Halos magpuyos sa galit ang kalooban ni Eva dahil sa kawalang hiyaan ng kanyang asawa. Talagang nagawa pa nitong manggulo sa paglikibing niya sa kanilang anak. Akala mo kung sinong mabuting lalaki na gustong maging ama, hindi talaga siya natutuwa sa ginawa nito. Kanina lamang sa ospital ipinamukha nito sa kanya ang tungkol sa mag-ina nito, ngayon gusto namang ayusin ang sa kanila. Kung hindi ba naman talaga ito sira ulo. Buti na lang iginalang ng kanyang Kuya ang pagdadalamhati niya sa pagkawala ng kanyang anak. Kung hindi baka napahamak na si Audrix sa kamay ng mga ito. Lalo na sa kanyang tatay na ngayon nga ay tumaas ang blood pressure dahil sa kawalang hiyaan ni Audrix. Kung siya ay nais gumanti dito at nais niyang masaktan din ito gaya ng ginawa nito sa kanya. Pero hindi kasi s