DAWN: "Anong nangyayare?" Kaagad na tanong ko sa doctor. "Bakit? Bakit hindi n'ya maramdaman ang mga binti n'ya?" Kasalukuyang nagpapahinga si Liu. Nasa labas kami mismo ng silid kung saan ito nagpapahinga. "Maybe it's because of the side effect." Natigilan ako sa sinabi nito. Ibig bang sabihin ay posibleng gumagana na ang artificial blood? Gusto kong matuwa. Ngunit ang makita s'ya sa ganoong kalagayan ay parang pinupunit ang puso ko. Iyon ba talaga ang gusto mo Liu? Kahit malumpo ka pa muli basta't maging tao ka lang? Umalis muna saglit si Dr. Lin at naiwan naman akong nakaupo sa tapat mismo ng silid ni Liu. Gusto ko sanang makapagpahinga na muna ito dahil sa mga nagdaang araw na halos hindi s'ya makatulog. Napayuko na lamang ako at napahilot sa 'king batok at balikat. Nakaramdam ako