bc

MARTYR SERIES #1: Luha ni Eva (SPG)

book_age18+
3.6K
FOLLOW
30.6K
READ
family
HE
heir/heiress
drama
bxg
scary
loser
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

"Congratulation Mr, tatlong buwan na ang ipinagbubuntis ng asawa ninyo!" masayang anunsyo ng Doktor sa kanyang asawa na noo'y nasa loob ng isang silid kasama ito at ang babaeng nakahiga na sinasabing asawa daw ng kanyang asawa. Nanginig ang kanyang mga tuhod sa anunsyong iyon ng doctor, tila namanhid ang kanyang buong katawan. Agad na namalisbis ang masaganang luha sa makinis niyang pisngi. Tumingin siya sa maliit na karton na nasa kanyang mga kamay na naglalaman ng fetus, awang-awa siya sa kanyang anak. Ang tatlong buwan niyang anak na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang kagandahan ng mundo. Napakasakit para sa kanya na mawala ang kanyang baby na hindi manlang nalaman ng ama nito ang tungkol dito. At ang mas masakit pa, natuklasan pa niya sa mismong araw ng pagkawala nito ang tungkol sa kalaguyo ng kanyang asawa na buntis din pala at kasing edad pa ng anak nila.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Masayang mukha ng asawa ni Evangeline ang kanyang nasilayan habang inaanunsyo ng doktor na three months old na ang ipinagbubuntis ng babaeng kasama nito sa loob ng silid. Habang siya ay hilam ang mga mata sa luha, hindi niya matanggap ang natuklasan. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Kitang-kita niya sa mga mata ng kanyang asawa na si Audrix ang kasiyahan. Nakangiti pa ito sa babaeng hindi niya mapagsino dahil nakasilip lamang siya sa siwang ng sliding door na hindi maayos naisara kanina pagpasok ng kanyang mahal na asawa. Lumuluhang nakatingin siya sa maliit na box na hawak-hawak na naglalaman ng fetus. Anak nila ni Audrix na hindi na nito nalaman dahil ilang buwan na itong hindi umuuwi ng kanilang bahay. At nakipaghiwalay na nga siya dito ng tuluyan. Akala niya ay okey na siya, akala niya ay kaya na niya pero ngayong nakikita niya ang kasiyahan sa mukha ng asawa. Parang biglang gumuho na naman ang mundo niya. Parang may nag-uudyok sa kanya na mag-eskandalo sa loob ng ospital na iyon. Komprontahin ang kanyang asawa pati na ang babae nitong kinahuhumalingan pero wala na siyang lakas ng mga sandaling iyon. Nakunan siya, at sa mismong araw din na iyon mas ninais niyang lumabas ng ospital matapos niyang raspahin dahil pakiramdam niya ay mas mamamatay siya kapag nasa loob ng ospital. Pero hindi niya akaling makikita doon ang pinakamamahal niyang asawa. Habang naghihitay siya sa waiting area ng ospital kay Dianne, ang kaibigan niyang nagdala sa kanya sa ospital. Nakita niya ni Audrix, iiwas sana siya pero huli na dahil nakita na din siya nito. Lumabas ito ng silid na iyon, akala niya napansin manlang nito ang itsura niya. Namumutla, nangangalumata at higit sa lahat halatang may sakit siya pero halos ikadurog ng kanyang puso ng sa paglapit nito sa kanya. Naniningkit ang mata nito sa galit, animo nagbabanta at tila inis na inis ng makita siya. Mahigpit siyang napakapit sa kinalalagyan ng fetus na anak nila. Tila doon siya kumukuha ng lakas para hindi siya bumigay. "Anong ginagawa mo dito?! Sarap na talaga ng buhay mo ngayon ah, pagala-gala ka na lang! Umuwi ka na! Bilisan mo, baka makita ka ng ina ng anak ko magalit pa sa'kin iyon!" galit na wika nito sa kanya. Mahina iyon pero madiin ang bawat pagbigkas nito. Lumikot din ang mga mata nito at tila natatakot na makita ng kung sinong kasama nito sa loob ng silid na iyon na kausap siya nito. Gusto niyang magtanong dito, nais niyang alamin bakit nasa loob ito ng ob-gyne? Nais din niyang itanong dito kung bakit bigla-bigla na lamang itong hindi umuwi sa bahay nila? Pero ang lahat ng iyon ay hindi niya kayang itanong dito, nasa kanyang isipan lamang niya ang lahat ng katanungang iyon. Parang nais niyang sabunutan ang sarili, bakit ngayong kaharap na niya ito tiklop na naman siya? Bakit kailangang maapektuhan pa rin siya ng mga sinasabi nito. "S-Sinamahan ko lang si Dianne na magpa-check up," sagot niya dito. Pero ang totoo, kaya hindi rin siya makapagsalita ng maayos dahil pinipigilan niya ang maiyak sa harapan nito. "Dami mong kaartehan! Umuwi ka na! Pati mga kasambahay pinaalis mo, para ano? Para patirahin ang buong angkan mo sa pamamahay ko! At-At iyong walang hiyang lalaking kayakap mo sa bayan!"" singhal pa nito sa kanya. Halata ang galit sa mga mata nito, talaga palang nagtutungo ito ng palihim sa bahay nila. Pero bakit? At para saan pa? Sa bawat katagang binibitiwan nito, parang punyal na tumatarak iyon sa kanyang puso. Pinaalis lamang naman niya ang mga kasambahay dahil ayaw niyang masilayan ng mga ito kung gaano siya kalugmok noon. Naka-survive naman na siya eh, kaya na nga niya. Akala niya okey na s'ya pero ngayong wala na ang kanyang baby ng dahil lamang din sa kahayupan ng kanyang asawa. Pakiramdam na naman niya ay ayaw na niyang mabuhay pa, at talaga pinapamukha pa nito sa kanya ang sinasabi nitong ina ng magiging anak nito. Hindi nga niya alam kung ano na nga ba ang estado ng pagsasama nilang dalawa. Gusto niyang tanungin ito, komprontahin dahil sa mga pinaparanas nito sa kanya. Nais niya ng closure, iyon bang kahit manlang malaman niya kung ano ba talagang ang nais nito. Pero wala, kapag kaharap niya ito palagi lamang siyang natatameme. Nauunahan siya ng takot, hindi siya nakakapagsalita o nakakapagtanong man lang, akala niya okey na sya. Pero hindi pa pala, nasasaktan pa rin siya kahit na noong nakaraan ay malakas ang loob niyang tuluyan ng putulin ang ugnayan nila. Hindi na niya ito kilala, parang hindi na ito ang Audrix na minahal niya ng sobra-sobra. Pero may pakiramdam siyang, may tinatago ang lalaki sa kanya. At ngayon nakita nga niya ito dito sa ospital, sa ob-gyne, ayaw niyang mag-isip ng negative. Hindi kayang tanggapin ng kanyang isipan ang malinaw na kahulugan niyon. Na nabuntis na nito ang walang hiyang babaeng iyon, na naibigay ng babaeng iyon ang matagal na nitong inaasam. Pero nabuntis din naman siya eh, naibigay din niya ang nais nito. Pero nawala lang ng dahil sa kawalanghiyaan nito sa kanya. Tumalikod na sa kanya si Audrix. at bago pa ito muling pumasok sa loob ng ob-gyne room ay pinukol pa siya nito ng galit na tingin. Nang makapasok ito, tila tinutulak siya ng paa na sundan ito kaya naman ngayon nasa may sliding door na siya ng silid na iyon. Kitang-kita niya ang asawa dahil hindi nito gaanong naisara ang pinto at doon na nga niya narinig ang anunsyo ng Doktor na, tatlong buwan na nga daw ang nasa sinapupunan ng babae na tinawag pa nga ng doktor na asawa ng kanyang asawa. Halos madurog ang kanyang puso sa narinig. "B-Baby, a-anak ko..." aniya habang nakatitig sa karton na kanyang hawak-hawak. Three months na din ang baby nila, pano iyon nagawa sa kanya ni Audrix? Minahal naman niya ito, pinaglingkuran at ibinigay ang lahat, papano nito nagawang magloko pa na halos ito na nga lang ang ginawa niyang mundo. Ngayon nagbubunyi ito dahil sa anak sa kabet nito na hindi niya makita dahil natatakpan ng kurtina ang kinahihigaan nito sa loob ng silid. Nasisiyahan ito sa balita ng doktor pero hindi nito alam na ito rin ang araw na nawala ang kanilang panganay. Napakasakit isipin na hindi manlang siya nito nagawang tingnan, ni hindi nito napansin ang itsura niya, hindi nito napansin na may dinadamdam siya. Hindi manlang nito nagawang tanungin kung ano ang laman ng karton na kanyang hawak-hawak. Gano'n na ba ito kamanhid? Ito pa ba ang lalaking sinamba niya at ginawa niyang mundo sa loob ng tatlong taon? Ito pa ang galit dahil nasa ospital siya. Pakiramdam niya ay may libo-libong punyal ngayon ang paulit-ulit na tumutusok sa kanyang puso. Patuloy lamang sa pag-agos ang kanyang luha, pinagtitinginan na siya ng mga taong nandoroon pero hindi na niya alintana iyon. Akala niya kahit papano nabigyan na niya ito ng leksyon, pero hindi pala. Para bang mas binigyan pa niya ito ng kalayaan sa paghahayin niya ng annulment. Ngayon siguradong hindi na ito tatanggi, at mukhang tuluyan na ngang matatapos ang ugnayan nilang dalawa. Mahigpit niyang niyakap ang karton na naglalaman ng kanyang baby. Punong-puno ng galit ang kanyang puso, galit, pagkasuklam at lungkot para sa kanyang anak. Dahil hindi man lang niya namalayan na buntis pala siya, na hindi man lang niya naalagaan ito. At dahil sa pagkalugmok niya dahil sa ginawa ni Audrix, nadamay pa ang isang napakagandang regalo sana sa kanya ng nasa itaas. Kahit tila walang lakas ang kanyang tuhod pinilit niyang lumayo sa lugar na iyon. Hindi na niya hinintay ang kanyang kaibigang si Dianne, ang nasa isipan na lamang niya ng mga sandaling iyon ay makalayo sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan tuluyang gumuho ang kanyang mundo. END OF PROLOGUE

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
79.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
106.1K
bc

I'M HIS SEX SLAVE

read
5.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
306.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
10.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
47.9K
bc

The Real About My Husband

read
31.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook