Patricia “Wait lang ha? Sagutin ko lang,” paalam ko kina Vicente at Benson sabay diretso sa may Rest room para sagutin ang tumatawag sa aking cellphone. “Hi Andrey! Musta?” “Hello Ate Pat, okay lang naman. Ikaw? Napataawag ka yata, may problema ba?” bungad niya mula sa kabilang linya. “Ay wala naman. Gusto ko lang sanang malaman kung kailan ka hindi busy. Kailangan kasi kitang makausap. Magtatanong-tanong lang naman ako, ” sambit ko habang naka-cross finger. Sana ngayon siya free… “Mga ilang oras ba Ate? Matagal ba?” “Kahit mga 15 minutes siguro. Ganoon…” “Ay ngayon na Ate, wala naman akong gagawin ngayon. Magbabasa lang naman ako, kagigising ko lang kanina e.” YOWN!!! Salamat sa Universe, sumang-ayon ka rin. “Talaga?” nahihiya ko pang tanong. “Yes Ate. Ano ba yun?” Para hindi

