Hinatid siya ni Eli sa opisina niya kinalunesan. Nagulat pa ang assistant sa kanya pagkakita sa kanya. Nginitian niya lang ito at dumerecho na sa opisina niya. Alam niyang nakasunod lang ang binata sa kanya. Nakita niya sa kanyang peripheral vision ang pag-upo nito sa couch na nasa gitna ng opisina niya. Pinagcross nito ang mga legs at itinuon ang tingin sa kanya. Hinubad niya ang coat niya at isinabit iyon. Nakatunghay pa rin sa kanya ang binata habang binubuksan niya ang computer. Nagpunas din siya sa ng alikabok sa mesa niya. "Hindi ka pa ba aalis?" may himig na pagtataboy niya rito ng sulyapan ito. "Gusto mo na ba akong umalis?" malungkot na tanong nito at tumitig pa sa kanya. "Malelate ka na," sabi niya na lang niya at hindi pinansin ang tanong nito. Bihira niya itong kausapi