bc

PERHAPS LOVE ( Sequel of Sinful Heart Book 2 )

book_age18+
3.4K
FOLLOW
13.1K
READ
friends to lovers
playboy
independent
drama
tragedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

#WARNING: This book is rated 18+, read at your own risk!

"Mahal mo ako? Nagka-amnesia kana yata Jayson! Pokpok ako! POKPOK! Naiintindihan mo?!" tila napipikon na sabi ni Leslie.

"Ano kung hindi ka malinis na babae? Ano naman kung nagtatrabaho ka sa bar? Ang importante, mahal kita at wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao," madamdaming pahayag ni Jayson.

Ngumisi si Leslie. Tsaka sinimulang hubarin ang lahat ng saplot nito. Tsaka humiga sa ibabaw ng kama.

"Alam ko na ito lang ang gusto mo Jayson, katulad ng napakaraming lalaking nagbabayad ng mahal para lang matikman ang alindog na ito. Halika, libre kong ibibigay sayo ang serbisyo ko," mapang-akit na pahayag nito.

Naikuyom naman ni Jayson ang kanyang kamao at lumakad siya palapit dito. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit nito at iniabot iyon sa babae.

"Magbihis ka, hindi ako katulad ng iniisip mo. Hindi katawan mo ang habol ko, kundi ang pag-ibig mo. Minsan na akong nabigo sa pag-ibig. Ngunit ngayon sisiguraduhin kong hindi na ako mabibigo dahil hindi ko mapapahintulutang mawala ka pa sa akin Leslie," medyo mataas ang boses na sabi ni Jayson dito.

