112.602K
VISITORS
7.78K

ABOUT ME

"There is no greater agony than bearing an untold story inside you." ~ Maya Angelou Isa lang din ako sa mga taong nangangarap na maging isang ganap na writer. Ang pagsusulat ang naging way ko para takasan ang realidad. Ate Sanggol ang ginamit kong pen name dahil may malalim na dahilan ang lahat. Ang Sanggol ay nickname ko na gustong-gusto kong maririnig mula sa isang lalaking pinakamamahal ko, yon ay aking ama na sumakabilang buhay na. Miss na miss ko na ang paraan ng pagbigkas niya ng palayaw ko na yan, miss na miss ko na kung paano niya ako tawagin na Sanggol. Miss na miss ko na ang Papa ko. Miss ko na kapag sinasabi nya " Yo hoo Sanggol andito na kami " minsan ginagawa pa nyang " tanggol" kaya naman kahit dito manlang marinig ko na yan ang tawag sakin ng lahat. Pero kahit ganon kasi, kahit sobrang dami pang tao ang tumawag sakin ng " Sanggol" kaylanma'y hinding-hindi mapapantayan niyan ang boses ng aking ama,ang boses na palaging hinahanap-hanap ng puso ko. Sobrang love na love kita Papa at miss na miss na po kita. Sana gabayan mo ako sa landas na tinatahak ko ngayon, kahit wala kana alam kong andiyan ka pa rin gumagabay sakin. Sana magustuhan nyo ang mga kwentong nakatakda kong ibahagi sa inyo. Maraming Salamat.

ABOUT ME

"There is no greater agony than bearing an untold story inside you." ~ Maya Angelou Isa lang din ako sa mga taong nangangarap na maging isang ganap na writer. Ang pagsusulat ang naging way ko para takasan ang realidad. Ate Sanggol ang ginamit kong pen name dahil may malalim na dahilan ang lahat. Ang Sanggol ay nickname ko na gustong-gusto kong maririnig mula sa isang lalaking pinakamamahal ko, yon ay aking ama na sumakabilang buhay na. Miss na miss ko na ang paraan ng pagbigkas niya ng palayaw ko na yan, miss na miss ko na kung paano niya ako tawagin na Sanggol. Miss na miss ko na ang Papa ko. Miss ko na kapag sinasabi nya " Yo hoo Sanggol andito na kami " minsan ginagawa pa nyang " tanggol" kaya naman kahit dito manlang marinig ko na yan ang tawag sakin ng lahat. Pero kahit ganon kasi, kahit sobrang dami pang tao ang tumawag sakin ng " Sanggol" kaylanma'y hinding-hindi mapapantayan niyan ang boses ng aking ama,ang boses na palaging hinahanap-hanap ng puso ko. Sobrang love na love kita Papa at miss na miss na po kita. Sana gabayan mo ako sa landas na tinatahak ko ngayon, kahit wala kana alam kong andiyan ka pa rin gumagabay sakin. Sana magustuhan nyo ang mga kwentong nakatakda kong ibahagi sa inyo. Maraming Salamat.
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Ate Sanggol

DEVIL INSIDE ME ( A Nymphomaniac Story )

DEVIL INSIDE ME ( A Nymphomaniac Story )

