Pagdating sa kwarto ng binata ay saka nalaglag ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Bakit ganun ang sakit? Paano na sila ng magiging anak nila? Paano kung matutuloy nga ang kasal ni Eli at Elise? Ang buong akala niya ay okay na sila. Nagtalakubong siya ng kumot habang patuloy sa pag-iyak. Nanunuot ang lamig ng aircon ng kwarto ng binata kaya bumangon ulit siya para hininaan ito. Lamig at panginginig ang nararamdaman niya ng mga sumunod na minuto. Lalo niyang ibinalot ang comforter ng binata sa katawan niya at dinaganan ang mga naka-awang para hindi pumasok ang lamig. Patuloy pa ring umaagos ang luha niya. Naging emosyonal na siya. Konting bagay lang, big deal na sa kanya. Dahil siguro sa pagbubuntis niya. Hihintayin niyang sabihin ng binata sa kanya ang totoo. Gusto niyang marinig an