Natigilan naman si Leslie sa mga sinabi ni Jayson. Ito palang kasi ang kauna-unahang lalaking tumanggi sa kanyang inaalok na kaluwalhatian. Bigla siyang napaluha, sa kanyang mga mata mababanaag ang pagkalito, kaligayahan at pangamba.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Gwapo nya! Hindi kaya jowa sya ni Cha? Hmmm, type!” tili ni Leslie sa sarili. Nagtungo siya sa ospital dahil naisugod dito ang Nanay ni Charlotte. Si Charlotte ang kanyang bestfriend na para na rin niyang kapatid. Mahal na mahal niya ito at alam niyang mahal din siya nito. Simula kasi pagkabata sila na ang magkaramay sa lahat ng oras. Kaya ng tawagan siya ni Charlotte kanina, nagkukumahog siya na magtungo sa hospital. Agad namang naiyak ang kanyang bestfriend ng makita siya. Damang-dama niya ang paghihirap nito. Sinabi kasi nito ang naging resulta ng examinition ng Nanay nito. At napag-alamang COPD( Chronic Obstructive Pulmonary Diseases) pala ang sakit nito. Mahaba-habang gamutan ang sakit na ito at malaking halaga ang kakailanganin para masimulan ang agarang gamutan. Kung marami nga lamang siyang pera hindi siya mangingiming ipagamot nalang ang Nanay nito. Mahal na mahal niya ang kaibigan kaya ayaw niya talaga itong nahihirapan. Alam niya ang hirap ng pinagdadaanan nito, at ito lang din ang nakakaalam ng lahat ng kanyang pinagdadaanan. Ito lang ang nakakaintindi sa kanya sa kabila ng klase ng kanyang trabaho. Sa lahat, siya ay napakasamang babae, pokpok, mababang uri, parausan, nagbebenta ng aliw sa mga kalalakihan at walang kwenta. Pero sa mata ni Charlotte, siya ay malinis, mabuting kaibigan, mapagmahal na kapatid, mapagmahal na anak at may kapakinabangan. Oo alam niya na kahit hindi nito aminin sa kanya, ayaw nito sa klase ng trabahong meron siya pero ano ba naman ang magagawa ng isang high school graduate na katulad niya. Siya lamang ang inaasahan ng pamilya niya dahil parehas na sakitin ang kanyang Tatay at Nanay tapos nag aaral pa ang kanyang tatlong kapatid. Kaya kahit na ayaw din niya ang trabaho,wala siyang choice kundi ang patusin ang trabahong ito. Para lamang matustusan niya ang pangangailangan ng kanyang magulang at mga kapatid. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na siya na muna ang bahala sa Inay nito. May ibinigay kasi sya ditong raket, malaki sana ang bayad sa kanya kaya lang ibinigay nalang niya sa kaibigan dahil nga nais nitong maipagamot ang Inay nito na may sakit. Marami pa naman siyang raket na pwede pagkakitaan, mas kelangan kasi nito ang pera ngayon. Napansin niyang napatingin ang gwapong lalaki na kasama ni Charlotte sa kanila. Napansin niya na tila may kakaibang lambong ang mata nito habang nakatuon sa kanyang kaibigan. "Hayyy! Confirm, inlove nga ang mukong kay Cha," napapailing na sabi niya sa sarili. "Sayang crush ko pa naman sana sya," muli niyang sabi sa sarili. Sabagay hindi naman nakakapagtaka na magkagusto ito kay Charlotte maganda ang kanyang bestfriend kahit pa nga hindi ito magmake up ay alagang labas na labas ang kagandahan nito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili na kahit kailan ay hindi niya naramdaman lalo pa at si Charlotte na kanyang bestfriend ang dahilan. Si Jayson naman, natutuwa siyang pagmasdan ang dalawang magkaibigan habang nag uusap ang mga ito lalo pa si Charlotte, ewan niya kung bakit ayaw niyang nakikitang nalulungkot ito. Nalipat ang tingin niya sa kaibigan nito na kausap, na noo'y nakatingin pala sa kanya. Huling-huli niya ito, tila naman nahihiyang itong umiwas ng tingin sa kanya. Maganda sana ang babae pero sa klase ng pananamit nito alam niya na mababang klase ito ng babae. At tiyak niyang tama ang kanyang hinala sa kung anuman ang totoong trabaho nito. Hindi niya lubos maisip na may kaibigan pala si Chatlotte na ganitong klase ng babae. Halos wala ng matakpan sa suot nitong damit. Halos makita na ang kuyukot nito at nakahantad naman ang malulusog nitong dibdib. Hindi kalayuan ang kanyang kinatatayuan sa mga ito kaya nakikita niya ang bahagyang paggalaw ng sexy nitong cleavage kapag tumatawa ito. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pinagpawisan siya bigla. "Sh*t Jayson! Umandar nanaman yang kaadikan mo sa cleavage! P*ta, nakita mo na ang babaeng hinahanap mo kaya naman magtino ka na!" galit na suway niya sa sarili. Aminado siya na malaro siya sa babae, lalo pa at talagang ang kanyang kahinaan ay cleavage. Iyon bang may malalim na tila kali sa pagitan ng malulusog na dalawang umbok nito. At iyon na yata ang tila nakaagaw ng pansin sa kanyang mga mata. Dahil ang katangian na iyon ay taglay ng kaibigan ni Charlotte. Naipilig niya ang ulo, kung anu-ano pa ang kanyang naiisip nagkakaganon na nga si Charlotte. Alam niya sa kanyang sarili na ito ang nag-iisang babaeng nanainisin niyang iharap sa simbahan. Sabihin man na kakikilala pa lamang niya dito kanina. Sigurado siya na nainlove na agad siya dito. Matapos ang ilang sandali, nagpaalam na siya kay Charlotte dahil kailangan na niyang bumalik sa kanyang bakeshop. Bago siya tuluyang lumabas ng hospital muli niyang pinasimplehang sulyapan si Leslie na noo'y nakayuko animo parang may pinapagpag sa damit kaya naman mas lalong nahantad ang dibdib nito sa kanya. Tila parang nakaramdam siya ng init sa katawan ng mga sandaling iyon. Kaya naman tumalikod na siya, ngunit sumunod si Charlotte sa kaniya na ikinatuwa talaga ni Jayson ng sobra. Dahil doon nakuha niya ang cellphone number nito. Samantala, napapaisip naman si Leslie kung bakit tinatablan yata siya ng hiya kapag nakatitig sa kanya si Jayson. Hindi kasi siya ganon, kaya niyang makipagtitigan o makipaglaro sa lahat ng kalalakihan. Nang makabalik si Charlotte, tinanong niya kung sino ang lalaking iyon at sinabi naman nito na iyon ang nagmagandang loob sa kanila na ihatid sila sa ospital ng Inay nito. Tinudyo naman niya ito dito pero naasar lamang ang kanyang bestfriend sa kanya. Natuloy na nga ang papasukang trabaho ni Charlotte kaya isang buwan itong mawawala. Siya ang umako ng lahat ng responsibilidad nito. Sa gabi pumapasok siya sa club at sa umaga, sa ospital na siya tumutuloy para asikasuhin ang mga kakailanganin ng Inay ni Charlotte, at kapag okay na ang lahat uuwi siya saglit sa bahay ng mga ito para makatulog ng konti dahil kailangan niya ng lakas para sa trabaho niya sa gabi, ang kanyang nakababatang kapatid ang kanyang katuwang. Ilang beses na ding nagtungo doon si Jayson, para dalawin ang Inay ni Charlotte at syempre nagbabakasali din itong makita ang kanyang bestfriend. Sa ilang pagtatagpo nila, nananatiling malamig pa rin sila sa isa't-isa. Isang gabi nasa isang bar si Jayson, nagtungo siya doon para magpakalango sa alak. Natuklasan kasi niya na si Charlotte pala ang babaeng ikinukwento ng kanyang bestfriend na si Denver sa kanya. Ang babaeng siya mismo ang naghire para lamang matulungan ang kanyang bestfriend na maibalik ang kakisigan nito sa larangan ng pakikipagtalik. Ngunit malay ba niya na si Charlotte ang darating at hindi ang babaeng kanyang mismong inupahan para sa trabahong iyon. Sige lang siya sa pagtungga ng alak na iniinom. Nang biglang nagkaingay ang mga kalalakihang nandoroon. Kasabay niyon ang paglabas ng isang sexyng babae sa entablado ng bar na iyon. Napakasexy nito sa suot na pulang sexy push up bra na lace kaya naman hindi rin naitatago noon ang dapat sanay tinatakpan noon. Ganon din ang panty nitong suot na g-string ang design at lace din partner ng sexy bra nito. At may suot pa itong maskara na may balahibo ng manok na lalong nakapagpalakas ng dating nito. Nagsigawan ang mga kalalakihan na nasa loob ng magsimulang pumailanlang ang maharot na awitin na sinasabayan naman ng sexyng pagiling ng babaeng nasa entablado. Noong una parang wala lamang sa kanya ang babae, hinahayaan lamang niya ito dahil ukopado ang kanyang isipan ng babaeng nais niyang iharap sa dambana. Ngunit agad na napakunot ang noo niya ng dahan-dahang inalis ng babae ang maskara nito. "Leslie?!" gulat na sabi niya sa sarili. Pinagmasdan pa niya itong muli at doon niya natiyak na hindi siya nagkakamali. Tuluyan ng nawala ang kanyang atensyon sa alak. Hindi niya mapigilan ngunit talagang tila namamagneto siya dito. Napakaganda nitong pagmasdan habang maharot na sinasabayan ang musika. Nakapagkit din ang napakagandang ngiti nito sa mga labi, at isa pang agaw pansin sa kanya ay ang napakagandang hubog ng katawan nito. Ang dibdib nitong malulusog at ang tila may kaling nasa pagitan ng dalawang umbok nito. Biglang tila nag init ang kanyang pakiramdam. Pinagpawisan siya ng butil-butil dahil may sumasagi sa isip niya ng