Kakatapos lang maligo ni Maia nang pumasok si Eli sa kuwarto niya. Sabado ngayon. Parehas silang walang pasok. Narito na naman ang binata. Gaya ng mga nakaraan binabaliwala niya lang ito. Hangga't di bumubuka ang labi nito at hindi nagpapaliwanag sa lahat-lahat ay patuloy siyang magmamatigas. Taliwas kasi sa mga sinasabi nito ang mga ginagawa nito. Isa pang katanungan niya ay kung bakit hindi nito sinasabi sa magulang nito na wala na sila. At matutuloy na ang kasal nito at ni Elise. Naupo ang binata sa kama niya at matamang pinapanuod lang siya nito. Nagsusuklay siya noon ng mahabang buhok ng magsalita ito. "I'll be leaving for a week," mahinang sabi nito. Napatigil siya sa pagsusuklay at tumingin sa binata sa pamamagitan ng salamin. Nakatitig pala ito sa kanya. "Kay Elise