Malakas na hampas ang inabot ng binata sa kanya dahil sa huling sinabi nito. "Puro ka kalokohan!" sabi niya dito. "Abot mo nga damit ko! Kuha mo din ako ng bagong undies. Lalo akong lalamigin nito," utos niya dito. Walang abog-abog na sumunod ito sa kanya. Tumayo ito, tinungo ang maliit niyang closet at naghanap ng maisusuot niya. Natawa pa siya nang ito pa ang nagsuot ng kanyang underwear. "Ako na. Nakakahiya," "Ako ang nagtanggal, baby. Di ako din ang magsusuot," sabi nito habang maingat na isinusuot nito sa kanya ang hawak na underwear. Maaga siyang nagising kinabukasan para magluto ng kanilang agahan. Parang kailangan na niyang pag-aralan kung paano ba pagsilbihan ang binata. Sabay din silang pumasok ng opisina. As usual, pinagtitinginan na naman sila. Wala lang sa binata