mga sandaling iyon. Iyong bagay na iyon ang hinding-hindi niya pinapalampas kapag may nakakatalik siyang babae. Kaya naman ang malaking dibdib nito at malalim nitong cleavage ay lalo lamang nagpalala ng kanyang nararamdaman. Ilang beses na rin niya itong nakausap o nakasalamuha manlang pero never pa siya nakaramdam na humanga dito lalo pa at nakatuon ang atensyon niya kay Charlotte. Umupo ito sa isang upuan at doon gumiling-giling at marahang ibinuka ang mahahaba at makinis nitong hita. Halos mabaliw naman ang mga kalalakihang nandoroon. "P*ta! Hubarin mo na yan! Nakakagigil ka Rosa! Ipakita mo na ang rosas na yan samin! Wag mo na kaming patakamin!" hiyaw ng isang lalaki na halatang lasing na. "Rosa! Nakakainlove ka! Sige, ibuka mo pa! Ipakita mo pa ang alindog mo sakin!" hiyaw pa ng isa. "Tang*na Rosa! Handa kong iwan ang pamilya ko, maging akin ka lang! Matikman ko lang ang alindog na iyan!" sigaw pa ng isa. Ewan ni Jayson kong bakit parang nais niyang pagsasapakin ang mga kalalakihang sumigaw, parang nais niyang magwala ng oras na iyon. Muli siyang tumingin sa patuloy pa ring sumasayaw na si Leslie at sa pagkakataong iyon ay marahan na nitong inaalis ang hook ng suot niyong sexy bra. Napalunok siya ng wala sa oras, animo kapana-panabik ang bawat sandali para sa kanya. "Gag* ka Jayson! Wag mong sabihing nasasabik ka rin na makita ang malulusog niyang dibdib?! Tado ka! Bestfriend yan ng mahal mo!" inis na suway niya sa sarili. Ngunit tila namamagneto ang kanyang mga mata na patuloy lamang namamanghang pinagmamasdan ito. Matagal na siyang nagtutungo sa bar na ito ngunit ngayon lang niya nakita dito si Leslie o baka naman di lang niya ito napapansin. Ganap na nitong natanggal ang suot nitong sexy bra at tanging braso na lang nito ang nagsisilbing takip ng malusog nitong dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang sarili dahil parang nais niyang takbuhin ito sa entablado at isuot dito ang kanyang tshirt. O yakapin ito para maitago ang kahubaran nito sa maraming kalalakihang nababaliw na dito. Pagkuway ibinato nito ang tinanggal na bra at hindi niya akalaing sa mismong mesa niya iyon lalagpak. Animo iisang tao lamang na tumayo ang tatlong kalalakihan at tangkang kukuhain ang bra ni Leslie na noon ay nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Ngunit naging maagap siya, agad niya iyong hinablot at itinago sa kanyang likuran. Napadako naman ang paningin ni Leslie sa parte ng nilagpakan ng kanyang bra at laking gulat niya ng mapagsino ang nakaupo sa parteng iyon. "OMG! S-si Jayson?!" nanlalaki ang matang sabi niya sa sarili, nakaramdam siya ng matinding hiya dito. Nagtama ang kanilang mata, matiim siya nitong tinitingnan. Hindi niya kinaya kaya agad niyang binawi ang sariling paningin dito. Itinuloy pa rin niya ang pag-indak hanggang sa ilang sandali pa ay natapos na ang musika. Agad siyang nagvow sa mga audience bago siya tuluyang tumakbo sa dressing room. Samantala hindi inaasahan ni Jayson ang kilos ng tatlo. Bigla siyang sinuntok nito, hindi niya alam kaya tumama ang kamao nito sa panga niya. Medyo nahilo siya dahil sa medyo may kalakasan nitong pagsuntok, agad na nagsalubong ang kanyang kilay. "Pare, wag kana kasing magmatigas. Ibigay mo na sakin ang bra ni Rosa! Pangarap kong maamoy manlang iyan, diba mga kasama?" galit pahayag ng lalaki na dahilan para mag init na ng tuluyan ang ulo ni Jayson. Agad niyang dinampot ang bote ng alak na kanyang iniinom at walang awang ipinalo iyon sa ulo ng lalaking nagsalita niyon. Nagsigawan naman ang mga taong nandoroon. Nakita ni Jayson na pasugod ang isa nitong kasamahan, agad siyang sumampa sa upuan at sinipa ng ubod lakas ang papalapit na lalaki. Nakita naman niyang may kung anong binubunot ang lalaki sa tagiliran nito. Alam niya na baril iyon, agad niyang nilundag ito at nakipag-agawan siya dito. "Dyosko awatin nyo! Ano, may tumawag na ba ng pulis?!" sigaw ng isang bakla. Patuloy sila sa pambuno ng lalaki, hindi maaaring matalo siya nito buhay niya ang nakasalalay dito. Samantala nalaman ni Leslie na nagkakagulo ng sabihin sa kanya ng kanyang mga kasamahan. Hindi na nga niya nakuhang magsuot pa ng kahit tshirt lamang, buti nalang at nakapag- suot na siya ng bra. Nagulat siya ng makitang si Jayson pala ang may kaaway. Agad siyang nagpanick ng makita na may pinag-aagawang baril ang mga ito kaya naisipan niyang tulungan ang lalaki, kumuha siya ng bote ng alak. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at ng makakuha ng tyempo, agad niya itong pinalo ng ubod lakas sa ulo gamit ang bote ng alak na hawak. Tulog naman agad ang lalaki. Nakahinga siya ng maluwag na makitang tuluyan ng humandusay ang lalaki. Hinihingal naman na napahawak sa tuhod si Jayson. "Okey ka lang ba Jayson? Bakit kasi nakipag-away ka?" nag-aalalang tanong niya dito, tsaka niya tiningnan ang bibig nitong may bahid ng dugo. "Okay lang ako," tipid na sagot nito. "Tumawag na ba kayo ng pulis?" sigaw ng bakla. "Paparating na daw po Boss, hintayin nalang po natin," sagot ng isang waiter. "Dyosko! Pano na ang kita ko?! Kung bakit naman kasi pinapunta-punta mo pa yang jowa mo dito Rosa, ayan tuloy! " inis na sabi ng bakla. "Momshie, hindi ko po sya boyfriend. Friend sya ng bestfriend ko, nagulat nga ako ng makita sya dito," sagot ni Leslie sa kanyang boss. "Ay ewan! Basta ba babayaran nya ang perwisyong dinulot nya dito!" mataray na sabi nito. "Pakikwenta ng lahat, babayaran ko na," tiim bagang na sabi naman ng lalaki sa bakla. "Momshie, hindi naman siya ang nagsimula ng gulo. Kitang-kita kong ng suntukin siya kanina, wala ngang ginagawa itong si loverboy," sabat naman ng isa sa kasamahan niya. "O ei di, ayusin nyo yan! Kailangang magbayad ang tatlong yan!" mataray ulit na bulyaw nito sa kanila. "Leslie, bayaran ko na lang para wala ng gulo," sabi ulit ni Jayson sa kanya. "Hindi Jayson, marami naman ang nakakita na wala kang kasalanan. Hayaan mo iyon si Momshie, palibhasa mukhang pera," sabi niya dito. "Uy bruha, gwapo ng jowa mo ha! Kelan ka pa nagkajowa, ahemmm, masyado kang malihim ha," sabi ng intrigera niyang kasamahan. "Sira! Diko sya jowabels no! Hmmpp, maiwan na nga muna kita Jayson kuhain ko lang gamit ko sa loob para makauwi na rin," sabi niya dito. "Tutuloy ka ba sa hospital?" tanong nito. "Ah oo, kailangan kasi ako don," sagot niya dito. "Sige sabay na tayo, hintayin kita sa kotse," tila walang emosyong pahayag nito, sabay hagod ng tingin nito sa kanya. "Uhmm, s-sige," tipid na sagot niya dito, ngunit nailang siya dito. Kakaiba kasi ang tingin nito, akala mo tagos sa buto niya. Tsaka bigla nanaman siyang nakaramdam ng hiya dahil nakabra lang nga pala sya. Agad siyang tumalikod na dito. Napapailing naman na lumakad na palabas ng bar si Jayson. Ramdam na niya ang sakit ng kanyang panga. Sanay siya na makakita ng babaeng kauri ni Leslie, sanay siyang makihalubilo sa mga ito. Pero bakit parang naninibago siya kay Leslie, oo at sanay siyang makita ito na maiksi ang damit ngunit ang makita ito na nakahubad sa kanyang harapan. Kakaiba ang dating niyon sa kanya. Hindi rin niya maipaliwanag pero basta alam niyang kakaiba iyon. Para tuloy nais niyang saktan ang sarili, bakit ba kung anu-ano ang kanyang iniisip, may dapat pa siyang problemahin at iyon ay si Charlotte ang mahal niyang si Charlotte na nasa piling na ng kanyang bestfriend na kasalanan din naman niya kung bakit napadpad ito doon. Ilang minuto lamang at dumating na si Leslie. "Tara, nang magamot ko rin iyang pumutok mong labi pagdating natin sa hospital," aya nito, ipinagbukas naman niya ito ng pintuan ng kotse. Tsaka siya sumakay na rin ng matiyak na nakaupo na ito. Bago niya pinaandar ang kotse, kinuha niya sa bulsa ng kanyang jacket ang sexy bra nito na itinapon nito sa harapan niya kanina. Namilog naman ang mata nito ng makita iyon. "Sa uulitin, wag ka na basta-basta magtatapon ng bra ha. Ingatan mo na, ng dahil diyan napaaway pa ako. Baka next time, mapatay na ako ng dahil lang sa bra mo," seryosong sabi niya dito, sabay inabot niya ang bra nito. Namumula naman ang mukhang kinuha iyon ni Leslie. Halos hindi siya makatingin dito, at nahiling niya ng wala sa oras na sana bumuka ang upuan ng sasakyan nito at lamunin siya niyon, hiyang-hiya talaga siya dito. ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.4K
bc

My Son's Father

read
583.1K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.8K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
382.2K
bc

The Sex Web

read
132.1K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
699.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook