Benson Bago dumirestso sa abandona dong bahay, nagpasya kaming tatlo na dumaan muna sa bahay nina Solidad. Gusto kasing ipakita ni Patricia ang hitsura nito kay Vicente. At para na rin malaman ko kung saan maaaring bisitahin si Patricia. Nanguna siya sa paglalakad dahil siya lang ang nakakaalam ng daan papunta sa kanila. May kalayuan ang lugar nina Solidad mula sa bahay namin, halos 20 minutes na kaming naglalakad pero hindi pa rin nagpapakita ng sign si Patricia na malapit kami sa aming pupuntahan. Medyo nakaramdam agad ako ng pagod sa sobrang layo. Parang balewala yung dinner ah. Bakit nga ba hindi na lang kami nag-commut? “Andito na tayo.” Si Patricia na nakaturo sa isang bahay. Haysss…mabuti naman. Ito na pala ang bahay nina Solidad. Pinagmasdan ko itong maigi. Halatang luma na ito