49.696K Reads

# WARNING : R-18 Tuluyang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Cedrick ng makita ang lalaking hubo't-hubad sa labas ng kanilang terrace. Habang ang kanyang mahal na asawa naman ay nasa isang sulok ng kanilang bahay, hubo't-hubad habang walang tigil sa pag-iyak. Malinaw na muli nanamang nagkasala sa kanya ang kanyang mahal. Parang nais niyang pumatay ng tao ng mga sandaling iyon. Ilang beses na ba nitong nagawa iyon sa kanya? Halos gabi-gabing iniyakan niya ng palihim ang kaalamang nagkasala ito sa kanya. Napakaraming beses ng halos ikamatay niya kapag sinusumpong si Janna ng sakit nito, handa siyang magpagamit dito, handa siyang punan ang pangangailangan nito kahit hindi na siya masaya, kahit nasasaktan na siya ng sobra. Ngunit heto pa rin siya, nagawa nanaman nitong hanapin ang bagay na iyon sa iba. Pero kahit ganon, handa pa rin siyang manatili sa tabi ng babaeng pinakamamahal niya kahit na paulit-ulit nitong dinudurog at yinuyurakan ang kanyang buong pagkatao. Pero may magagawa pa ba siya? Ito ang nais niya, ang makasama habang buhay ang babaeng ni minsan ay hindi niya naging pag-aari. Oo at masasabi niyang pag-aari niya ang puso at isipan nito ngunit hindi ang katawan nito. Dahil may kakaibang uri ng sakit ang nagpapahirap dito, ang sakit ng pagiging NYMPHOMANIAC. Hanggang kaylan makakaya ni Cedrick na magtiis sa piling ni Janna? Mananaig kaya ang wagas niyang pag-ibig para sa babae o mawawalan ng saysay ang lahat ng paghihirap niya? Tunghayan ang kanilang kwento.

Updated at

Read
THE LOCKDOWN (SPG)-FREE

THE LOCKDOWN (SPG)-FREE

5.392K Reads

Isang uri ng virus ang kumakalat sa Sitio Uno. Isang virus na nagpapahirap at pumupuksa sa mga taong naninirahan doon. Nagdeklara ng lockdown ang Kapitan ng Sitio, hindi ito napaghandaan ng lahat kaya naman halos lahat ng naninirahan doon ay hindi nakapag imbak ng pagkain para sa mahigit isang buwang lockdown. Lahat ng naninirahan sa Sitio ay pawang naghihikahos sa buhay, liban sa isang taong ubod ng yaman na naghahari-harian sa lugar na iyon. Ang mayaman, tuso, gahaman, mapagsamantala, hayok sa laman at ubod ng samang si Don Eliazer. Handa daw siyang tumulong sa kanyang nasasakupan, ngunit may kapalit ang lahat. Ang lahat ng babaeng hihingi ng pagkain ay kailangang paligayahin muna siya sa pamamagitan ng pag-alay ng sarili nito sa Don at ang mga kalalakihan naman ay kailangang makipagpatayan muna bago nito makukuha ang nais nitong pagkain. Ano ang gagawin ng mga taga Sitio Uno kapag nalaman nilang si Don Eliazer ang siyang may pakana ng virus? Mapigilan kaya nila ang virus sa paglaganap sa lugar? Tunghayan ang kanilang kwento.

Updated at

Read
MARRYING MY STRANGER UNCLE

MARRYING MY STRANGER UNCLE

909 Reads

WARNING: RATED SPG "Asawa kita, hindi ka prostitute," wika ng lalaking pinili ng mga magulang ni Alondra na maging asawa niya. Napakunot noo naman siya, hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin dahil na rin siguro magulo ang isip niya ng mga sandaling iyon. Syempre kahit sino naman ang nasa kalagayan niya, mawawala din sa sarili. Biruin mo ipakasal ka ba naman ng mga magulang mo, sa isang taong hinding-hindi mo maiisip na mapapangasawa mo, at ang masaklap pa, kanina lang din niya nalaman ang lahat sa mismong araw ng kasal niya. Ipinakasal siya kay Hendrick Flores, ang pinsan ng kanyang Mama na itinuturing niyang Uncle. Hindi kasi ito malapit sa kanila, lalo pa at ubod ito ng sungit. First night nila ngayon, kanina pa niya iniisip ang bagay na iyon, paano niya masisikmurang makipag-s*x dito? "Kapag pinilit kitang angkinin ngayong gabi, wala ka ng ipinagkaiba sa isang prostitute. Kaya naisip ko na hingin ang bagay na iyan kapag ready kana. Kapag gusto na nating dalawa. At sa araw na iyon natitiyak ko na, I will make love to my wife, not having s*x with a stranger," seryosong wika nitong muli sa kanya. Siya naman ay awtomatikong napaangat ang mukha, awang ang mga labing napatitig sa asawa. Ngayon lang niya ito napagmasdan ng husto, parang ibang Uncle Hendrick ang kaharap niya ngayon. Wala ang masungit at laging nakakunot ang noo na awra nito. Isa pang ipinagtataka niya, bakit mukhang hindi siya nito nakikilala? "Stranger? Papano pa akong naging stranger para sa kanya? Limot na ba niya kung papano niya ako singhalan noong family reunion? Hindi kaya... Hindi kaya may sakit siya?!" naguguluhang bulong sa sarili. "Bye, wife." paalam nito, sabay halik sa kanyang noo bago tuluyang lumabas sa kanyang silid. Naiwan naman siyang natitigilan.

Updated at

Read
A TASTE OF SIN

A TASTE OF SIN

5.596K Reads

WARNING: This book is rated 18+, read at your own risk! "Buntisin mo ang asawa ko, kapalit ng dalawang milyon," walang paligoy na wika ni Solomon sa kanyang driver na si Gabriel. Walang paligoy pero ang bawat salitang binitiwan niya ay tila matatalim na punyal na paulit-ulit na tumutusok sa kanyang puso. Wala na siyang maisip pang paraan, kundi gawin ang bagay na sa tingin ng iba ay kabaliwan, pero ito lamang ang nag-iisang alam niyang paraan para hindi siya tuluyang iwan ng kanyang mahal. Limang taon ng nagsasama ng maligaya at matiwasay ang mag-asawang Solomon at Carlota. Ngunit nitong mga huling buwan napapansin niyang nagbabago na si Carlota, napapansin niyang tila nawawala na ang pagmamahal nito sa kanya. Kahit ang dating masayang pakikitungo nito sa kanya ay tila nawala na rin. May hinala na siya kong bakit ito nagkakaganon, dahil iyon sa nag-iisang bagay na hindi niya dito kayang maipagkaloob, at iyon ay ang anak. Ano ang magiging dulot ng desisyong ito ni Solomon? Ikabubuti nga ba ng pagsasama nilang mag-asawa o ito ang magiging dahilan ng tuluyang pagkawasak ng kanyang pamilya?

Updated at

Read
EPIDEMYA (FREE)

EPIDEMYA (FREE)

79 Reads

Kadalasang laman ng usap-usapan ng mga taga Isla Berde ang misteryosong pagkawala ng mga dayuhang nagbabakasyon sa kanilang Isla. Maging ang ilang mangingisdang napadpad sa isang parte ng kanilang Isla ay misteryosong naglaho din. Kaya simula noon ang tahimik at payapang Isla ay kinatatakutan na ngayon. Si Roman Galvez, may kakayahan siyang makakita ng hindi nakikita ng normal na tao. Susubukan niyang tuklasin ang hiwagang bumabalot sa Islang ito kasabay ang paghahanap niya sa nawawala niyang kasintahan, na kasamang naglaho ng mga kaibigan nito. Ano kaya ang sanhi ng pagkawala ng mga ito? Matuklasan kaya ni Roman ang misteryong bumabalot sa Isla? Sabay-sabay po nating tuklasin ang Misteryoso ng Isla Berde.

Updated at

Read
SITIO SINAKULO

SITIO SINAKULO

5.534K Reads

Halos maglabasan ang ugat sa leeg ni Jovannie dahil sa galit ng pabalang na sagutin siya ng kanyang bayaw, asawa ng nakababata niyang kapatid na si Lyka. Nagtungo kasi siya sa Sitio Sinakulo para lamang sunduin ito dahil sa kahilingan ng kanilang Ina na may taning na ang buhay. "Kahit anong mangyari isasama ko si Lyka pabalik ng Manila!" mariing wika niya kahit pa tumanggi na ang lalaki. "Hindi aalis si Lyka dito! Isa pa mamamatay na rin naman ang Nanay nyo! Wala na syang magagawa pa don!" tila nagliliyab sa galit na sagot nito sa kanya. "Aba't tarantado kang hayop ka!" sa sobrang galit ni Jovannie nasuntok niya sa mukha ang bayaw. Ngunit laking panghihilakbot niya ng matalupan ang parte ng panga nitong tinamaan ng kanyang kamao. Naglaglagan doon ang mga uod na puti na tila sarap na sarap sa pagkain ng laman sa panga nito. Tila demonyo itong ngumisi sa kanya. Ngunit mas lalo siyang kinilabutan ng unti-unting bumalik sa dati ang mukha nito. Nanlalaki ang matang nakatingin lang siya dito, kahit nais niyang kumaripas ng takbo hindi niya magawa. Tila nawalan ng lakas ang kanyang mga paa ng oras na iyon. "Ngunit kung mahal mo talaga ang iyong Ina, dalhin mo sya dito sa SITIO SINAKULO! Dito mabubuhay siya kahit ilang daang taon pa! Bwahahaha!" wika nitong muli, sinabayan pa ng halakhak na tila sa isang demonyo na lalo namang nagpatindig ng kanyang balahibo.

Updated at

Read
DUGO NG MINAMAHAL - (FREE)

DUGO NG MINAMAHAL - (FREE)

365 Reads

Isang kilala at mayamang angkan ang pamilya Del Frio sa bayan ng San Miguel. Kilalang mababait at matulungin ang mga ito. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may itinatagong sikreto ang pamilyang ito. Sila ay kampon ng kadiliman! Sila ay nabibilang sa lahing ASWANG! Si Khalil ang nag-iisang anak ng mag-asawang Del Frio.Hindi nya masikmura ang sumpang ito sa kanilang pamilya kaya nagpakalayo-layo sya upang matakasan ang sumpa. Ngunit dumating na ang takdang panahon! Sa ayaw at sa gusto ni Khalil ay mapapasakanya ang sumpang taglay ng kanyang angkan. Ang sumpa ng pagiging ASWANG! Ngunit may paraan pa, mawawala ang sumpa sa pamamagitan ng pagkain ng puso at pagpaligo ng dugo ng babaeng kanyang pinakamamahal. Ano ang mananaig kay Khalil? Ang wagas na pag-ibig o ang kagustuhang makawala sa sumpa?

Updated at

Read
ONE SHOT STORIES ( FREE )

ONE SHOT STORIES ( FREE )

2.944K Reads

"Ang PAGSISI ay laging nasa HULI." Tunghayan ang iba't-ibang kwento magbibigay aral sa lahat ng mambabasa. Maiksi man ang mga kwento, sigurado namang mapapaluha kayo at magbibigay sa inyo ng aral ang bawat kwentong inyong mababasa.

Updated at

Read
BUNSO ( My Unexpected Love ) Completed & FREE

BUNSO ( My Unexpected Love ) Completed & FREE

9.177K Reads

" Hinding-hindi ako maiinlove sa bata! Never! Ayoko talaga! Kaya Bunso, kapag nainlove ka kay Ate pasensyahan tayo iiwan talaga kita! " Iyan ang parati kong sinasabi sa batang makulit na nakilala ko sa online. Hindi kami tunay na magkadugo pero minahal ko siya bilang isang tunay na kapatid na akala ko ay hanggang doon lang. Ngunit hindi ko akalain na kakainin ko pala lahat ng aking mga sinabi dahil natuklasan ko nalang na Si Ate pala ay inlove na kay Bunso.

Updated at

Read
TAONG GRASA ( Completed ) - FREE

TAONG GRASA ( Completed ) - FREE

2.259K Reads

"Taong grasa lang po ako, hindi po ako hayop. Tao rin naman po ako, may damdamin, nasasaktan, nahihirapan at nagdurusa," umiiyak na pahayag ni Bagnus ang taong grasang pinagmamalupitan palagi ni Aling Tyeding.

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.