng mga nakakalulang salitang binitiwan ni Paticia. Hindi nila nagawang sumagot pa. Mistulang naiwang nakanganga ng kaunti ang kanilang mga bibig. “May tanong pa ba kayo?” naniningkit na sambit ni Patricia na para bang nagpapa-cute “Wala na!” sabay na tugon ng dalawa. Lumipas pa ang ilang minuto. Si Patricia ay patuloy lang sa pagse-search sa kanyang laptop para humanap ng kasagutan, si Benson naman ay nakatunghay lang habang nag-iisip samantalang si Vicente ay kinakalikot ang diary ng kanyang mahal. Mayamaya pa ay biglang nagsalita si Vicente. “Binibining Patricia, sadya bang may nawawalang pahina ang talaarawan ni Solidad?” Napangiwit si Patricia at namula ang mukha dahil sa awkward na naramdaman ng tawagin siyang binibini. Ipinakita ni Vicente sa dalawa ang kanyang napansin. Mayroong mga tira-tirang papel sa gilid ng notebook na possible ngang may missing page ang diary. Nasa pagitan ito ng Febuary 13 at 14, taong 1942. Pinabuklat ni Benson kay Vicente ang buong diary at napansin na hindi araw-araw nagsusulat si Solidad lalo na kung wala namang mahalagang bagay siyang ibinabahagi. Ngunit ni isa ay wala siyang napansing pilas na page, maliban sa isang iyon. “Baka naman nagkamali lang si Lola kaya niya pinilas. Kasi pansinin ninyo tama ang pagkakasunod ng araw. From Feb. 13 to 14, hindi naman pwedeng maligaw ang 15 sa gitna niyan ‘di ba?” paliwanag ni Patricia. Dahil may punto naman ang sinabi niya isinawalang bahala na lang nila iyon. Hiniram ni Benson ang Diary ng sandali. Pumunta siya sa last part nito. At napansin na nagtapos ang pagsususlat ni Solidad noong February 14, 1950. “Patricia, may idea ka ba kung bakit hindi na itinuloy ng lola mo ang pagsusulat?” “Iyong totoo Benson wala, eh. Pero sabi ni Lola May, nag-iisang anak ni Lola Solidad, nanay siya ni Mama. Dati raw parating nagsusulat ang Lola d’yan kaso bigla na lang daw ito huminto nang isang araw. Umaga noon, Febuary 14, 1950, dumating daw si Lola na pugto ang mata at hindi mapigilan ang pagluha. At simula rin daw noong araw na iyon hindi na nagsalita si Lola Solidad. Kaya nga naiingit ako sa inyo, kasi ako ni isang beses di ko narinig ang boses ni Lola.” “Eh, ang Mama mo ba may alam tungkol dito?” pag-uusisa pa ni Benson. “Wala eh, hindi kami masyadong nakakapagkwentuhan ni Mama. Minsan lang naman ako umuwi sa ‘min. Lagi akong nasa Quezon, doon ako nagtrabaho. Science Teacher nga pala ako kung hindi nyo naitatanong, kaso kare-resign ko lang. Gusto ko kasi ulit mag-aral. Nakaipon na naman ako kahit konti, kukuha ako ng Master’s Degree.” “Ahhh. Teacher ka pala, pwede mo bang turuan ang puso ko na magmahal ulit? O kaya ituro o na lang kung paano hindi masaktan pag gingago ka ng taong mahal mo,” pagbibiro ni Benson. Hindi sumagot si Patricia at para bang nandidiri ang kanyang reaksyon. Si Vicente naman ay napangiti ng nakakaloko. Para basagin ang atmosphere muli siyang nagtanong. “Anyway, saan mo ba nakuha itong Diary ni Soli?” “Actually may nakita akong maliit na baul sa isang room na tinambakan ng mga lumang gamit. Binuksan ko yan ang laman tsaka ilang personal na gamit ni Lola.” “Ah okay.” Hindi na kinulit pa ni Benson ang dalaga at hinayaan na itong magpatuloy sa pagla-laptop. Ipinatong ni Benson ang Diary sa lamesa. Napansin niya ang kaawa-awang si Vicente, halata sa mukha nito ang tamlay at hindi pa rin naaalis ang pangamba. “Vicente, ‘wag ka masyadong mag-alala. Tutulungan ka naming makabalik sa panahon mo. Pangako ‘yan.” “Eh kasi...” sambit nito habang nakatingin sa kawalan. “Ano ‘yon? Sabihin mo kung anong bumabagabag sa ‘yo.” Napahinto si Patricia sa kanyang ginagawa at sabay nilang pinakinggan si Vicente. “Sabi kasi ni Binibing Patricia mahirap ng bumalik sa nakaraan. Hindi kaya sinadya ng tadhana na mapunta ako rito, para lang mangyari ang lahat ng nangyari gaya ng mga nakasulat sa talaarawan ni Solidad? Bukod doon paano kung sa pagbalik ko ay mabago itong hinaharap.” Dinampot ni Vicente ang Diary at nagpatuloy sa pagsasalita. “Gaya ng nakasulat dito. Paano kung sa pagbalik ko magpumilit na sumama sa akin si Solidad. Maaring may magbago rin sa hinaharap at sa halip na ikinasal siya sa Hapon tulad ng nakasulat dito ay maaring mapalitan. Halimbawa ay tinakbuhan niya ang kanyang kasal dahil sa akin.” Muling nagsalita si Patricia para palakasin ang loob ng binatang nawawalan ng pag-asa. “Vicente, ‘wag mo nang isipin pa iyon. Marami pang theory ang hindi ko nabanggit. Isang halimbawa ang Parallel Universe, ayon dito hindi lang nag-iisa ang mundo sapagkat marami ito at nag-e-exist ito sa iba’t ibang universe. Ilan ito? Walang katapusang lang naman. Ilan sa mga mundo ay may pagkakatulad pero magkakaiba ng panahon. Sa aking pananaw gamit ang theory na ito, kung nag-time travel ka pabalik, hindi ka talaga literal na bumalik sa nakaraan bagkus ay napunta ka sa isang mundo na may pagkakatulad sa nakaraan ng mundo mo. Isa pa, maaari mo itong baguhin nang hindi naaapektuhan ang original na nangyari sa mundo mo, tulad ng hinaharap. Bakit? Dahil nga nasa ibang mundo ka. Ibig sabihin lang noon, hindi ka talaga taga rito. Taga ibang mundo ka na may posible pang ibang mangyari. Alternative reality kumbaga. Kaya ‘wag ka nang maalala pa.” Napansin ni Patricia ang pagbagsak ng panga nung dalawang binata lalo na ni Vicente na may pagsalubong pa ng kilay. “Sorry magulo ba ang explanation ko?” natatawa niyang sambit. “Ayon sa lahat ng iyong ibinahagi, ano ang iyong pinaniniwalaan?” tanong ni Vicente. Muling bumalik sa pagiging seryoso si Patricia. “Sa ngayon wala pa. Hindi pa kasi napapatunayan ang lahat ng ito. And I think ang kauna-unahang time travel na nagyari ay itong sa ‘yo. At kung ito nga, hindi pa natin ito masasagot dahil nanatili pa rin itong malaking misteryo at palaisipan. Pero bilang sagot sa tanong mo, naniniwala ako na kung itinakdang mangyari ang isang bagay, mangyayari at mangyayari ito at walang makakahadlang, ‘Yun.” Napasulyap muli si Vicente sa talaarawan. “Salamat Binibining Patricia.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD