“Elise is dying...” Natigilan si Maia sa paglalagay ng mga damit niya sa closet. Narito sila ngayon sa kuwarto ni Eli. Pagkatapos ng nangyari kanina sa dalampasigan ay pinilit siya ni Eli na dito tumuloy sa resort nila. Hindi niya akalaing dalawang kanto lang ang layo mula kila Jessa ang resort ng mga Davis. Tumingin siya sa binata. Nangingilid ang mga luha nito. Pero tumulo din pagkuwan. Pinunasan nito ang luhang pumatak gamit ang kamay. “She has chronic heart disease. Matagal na. Hindi niya kasi sineryoso ang sabi ng doctor noong magpacheck up siya kaya umabot ng ganito. Ang sabi niya sa akin nag-umpisa iyon noong pinaghiwalay sila ni William ng kanyang mga magulang. Hindi mo makakakitaan si Elise noon na may sakit kasi laging masaya. Simpleng bagay lang matatawa. Magaling siyang mag